Pumunta sa nilalaman

AKB48

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 17:08, 21 Agosto 2012 ni RedBot (usapan | ambag)
AKB48
AKB48 (2010)
AKB48 (2010)
Kabatiran
PinagmulanAkihabara, Tokyo, Japan
GenreJ-pop, pop
Taong aktibo2005–present
LabelAKS
DefStar Records
You, Be Cool!/King Records
MiyembroTeam A Details
Team K Details
Team B Details
Team 4 Details
Dating miyembroFormer Members
Websiteakb48.co.jp

Ang AKB48 ay isang idol group na binubuo ng mga kababaihan mula sa Hapon. Ito ay kinonsepto at binuo ni Yasushi Akimoto. Ang grupo na ito ay nagtamo ng malawak na popularidad sa Hapon. Ang siyam na pinakabagong singles nila ay nanguna sa Oricon Weekly Singles Chart. Ang mga single nila na "Beginner" at "Heavy Rotation" ay kapwa naging una at pangalawa sa pinakamabentang single sa Hapon ng taong 2010. [1] Samantala, ang mga single naman na Everyday, Kachuusha, Sakura no Ki ni Naro at Flying Get ang kasalukuyang nangunguna sa mga listahan ng mabentang single ngayong 2011.

Ang AKB48 ay hango sa Akihabara, isang lugar sa Tokyo kung saan matatagpuan ang Don Quijote.[2] Sa ika-walong palapag ng nasabing lugar makikita ang sariling teatro ng AKB48, kung saan sila nagtatanghal. Ang ideya ni Akimoto ay gumawa ng isang grupo na nagtatanghal sa teatro kung saan maaari silang makita araw-araw ng kanilang mga tagahanga; kinalaunan tinawag ang konseptong ito bilang "idols you can meet" (mga idolong maaaring makahalubilo).[3][4] Nagtatanghal parin ang AKB48 sa teatro nila, ngunit ang mga tiket ay pinalolotarya na lamang dahil sa dami ng gustong makapanood ng pagtatanghal nila sa teatro.

Ang AKB48 ay nabilang din sa Guiness World Record bilang grupo na may pinakamaraming miyembro sa larangan ng musika.[5][6] Ang AKB48 ay kasalukuyanh binubuo ng 4 na koponan, ito ay ang Team A, Team B, Team K na may 16 na miyembro bawat isa, at Team 4 na may 12 na miyembro; noong July 24, 2011 naitala na may 60 na miyembro ang AKB48.[7] Meron ding mga "Kenkyusei"; mga di pa ganap na miyembro na nagsasanay pa lamang upang opisyal na mapabilang sa grupo.

Gumawa rin ng ibang pang mga grupo si Yasushi Akimoto, ito ay ang : SKE48, na nakabase ang teatro sa Sakae, isang lugar sa Nagoya, SDN48, isang groupo na mayroong mas matandang imahe, at NMB48, na nakabase Osaka. Nagkakaroon na rin ng mga audition para sa HKT48, TPE48 at JKT48.

Isa pangkonsepto na ginawa ni Yasushi Akimoto noong 2009 ay ang "halalan para sa Senbatsu", kung saan ang mga tagahanga ay maaaring bumoto kung sino sa mga miyembro ng AKB48 ang makakasali sa susunod na single. Sa huling halalan para sa Senbatsu na ginanap noong Hunyo hangang Hulyo 2011, mahigit isang milyong boto ang naitala, 40 na miyembro ang napili mula sa 152 na miyembro ng AKB48, SKE48, SDN48, at NMB48.[8][9][10][11] Noong 2010 naman, nagkaroon ng bagong paraan ng pagpili ng miyembro ng Senbatsu; ito ay ang Janken Tournament. Isa itong torneo kung saan ang mga napiling mga kalahok ay maglalaban sa pamamagitan ng larong bato-bato-pik; ang matitirang 16 na miyembro ang magiging Senbatsu sa susunod na single; ang mananalo naman ang magiging sentro ng nasabing single. Ang ikalawang Janken Tournament ay naganap noong Setyembre 20, 2011.


Kasaysayan

2005

AKB48 Theater in Akihabara, Tokyo

Noong Hulyo 2005, nagpa-audition si Yasushi Akimoto upang gumawa ng isang grupo ng mga nagtatanghal sa teatro.[12] Mula sa 7,924 na babae nag-audition, 45 ang nakapasa sa unang yugto ng auditions. Nagkaroon ng mas detalyadong pagpili ng mga aplikante, hanggang sa 24 na kababaihan ang napili upang mapabilang sa grupo.

Noong ika-8 ng Disyembre taong 2005, nagsimulang magtanghal sa teatro ang grupo na may 20 na miyembro lamang; kinalaunan ay nakilala bilang Team A.[13] Inanunsiyo na magkakaroon ng panibagong audition, kasama ang NTT DoCoMo , isang telecom na kumpanya sa Hapon. Ito ang kauna-unahang audition kung saan kailangang magpadala ng audition video ang mga aplikante. Mula sa 11,892 na aplikante, 19 ang napili upang mapabilang sa AKB48, ngunit sa huli, 18 na miyembro lang ang sumali sa grupo upang maging Team K noong taong 2006.[14]

2006

Noong Enero 2006, pinayagan ni Akimoto si Shinoda Mariko na sumali sa grupo kahit hindi siya sumali ng audition,[15]; ito ay dahil nanalo siya sa isang popularity vote ng mga tagahanga niya. Siya ay nagta-trabaho bilang isang serbidora sa Cafe sa teatro ng AKB48, dahilan ng hindi niya pagkakasali sa naunang audition.[16]

Naglabas ang AKB48 ng kanilang kauna-unahang single na pinamagatang "Sakura no Hanabiratachi"" noong Pebrero 2006. Naging ika-sampu ito sa Oricon weekly charts at bumenta ng 22,011 na sa unang linggo nito, isang katangi-tanging pangyayari para sa isang grupo wala pang label. [17]

Noong ika-1 ng Marso, inilabas ng AKB48 ang kanilang unang photobook, ang Micchaku! "AKB48" ~Shashinshuu Vol.1 the DEBUT. Noong ika-31 ng Marso, nagtapos si Yuki Usami; siya ang pinakaunang miyembro na nagtapos sa AKB48.

