Pumunta sa nilalaman

PDP–Laban

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 11:51, 31 Disyembre 2020 ni Nickrds09 (usapan | ambag)
TagapanguloRodrigo Duterte
PanguloEmmanuel Pacquiao
NagtatagAquilino Pimentel Jr. (PDP)
Benigno Aquino Jr. (LABAN)
Punong-Kalihimbakante
Itinatag6 Pebrero 1983; 41 taon na'ng nakalipas (1983-02-06) (merger)[1]
Punong-tanggapanKalakhang Maynila
PalakuruanPederalismo, Demokratikong Sosyalismo
Opisyal na kulayDilaw, Bughaw, Pula

Ang Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan, na dinadaglat na PDP–Laban, ay isang partidong politikal sa Pilipinas na itinatag ng mga grupong tutol sa nakaupóng Pangulong Ferdinand Marcos. Nabuô ito nang magsanib ang Partido Demokratiko Pilipino ni Aquilino Pimentel at Lakas ng Bayan ni Ninoy Aquino, mga lider ng oposisyon noong panahon ni Marcos. Mahalaga ang naging papel ng PDP–Laban sa pagsulong at dalhin nito ang kandidatura ni Corazon Aquino bílang Pangulo ng Pilipinas sa isinagawang dagliang halalan ng 1986, na naging hudyat ng pagbagsak ng rehimeng Marcos.

Muling sumabak ang PDP–Laban sa pampanguluhang halalan sa Pilipinas noong 2016 nang itaguyod nito ang kandidatura ni Rodrigo Duterte.

Mga talasanggunian

  1. "THE PARTY - PDP-Laban". PDP-Laban. Nakuha noong Hunyo 21, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. BINAY INDUCTS NEW PDP-LABAN MEMBERS IN GMA, CAVITE - "...the PDP, established in 1982... Naka-arkibo July 23, 2011, sa Wayback Machine.