Acab
- Huwag ikalito kay Kapitan Ahab na isang kathang-isip na tauhan sa kuwentong Moby-Dick.
Si Ahab (Ebreo: Ah'av; Ingles: Ahab o Achab, na may kahulugang "Lalaking kapatid ng ama") ay isang dating naging hari ng Israel at ang anak na lalaki at naging kahalili ni Omri, ayon sa Bibliyang Ebreo.[1]
Si Ahab ay naging hari ng Israel noong nagaganap ang ikatatlumpu't walong taon ng pamumuno ni Asa, na hari ng Juda. Pinamunuan ni Ahab ang Israel sa loob ng dalawampu't dalawang mga taon.[2] Pinetsahan ni William F. Albright ang kaniyang paghahari na naganap magmula 869 hanggang 850 BK, habang inalok naman ni E. R. Thiele ang mga petsang mula 874 hanggang 853 BK.[3] Ipinentsa naman ni Michael D. Coogan ang kaniyang pamumuno sa mula 871 hanggang 852 BCE.[4]
Talasanggunian
- ↑ 3 Mga Hari 16:29-34
- ↑ 3 Mga Hari 16:29
- ↑ Edwin Thiele, The Mysterious Numbers of the Hebrew Kings, (unang edisyon; New York: Macmillan, 1951; ika-2 edisyon.; Grand Rapids: Eerdmans, 1965; ika-3 edisyon.; Grand Rapids: Zondervan/Kregel, 1983). ISBN 0-8254-3825-X, 9780825438257.
- ↑ Michael D. Coogan, A Brief Introduction to the Old Testament, (Oxford: Oxford University Press, 2009) 237.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Israel ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.