Naghahanda ang AKB48 para sa kanilang unang patatanghal noong March 26, 2006

Simula noong ika-1 ng Abril, nagsimula nang magtanghal ang Team K sa teatro.

Noong ika-7 ng Hunyo 2006, inilabas ang pangalawang single ng AKB48 na pinamagatang "Skirt, Hirari"", and kinanta nila ito sa mga programang pang-telebisyon na Music Station at Music Fighter noong ika-9 ng Hunyo. Grumadweyt si Ayako Uemura noong ika-17 ng parehong buwan.

Noong Agosto 2006, lumagda ang AKB48 sa DefStar Records na kaparte ng Sony Music Entertainment. Ang unang single nila sa DefStar Records ay pinamagatang "Aitakatta", inilabas noong ika-25 ng Oktubre; ito ay nagtala ng ika-labing dalawang puwesto sa Oricon weekly single charts.[18] Ang "Aitakatta" ay nakabenta ng 25,544 na kopya sa unang anim na linggo nila sa Oricon.

Oktubre ng nasabing taon, inanunsiyo na magkakaroon ng panibagong audition para buoin ang Team B. [19] Nagkaroon ng 12,828 na aplikante ngunit 13 lamang ang nakapasa. Sila ang naging bagong Team B noong Disyembre ng nasabing taon.[20]

Noong ika-3 at 4 ng Nobyembre, itinanghal ng AKB48 ang kanilang unang konsiyerto na pinamagatangAKB48 First Concert "Aitakatta ~Hashira wa Nai ze!~ sa Nippon Seinenkan, Sendagaya, Shinjuku. Noong Disyembre 2006, nagkaroon ng unang pagbabago sa mga miyembro ng grupo. Sina Kazumi Urano, Shiho Watanabe at si Natsumi Hirajima mula Team A ay inilipat sa Team B para maging mga supporting members. Nagtapos si Ayumi Orii pagkatapos nito, ngunit pagkatapos ng kanyang pagtatapos, lumabas siya sa Crayon Friends from AKB48, isang sub-unit ng AKB48.

2011

Ang unang labas na “single” para sa taon ay ang "Sakura no Ki ni Narō". Nilabas ito noong Pebrero 16. Naka abot ng 655,000 na kopya ang nabenta mula sa unang araw ng paglabas ng AKB48 ng “single” na ito. Tinalo nito ang dating “top record” nilang single “Beginner” na bumenta naman ng 568,000 na kopya sa unang araw ng labas. Ito ay bumenta ng hanggang 942,479 na kopya sa unang linggo ng paglabas, at ito ang pinakamataas na record ng AKB48 sa panahong iyon.

Nung Pebrero, inihayag na sina Yūki Kanazawa at Manami Oku ay mag-tatapos na bilang miyembro ng grupong AKB48.

Ang kanilang pangatlong “studio album” na “Koko ni Ita Koto” (ここにいたこと?) ay inihayag noong Pebrero 21, 2011. Ito ang kanilang kauna-unahang orihinal na “album” (kumpara sa dati na mga pagtitipon ng mga nailabas na “singles”). May laman itong labing isang (11) bagong mga kanta na hindi pa nailalabas dati, kasama dito ang “title track Koko ni Ita Koto”. Ito ay itinakdang ma-“release” sa Japan noong Abril 6, 2011.

Inanunsyo nila sa kanilang “blog” nung Marso 12, 2011 na pansamantalang magsasara ang “AKB Theater” dahil sa naganap na trahedyang “2011 Tohoku earthquake and tsunami” pati na din lahat ng kanilang mga palabas pangpubliko ay pansamantalang na kansela. Pagkalipas ng dalawang araw, na anunsyo sa kanilang “official blog” na ang kanilang konsiyertong “Takamina ni tsuite ikimasu (たかみなについて行きます?, lit. "(We) will follow Takamina" na sana ay gaganapin noong Marso 25-27, 2011 sa “Yokohama Arena” ay kanila ring kinanselang pansamantala. Naglungsad sila ng proyektong kanilang tinawag na “Dareka no Tame ni" (誰かのために lit. "For someone's sake"?)-(“para sa kapakanan ng iba”). Ginamit nila ang “Yokohama Arena” para sa kanilang “charity event” na ginanap sa loob ng dalawang araw na nagsimula ng Marso 26, 2011. 12 sa kanilang mahalaga o pinaka sikat na miyembro ay pumunta naman sa “Okinawa International Movie Festival“ noong Marso 26 para din sa kawanggawa para sa mga biktima ng “2011 Tohoku earthquake and tsunami”. Tatlong araw pagkaraan nito, kanilang inanunsyo na maghahandog sila ng ¥500 milyon (humigit – kumulang P 250 milyon) para sa mga biktima ng trahedya. Ang nasabing donasyon ay nanggaling sa AKB48, SKE48, NMB48, SDN48 at sa kanilang “producer” na si Yasushi Akimoto. Sa araw na iyon, inanunsyo din nila na kanilang ipagpapaliban ang paglabas ng kanilang album na ,Koko ni Ita Koto (ここにいたこと?) at sinabi rin nila na parte ng kikitain ng “album” na iyon ay ibibigay din nila sa mga biktima ng trahedya. Bukod ditto, inihayag din nila na gaganapin nila ang “senbatsu election” para mapili ang mga myembrong gaganap sa kanilang pang 22 na “single”. Nung Abril 1, naglabas sila ng “single” na "Dareka no Tame ni (What can I do for someone?)" (誰かのために -What can I do for someone?-?). Sa pamamagitan ng “Recochoku website” pwede itong mabili bilang “digital download” at lahat ng kikitain nito ay kanilang ihahandog sa mga biktima ng trahedya ng lindol at tsunami. (ang “. Dareka no Tame ni” ay dati na nilang kanta na kasama sa isang “live” album na nilabas nila noong 2007)

Nung Abril 6, nagtapos si Manami Oku pagkawakas ng pagtanghal ng “Team B stage”.

Nung Mayo 1, may ibinalita na may lilikhaing bagong 48 na grupo na HKT48. Ito ay nakapwesto sa “Fukuoka sa Kyushu” at ang “theater” nito ay matatagpuan sa “Hawks Town Mall of Fukuoka’s Chuo ward”.

Nung Mayo 3, Ihinayag sa “The Straits Times” na ang AKB48 ay magbubukas ng kauna-unahang “overseas theater” nila sa Singapore. Ito ay matatagpuan sa SCAPE Youth Park. 16 na miyembro ng AKB48 at mga iba pang grupong 48 ay nakatakdang gumanap ditto ng dalawang araw sa isang buwan na may dalawang pagganap kada araw. Nagbukas ito nuong Mayo 14, 2011 at unang beses silang nagtanghal nuong Mayo 15, 2011 doon. Nagbukas din sa SCAPE Youth Park, Singapore ng “AKB48 Café” nuong June 25, 2011. Sabi nila, iyon daw ang pinaka-unang “AKB48 café” na maghahanda ng “Japanese fusion cuisine” at mga panghimagas.

Ibinalita ng “AKB staff blog” na dalawang “trainee” na sina Nau Yamaguchi at Sara Ushikobu ay aalis ng grupo at hindi nila sinabi kung ano ang rason. Ang huli nilang pagtanghal bilang miyembro ng grupo ay Hunyo 19, 2011.

Nilabas ng AKB48 ang kanilang pang 21 na “single album” na "Everyday, Kachūsha" noong Mayo 25, 2011. Sa unang araw ng paglabas nito, 942,475 na kopya ang kanilang nabenta at 1,333,969 na kopya naman ang nabenta sa unang linggo kaya ito ang nagging pinakamabentang “single” sa Japan base sa mga kopyang nabenta sa unang linggo nung panahong iyon.

Nung Hunyo 7, 2011, ibinalita ng AKB48 na magbubuo sila ng bagong koponan na kanilang binansagang “Team 4” bago nila ganapin ang kanilang “nationwide tour concerts” sa Japan. Ang bagong koponan na ito ay may sampung miyembro (magdadagdag pa sila ng anim para maging 16 ang miyembro kapag may napili nang mga idadagdag). Ang team na ito ay ang dating 'Team Kenkyuusei' (mga “trainee” o estudyante ng AKB48).

Nung Hunyo 11, 2011, ibinalita sa isa nilang “handshake event” na may bagong babae na tatanggapin sa AKB48 bilang “Kenkyuusei” na si Aimi Eguchi (nag “audition” daw sya para sa NMB48 pero sa AKB48 sya tatanggapin). Napag-alaman na pakana lang pala ito para sa kanilang iniindorso na produktong “Ice no Mi” ng Glico at di pala tunay na tao si Aimi Eguchi.

Inihayag ng Oricon nung Hunyo 22, 2011 na base sa kanilang ranggo ng pagbenta noong unang kalahating yugto ng taong 2011, ang grupong AKB48 ay nagpakita ng pinakamalas na pagbenta ng “singles”. Ang AKB48 lang ang nagkaroon ng bentang dalawang milyon poara sa kanilang “singles” na “Everyday, Kachūsha at "Sakura no Ki ni Narō". Ang mga ito ay ang mga pinakamalakas at pangalawang pinakamalakas na nabentang “singles”. Sa isang pagsusuri para sa panahong Disyembre 27, 2010 hanggang Hunyo 20, 2011, napag-alaman na kumita ng humigit-kumulang na ¥6.66 bilyon ang AKB48 mula sa pagbenta ng kanilang paninda.

Ibinalita ng “producer” ng AKB48 na si Yasushi Akimoto noong Hunyo 28, 2011 na gagawa siya ng isang grupong magiging karibal ng AKB48. Binansagan nya ito ng pangalang “Nogizaka46 (乃木坂46?) “. Nasabi din na Maguumpisa ang grupong ito na may 20 na miyembro. Isiniwalat ni Yasushi Akimoto na nabuo ang grupong ito sa kanyang pakikipag ugnayan sa “Sony Music Japan” para mag “produce” ng nasabing karibal na grupo.

Nung Agusto 22, 2011, inilabas ng AKB48 ang kanilang pang 22 na “single” ang “Flying Get (フライングゲット Furaingugetto?)”. Ito ay nakabenta ng 1,025,952 na kopya sa unang araw ng paglabas at 1,354,000 sa unang linggo ng paglabas. Ang “Flying Get “ ay ang pang apat na “single” ng AKB48 na nakabenta ng higit sa isang milyong kopya sa unang linggo ng paglabas.

Dalawang AKB48 “Kenkyuusei” o “trainees” ang idadagdag para sa “Team 4” ng AKB48 nung Hulyo 23, 2011. Ang dalawang ito ay sina Abe Maria at Iriyama Anna. Nung oras rin nay un, ibinunyag din nila na may napili nang lider ng “Team 4” na walang iba kundi si Oba Mina.

Nagpalabas muli ng kanilang pang 23 na major “single” (Kaze wa Fuiteiru) ang AKB48 noong Oktubre 26, 2011. Ito ay bumenta ng 1,045,937 na kopya sa unang araw ng paglabas at ito din ang nagging bagong tala ng pinakamabentang “single” ng AKB48 base sa unang araw ng paglabas. Pagkatapos nito, naglabas sila muli ng kanilang pang 24 na “single” (Ue kara Mariko) noong Disyembre 7, 2011. Ito naman ay nakabenta ng 1,199,000 na kopya sa unang linggo ng labas nito.

Para sa taong 2011, ang AKB48 ay nanguna sa pito (7) ng 16 na batayan ng Oricon “top rankings”. Kasama sa pinangunahan nilang mga kategorya ay ang mga sumusunod: “Total sales by an artist, Copies sold for a single, Total sales for a single, Total sales by an artist (for singles), Copies sold for a music Blu-ray disc, Total sales for a music Blu-ray disc and Total sales by an artist (for Blu-rays discs)”. Bukod dito, ibinalita din na ang AKB48 ay humahawak ng mga titolong “all-time records for the most singles selling over 1 million copies in a year, the best-selling single by a female group and the highest-earning female group”. Nanalo din sa “53rd Japan Record Award” ang “Flying Get.single” ng AKB48.

Miyembro

Team A

Mga Miyembro ng Team A
  1. 岩佐 美咲 (Misaki Iwasa). Ipinanganak noong Enero 30, 1995 sa Saitama. Tangkad:156 cm(5'2"). Palayaw: Wasamin
  2. 多田愛佳(Oota Aika). Ipinanganak noong Disyembre 8, 1994 sa Saitama. Tangkad:150 cm(4'11"). Palayaw: Rabutan/Lovetan
  3. 大家志津香 (Oya Shizuka). Ipinanganak noong Disyembre 28, 1991 sa Fukuoka. Tangkad:164 cm(5'5"). Palayaw: Shiichan
  4. 片山陽加(Katayama Haruka). Ipinanganak noong Mayo 10, 1990 sa Chiba. Tangkad:154 cm(5'1"). Palayaw: Kataharu, Ha-chan
  5. 倉持明日香 (Kuramochi Asuka). (Dating SEED) Ipinanganak noong Setyembre 11, 1989 as Nakagawa. Palayaw: Mocchi
  6. 小嶋陽菜 (Kojima Haruna). Ipinanganak noong Abril 19, 1988 sa Saitama. Tangkad:163 cm(5'4"). Palayaw: Haruna, Kojiharu, Harunachan, Harunyan
  7. 指原莉乃 (Sashihara Rino). Ipinanganak noong Nobyembre 21, 1992 sa Oita. Tangkad:159 cm(5'3"). Palayaw: Sasshi
  8. 篠田麻里子 (Shinoda Mariko). Ipinanganak noong Marso 22, 1986 sa Fukuoka. Tangkad:165 cm(5'5"). Palayaw: Mariko, Maririn
  9. 高城亜樹 (Takajo Aki). Ipinanganak noong Oktubre 3,1991 sa Tokyo. Tangkad:164 cm(5'5"). Palayaw: Akicha
  10. 高橋みなみ (Takahashi Minami). Ipinanganak noong Abril 8, 1991 sa Tokyo. Tangkad:148 cm(4'10"). Palayaw: Minami, Takamina
  11. 仲川遥香 (Nakagawa Haruka). Ipinanganak noong Pebrero 10, 1992 sa Tokyo. Tangkad:155 cm(5'1"). Palayaw: Harugon
  12. 中田ちさと (Nakata Chisato). Ipinanganak noong Oktubre 8, 1990 sa Saitama. Tangkad:155.7 cm(5'1"). Palayaw: Chiichan
  13. 仲谷明香 (Nakaya Sayaka). Ipinanganak noong Oktubre 15, 1991 sa Iwate. Tangkad:159 cm(5'3"). Palayaw: Nakayan
  14. 前田敦子 (Maeda Atsuko). Ipinanganak noong Hunyo 10, 1991 sa Chiba. Tangkad:157 cm(5'2"). Palayaw: Acchan
  15. 前田亜美 (Maeda Ami). Ipinanganak noong Hunyo 1, 1995 sa Tokyo. Tangkad:163 cm(5'4"). Palayaw: Aamin
  16. 松原夏海 (Matsubara Natsumi). Ipinanganak noong Hunyo 19, 1990 sa Fukuoka. Tangkad:160 cm(5'3"). Palayaw: Nattsumii

Team K

Mga Miyembro ng Team K
  1. 秋元才加 (Akimoto Sayaka). Ipinanganak noong Hulyo 26, 1988 sa Chiba. Tangkad:166 cm(5'5"). Palayaw: sayaka, saaya
  2. 板野友美 (Itano Tomomi). Ipinanganak noong Hulyo 3, 1991 sa Kanagawa. Tangkad:153 cm(5' 0"). Palayaw: tomochin
  3. 河西智美 (Kasai Tomomi). Ipinanganak noong Nobyembre 16, 1991 sa Tokyo. Tangkad:153 cm(5'0"). Palayaw: tomo
  4. 小林香菜 (Kobayashi Kana). Ipinanganak noong Mayo 17, 1991 sa Saitama. Tangkad:158 cm(5'2"). Palayaw: kana, kaachi, kacchan
  5. 増田有華 (Masuda Yuka). Ipinanganak noong Agusto 3, 1991 sa Osaka. Tangkad:162 cm(5'4"). Palayaw: yuka
  6. 松原夏海 (Matsubara Natsumi). Ipinanganak noong Hunyo 19, 1990 sa Fukuoka. Tangkad:159 cm(5'3"). Palayaw: natsumi
  7. 宮澤佐江 (Miyazawa Sae). Ipinanganak noong Agusto 13, 1990 sa Tokyo. Tangkad:164 cm(5'5"). Palayaw: sae
  8. 成瀬理沙 (Naruse Risa). (Dating SEED) Ipinanganak noong Agusto 13, 1993 sa Saitama. Palayaw: naruru
  9. 野呂佳代 (Noro Kayo). Ipinanganak noong Oktubre 28, 1983 sa Tokyo. Tangkad:161 cm(5'3"). Palayaw: norokayo, nonti
  10. 大堀恵 (Ohori Megumi). Ipinanganak noong Agusto 25, 1983 sa Tokyo. Tangkad:158 cm(5'2"). Palayaw: me-tan
  11. 藤江れいな (Fujie Reina). (Dating SEED) Ipinanganak noong Pebrero 1, 1994 sa Chiba. Palayaw: reinyan
  12. 大島優子 (Oshima Yuko). Ipinanganak noong Oktubre 17, 1988 sa Tochigi. Tangkad:152 cm(4'11.5"). Palayaw: yuko
  13. 小野恵令奈 (Ono Erena). Ipinanganak noong Nobyembre 26, 1993 sa Tokyo. Tangkad:146 cm(4'9.5"). Palayaw: erepyon
  14. 佐藤夏希 (Sato Natsuki). Ipinanganak noong Hulyo 1, 1990 sa Hokkaido. Tangkad:163 cm(5'4"). Palayaw: nacchi
  15. 梅田彩佳 (Umeda Ayaka). Ipinanganak noong Enero 3, 1989 sa Fukuoka. Tangkad:151.5 cm(4'11.5"). Palayaw: umechan
  16. 峯岸みなみ (Minegishi Minami). Ipinanganak noong Nobyembre 15, 1992 sa Tokyo. Tangkad:157 cm(5'2"). Palayaw: miichan, minegishi sensei

Team B

Mga Miyembro ng Team B
  1. 平嶋夏海 (Hirajima Natsumi). (Dating Team A) Ipinanganak noong Nobyembre 15, 1992 sa Tokyo. Tangkad:153 cm(5'0"). Palayaw: nacchan
  2. 井上奈瑠(Inoue Naru). Ipinanganak noong Disyembre 18, 1991 sa Osaka. Tangkad:165 cm(5'5"). Palayaw: naruppe
  3. 柏木由紀(Kashiwagi Yuki). Ipinanganak noong Hulyo 15, 1991 sa Kagojima. Tangkad:163 cm(5'4"). Palayaw: yukirin
  4. 菊地彩香(Kikuchi Ayaka). Ipinanganak noong Hunyo 30, 1993 sa Tokyo. Tangkad:160 cm(5'3"). Palayaw: ayarin
  5. 松岡由紀 (Matsuoka Yuki). Ipinanganak noong Oktubre 7, 1987 sa Kanagawa. Tangkad:162 cm(5'4"). Palayaw: yukki, yukiyuki, matsuyuki
  6. 野口玲菜 (Nogichi Reina). Ipinanganak noong Abril 15, 1993 sa Saitama. Tangkad:162.5 cm(5'4"). Palayaw: gussan
  7. 佐伯美香 (Saeki Mika). Ipinanganak noong Oktubre 29, 1989 sa Tochigi. Palayaw: mikichii
  8. 早乙女美樹 (Saotome Miki). Ipinanganak noong Hunyo 22, 1991 sa Tochigi. Tangkad:159 cm(5'3"). Palayaw: mikipomu
  9. 田名部生来 (Tanabe Miku). Ipinanganak noong Disyembre 2, 1992 sa Shiga. Tangkad:162 cm(5'4"). Palayaw: tanamin
  10. 浦野一美 (Urano Kazumi). (Dating Team A) Ipinanganak noong Oktubre 23, 1985 sa Saitama. Tangkad:155 cm(5'1"). Palayaw: miho, cindy
  11. 渡辺麻友 (Watanabe Mayu). Ipinanganak noong Marso 26, 1994 sa Saitama. Tangkad:154 cm(5'1"). Palayaw: mayuyu
  12. 米沢瑠美 (Yonezawa Rumi). Ipinanganak noong Hunyo 6, 1991 sa Saitama. Tangkad:161 cm(5'3"). Palayaw: rumichan, yonechan, rumi

Paglilinaw: Noong Disyembre ng taong 2006, ipinakilala sa madla ang 18 bagong cadets para sa team B, at dahil dito ay may mga nagsasabi na nagkaroon nang 53 miyembro ang grupo . Ang opisyal na listahan ng miyembro ng team B ay inilibabas lamang noong Abril 8, 2007, na naglalaman ng 16 na miyembro, kasama na ang 3 miyembro na dating team A.

Mgs SEEDS

Kasalukuyang nagtatanghal na mga SEEDS
  1. 近野莉菜 (Chikano Rina). Ipinanganak noong Abril 23, 1993 sa Tokyo. Palayaw: chikarina
  2. 小原春香 (Kohara Haruka). Ipinanganak noong Abril 12, 1988 sa Hiroshima. Palayaw: haruchan
  3. 宮崎美穂 (Miyazaki Miho). Ipinanganak noong Hulyo 30, 1993 sa Tokyo. Palayaw: myao
  4. 中田ちさと (Nakata Chisato). Ipinanganak noong Oktubre 8, 1990 sa Saitma. Palayaw: chii-chan
  5. 佐藤亜美菜 (Satou Amina). Ipinanganak noong Oktubre 16, 1990 sa Tokyo. Palayaw: amina
  6. 瓜屋茜 (Uriya Akane). Ipinanganak noong Agusto 24, 1992 sa Kanagawa. Palayaw: akane

Mga Nagtapos Na Miyembro

Mga Nagtapos na Miyembro
  1. 宇佐美友紀 (Usami Yuki). (Dating Team A) Ipinanganak noong December 6, 1984 sa Saitama. Tangkad:149 cm(4'11"). Palayaw: yukki. Nagtapos noong Marso 31 taong 2006.
  2. 上村彩子 (Uemura Ayako). (Dating Team K) Ipinanganak noong February 7, 1986 sa Saitama. Tangkad:148 cm(4'10"). Palayaw: a-ya. Umalis noong Hunyo 17 taong 2006.
  3. 折井あゆみ (Orii Ayumi). (Dating Team A) Ipinanganak noong Hulyo 20, 1985 sa Nagano. Tangkad:160 cm(5'3"). Palayaw: ayu. Nagtapos noong Enero 25 taong 2007.
  4. 今井優 (Imai Yu). (Dating Team K) Ipinanganak noong Abril 17, 1985 sa Saitama. Tangkad:152 cm(4'11.5"). Palayaw:yuu. Nagtapos noong Hunyo 22 taong 2007.
  5. 高田彩奈 (Takada Ayana). (Dating Team K) Ipinanganak noong Hulyo 21, 1988 sa Aichi. Tangkad:161 cm(5'3"). Palayaw:ayana, ayanya. Nagtapos noong Hunyo 22 taong 2007.
  6. 星野みちる (Hoshino Michiru). (Dating Team A) Ipinanganak noong Nobyembre 19, 1985 sa Chiba. Tangkad:153 cm(5'0"). Palayaw:micchii, chiruchiru, chiru. Nagtapos noong Hunyo 26 taong 2007.
  7. 渡邊志穂 (Watanabe Shiho). (Dating Team A at B) Ipinanganak noong Oktubre 25, 1987 sa Hyougo. Tangkad:166 cm(5'5"). Palayaw:shiho. Nagtapos noong Oktubre 2 taong 2007.
  8. 渡辺茉莉絵 (Watanabe Marie). (Dating SEED ng Team B) Ipinanganak noong Enero 18, 1991 sa Tokyo. Palayaw: mariechan. Tumigil noong Nobyembre 15, 2007.
  9. 出口陽 (Deguchi Aki). (Dating SEED ng Himawari) Ipinanganak noong Marso 14, 1988 sa Mie. Palayaw: pippi. Biglaang nagtapos noong Nobyembre 26 taong 2007.
  10. 増山加弥乃 (Masuyama Kayano). (Dating Team A) Ipinanganak noong Pebrero 12, 1994 sa Tokyo. Tangkad:142 cm(4'8"). Palayaw:kayap. Nagtapos noong Nobyembre 30 taong 2007.
  11. 大島麻衣 (Oshima Mai). Ipinanganak noong Setyembre 11, 1987 sa Chiba. Tangkad:158 cm(5'2"). Palayaw: maimai. Nagtapos noong April 26, 2009.
  12. 川崎希 (Kawasaki Nozomi). Ipinanganak noong Agusto 23, 1987 sa Tokyo. Tangkad:155 cm(5'1"). Palayaw: nozofisu. Nagtapos noong February 27, 2009.
  13. 駒谷仁美 (Komatani Hitomi). Ipinanganak noong Disyembre 16, 1988 sa Saitama. Tangkad:156 cm(5'1"). Palayaw: hiichan, hiipink. Nagtapos noong November 23, 2008.
  14. 中西里菜 (Nakanishi Rina). Ipinanganak noong Hunyo 26, 1988 sa Ooita. Tangkad:158 cm(5'2"). Palayaw: rina, rinatin, rinachan. Nagtapos noong November 23, 2008.
  15. 成田梨紗 (Narita Risa). Ipinanganak noong Marso 1, 1991 sa Tokyo. Tangkad:158 cm(5'2"). Palayaw: risa. Nagtapos noong November 23, 2008.
  16. 大江朝美 (Ohe Tomomi). Ipinanganak noong Hunyo 15, 1989 sa Tokyo. Tangkad:155 cm(5' 1"). Palayaw: ohyay. Nagtapos noong November 23, 2008.
  17. 戸島花 (Tojima Hana). Ipinanganak noong Hulyo 11, 1988 sa Saitama. Tangkad:159 cm(5'3"). Palayaw: hana. Nagtapos noong November 23, 2008.
  18. 早野薫 (Hayano Kaoru). Ipinanganak noong Disyembre 12, 1992 sa Tokyo. Tangkad:152 cm(4'11.5"). Palayaw: kaorin. Nagtapos noong April 26, 2009.
  19. 佐藤由加理 (Sato Yukari). Ipinanganak noong Nobyembre 22, 1988 sa Shizuoka. Tangkad:161 cm(5'3"). Palayaw: yukarin. Nagtapos noong May 27, 2010
  20. 奥真奈美 (Oku Manami). Ipinanganak noong Nobyembre 22, 1995 sa Tokyo. Tangkad:140 cm(4'7"). Palayaw: mana, ma-chan, manamana. Nagtapos noong April 8, 2011.

Discography

Singles

桜の花びらたち (Sakura no Hanabiratachi)

Album Cover ng Sakura no Hanabiratachi

Debut Album/Pinaka-unang Album

  • Inilabas noong Pebrero 1 taong 2006 bilang isang Indies na single
  • Mga Kanta: 1. 桜の花びらたち (Sakura no Hanabiratachi) 2. Dear my teacher

スカート、ひらり (Skirt, Hirari)

Talaksan:Sukahira.jpg
Album Cover ng Skirt Hirari
  • Inilabas noong Hunyo 7 taong 2006 bilang isang Indies na single
  • Noong Hunyo 4 taong 2006, sa UDX Akiba Square iginanap ang launching ng Skirt, Hirari. Sa nasabing palabas, 37 miyembro mula sa team A at team K ang kumanta at sumayaw. Nagsimula ang event bandang alas-dos ng hapon kung saan mahigit-kumulang sa 1,000 mga fans ang pumila mula nung gabi pa para lang makapasok at makapanood.
  • Mga Kanta: 1. スカート、ひらり (Skirt, Hirari) 2. 青空のそばにいて (Aozora no Soba ni Ite)
  • Mga Kumanta/Sumayaw (Bukod sa mga ibang miyembro na ginawang back-up dancers):
    • Oshima Mai(A)、Nakanishi Rina(A)、Itano Tomomi(A)、Takahashi Minami(A)、Maeda Atsuko(A)、Narita Risa(A)、Kojima Haruna(A)

会いたかった (Aitakatta)

Limited Version ng Aitakatta
  • Inilabas noong Oktubre 25 taong 2006 sa ilalim ng Defstar
  • Mga Kanta: 1. 会いたかった (Aitakatta) 2. だけど… (Dakedo...)
  • Mga Kumanta/Sumayaw:
    • Itano Tomomi(A)、Ohe Tomomi(A)、Oshima Mai(A)、Kojima Haruna(A)、Shinoda Mariko(A)、Takahashi Minami(A)、Tojima Hana(A)、Nakanishi Rina(A)、Narita Risa(A)、Maeda Atsuko(A)、Minegishi Minami(A)、Akimoto Sayaka(K)、Umeda Ayaka(K)、Oshima Yuuko(K)、Ono Erena(K)、Kasai Tomomi(K)、Kobayashi Kana(K)、Noro Kayo(K)、Matsubara Natsumi(K)、Miyazawa Sae(K)

制服が邪魔をする (Seifuku ga Jama wo Suru)

Talaksan:Jyama2.jpg
Limited Version ng Seifuku ga Jama wo Suru
  • Inilabas noong Enero 31 taong 2007 sa ilalim ng Defstar
  • Mga Kanta: 1. 制服が邪魔をする (Seifuku ga Jama wo Suru) 2. Virgin love
  • Mga Kumanta/Sumayaw:
    • Itano Tomomi(A)、Oshima Mai(A)、Kojima Haruna(A)、Shinoda Mariko(A)、Takahashi Minami(A)、Nakanishi Rina(A)、Maeda Atsuko(A)、Minegishi Minami(A)、Akimoto Sayaka(K)、Oshima Yuuko(K)、Ono Erena(K)、Kasai Tomomi(K)、Masuda Yuka(K)、Miyazawa Sae(K)

軽蔑していた愛情 (Keibetsu Shite Ita Aijou)

CD Only Version ng Keibetsu Shite Ita Aijou
  • Inilabas noong Abril 18 taong 2007 sa ilalim ng Defstar
  • Mga Kanta: 1. 軽蔑していた愛情 (Keibetsu Shite Ita Aijou) 2. 涙売りの少女 (Namida Uri no Shoujo)
  • Mga Kumanta/Sumayaw:
    • Itano Tomomi(A), Oshima Mai(A), Kojima Haruna(A), Shinoda Mariko(A), Takahashi Minami(A), Nakanishi Rina(A), Maeda Atsuko(A), Minegishi Minami(A), Akimoto Sayaka(K), Oshima Yuko(K), Ono Erena(K), Kasai Tomomi(K), Kobayashi Kana(K), Sato Natsuki(K), Masuda Yuka(K), Miyazawa Sae(K)

BINGO!

  • Inilabas noong Hulyo 18 taong 2007 sa ilalim ng Defstar
  • Mga Kanta: 1. BINGO! 2. Only today
  • Mga Kumanta/Sumayaw:
    • Itano Tomomi (A), Oshima Mai (A), Kojima Haruna (A), Shinoda Mariko (A), Takahashi Minami (A), Nakanishi Rina (A), Maeda Atsuko (A), Minegishi Minami (A), Akimoto Sayaka (K), Oshima Yuko (K), Oku Manami (K), Ono Erena (K), Kasai Tomomi (K), Masuda Yuka (K), Miyazawa Sae (K), Kashiwagi Yuki (B), Hirajima Natsumi (B), Watanabe Mayu (B)

僕の太陽 (Boku No Taiyou)

  • Inilabas noong Agusto 8 taong 2007 sa ilalim ng Defstar
  • Mga Kanta: 1. 僕の太陽 (Boku No Taiyou) 2. 未来の果実 (Mirai No Kajitsu)

夕陽を見ているか? (Yuuhi Wo Mite Iru Ka?)

  • Inilabas noong Oktubre 31 taong 2007 sa ilalim ng Defstar
  • Mga Kanta: 1. 夕陽を見ているか? (Yuuhi Wo Mite Iru Ka?) 2. ビバ! ハリケーン (Viva! Hurricane)

ロマンス、イラネ (Romansu Irane)

  • Inilabas noong Enero 23 taong 2008 sa ilalim ng Defstar
  • Mga Kanta: 1. ロマンス、イラネ (Romansu Irane) 2. 愛の毛布 (Ai No Moufu)

桜の花びらたち2008 (Sakura No Hanabiratachi 2008)

  • Inilabas noong Pebrero 27 taong 2008 sa ilalim ng Defstar
  • Mga Kanta: 1. 桜の花びらたち2008 (Sakura No Hanabiratachi 2008) 2. 最後の制服 (Saigo No Seifuku)

Mga Album

  1. チームA 1st Stage「PARTYが始まるよ」(Team A Party ga Hajimaruyo)
  2. チームA 2nd Stage「会いたかった」(Team A 2nd Stage Aitakatta)
  3. チームA 3rd Stage「誰かのために」(Team A 3rd Stage Dareka no Tame ni)
  4. チームK 1st Stage「PARTYが始まるよ」(Team K 1st Stage Party ga Hajimaruyo)
  5. チームK 2nd Stage「青春ガールズ」(Team K 2nd Stage Seishun Girls)
  6. チームK 3rd Stage「脳内パラダイス」(Team K 3rd Stage Nounai Paradise)
  7. SET LIST〜グレイテストソングス 2006-2007 (Set List - Greatest Songs 2006-2007)

Mga DVD

  1. SPECIAL EDITION AKB48 「Memories」
  2. チームA 1st Stage「PARTYが始まるよ」(Team A Party ga Hajimaruyo)
  3. チームA 2nd Stage「会いたかった」(Team A 2nd Stage Aitakatta)
  4. チームA 3rd Stage「誰かのために」(Team A 3rd Stage Dareka no Tame ni)
  5. チームA 4th Stage「ただいま恋愛中」(Team A 4th Stage Tadaima Renai Chuu)
  6. チームK 1st Stage「PARTYが始まるよ」(Team K 1st Stage Party ga Hajimaruyo)
  7. チームK 2nd Stage「青春ガールズ」(Team K 2nd Stage Seishun Girls)
  8. チームK 3rd Stage「脳内パラダイス」(Team K 3nd Stage Nounai Paradise)
  9. First Concert「会いたかった~柱はないぜ!~」in 日本青年館 Normal Version
  10. First Concert「会いたかった~柱はないぜ!~」in 日本青年館 Shuffle Version
  11. First Concert Tour「春のちょっとだけ全国ツアー~まだまだだぜ AKB48!~」in 東京厚生年金会館

Mga Pagtatanghal

Ang mga araw-araw na pagtatanghal ng AKB48 sa AKB48 Theater.

  • Team A 1st Stage, Party Ga Hajimaruyo: Disyembre 8, 2005 hanggang Marso 31, 2006
  • Team A 2nd Stage, Aitakatta: Abril 15, 2006 hanggang Agusto 11, 2006
  • Team A 3rd Stage, Dareka No Tame Ni: Abril 20, 2006 hanggang Enero 25, 2007
  • Team A 4th Stage, Tadaima Renai Chuu: Pebrero 25, 2007 hanggang Hunyo 26, 2007
  • Team K 1st Stage, Party Ga Hajimaruyo: Abril 1, 2006 hanggang Hulyo 5, 2006
  • Team K 2nd Stage, Seishun Girls: Hulyo 8, 2006 hanggang Nobyembre 6, 2006
  • Team K 3rd Stage, Nounai Paradise: Disyembre 17, 2006 hanggang Hunyo 22, 2007
  • Team B 1st Stage, Seishun Girls: Abril 8, 2007 hanggang Oktubre 2, 2007
  • Team B 2nd Stage, Aitakatta: Oktubre 7, 2007 hanggang Pebrero 21, 2008
  • Team B 3rd Stage, Pajama Drive: nagsimula noong Marso 1, 2008 at patuloy na nagtatanghal
  • Himawari 1st Stage, Boku No Taiyou: Hulyo 1, 2007 hanggang Nobyembre 30, 2007
  • Himawari 2nd Stage, Yume Wo Shinaseru Wake Ni Ikanai: nagsimula noong Disyembre 8, 2007 at patuloy na nagtatanghal

References

  1. "シングル年間ランキング-ORICON STYLE ランキング" (sa wikang Hapones). Oricon Inc. Nakuha noong 2011-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "AKB48 Official Site|Where to see them". AKB48.
  3. "What is AKB48? / AKB48 [Official]". AKB48. 2011-02-14. Nakuha noong 2011-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Japanese Idol Group AKB48 to Perform at MIPCOM". Reuters. 2009-07-28. Nakuha noong 2011-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "AKB48 is officially the world's biggest group". 2010-11-15. Nakuha noong 2011-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Guinness Worlds Records - Largest pop group". Guinness World Records. Nakuha noong 2011-6-29. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  7. "AKB48公式サイト|メンバー情報" (sa wikang Hapones). (might not reflect recent promotion and graduation)
  8. "第3回選抜総選挙にAKB、SKE、NMB全152名が立候補". Natalie (sa wikang Hapones). Excite Japan Co., Ltd. 2011-04-12. Nakuha noong 2011-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "AKB48、第3回選抜総選挙の詳細が明らかに". Listen Japan (sa wikang Hapones). MSN (Microsoft). 2011-04-12. Nakuha noong 2011-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "第3回選抜総選挙にAKB、SKE、NMB全152名が立候補". Natalie (sa wikang Hapones). Yahoo Japan Corporation. 2011-04-12. Nakuha noong 2011-06-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "AKB48『第3回選抜総選挙!選抜メンバーフォト&完全レポート』-ORICON STYLE ミュージック" (sa wikang Hapones). Oricon Inc. 2011-06-09. Nakuha noong 2011-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "『AKBINGO!』". Panahon 4. 2010-07-07. Nippon Television. {{cite episode}}: Cite has empty unknown parameters: |episodelink= at |serieslink= (tulong); Missing or empty |series= (tulong); Unknown parameter |began= ignored (|date= suggested) (tulong); Unknown parameter |city= ignored (|location= suggested) (tulong); Unknown parameter |ended= ignored (|date= suggested) (tulong); Unknown parameter |seriesno= ignored (|series-number= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "今月も" (sa wikang Hapones). AKB48 Official Blog. 2005-11-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "『AKBINGO!』". 2010-07-14. Nippon Television. {{cite episode}}: Missing or empty |series= (tulong); Unknown parameter |city= ignored (|location= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "本日1月22日18時公演よりAKB48に新メンバー篠田麻里子が入りました。" (sa wikang Hapones). AKB48 Official Blog. 2006-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "インタビュー:AKB48「天然が多いんです」" (sa wikang Hapones). livedoor Co.,Ltd. 2006-10-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "AKB48、デビュー作が初登場TOP10入り!モー娘。以来の快挙達成!" (sa wikang Hapones). Oricon. 2006-02-06. Nakuha noong 2010-05-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "アーティスト&楽曲検索 会いたかった" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong 2011-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "チームBオーディション締め切り決定!" (sa wikang Hapones). AKB48 Official Blog. 2006-10-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "来年からの新体制について" (sa wikang Hapones). AKB48 Official Blog. 2006-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)