Pumunta sa nilalaman

Swardspeak

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Swardspeak
Swardspeak, Gay Lingo, Badette, Chuva, Chuvanese, Gayspeak
Pidgin
  • Swardspeak
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3

Ang Swardspeak (kilala rin bilang "Bekimon" at "gay lingo") ay isang patagong wika o salitang balbal na nagmula sa Englog (pagpapalit wika ng Tagalog-Ingles ) na ginagamit ng ilang mga homoseksuwal sa Pilipinas.[1]

Uri

Ang Swardspeak ay gumagamit ng ilang salita mula sa Tagalog, Ingles, Kastila, at ilan mula sa Hapon, pati na rin sa pangalan ng mga kilalang tao at tatak, na nagbibigay sa kanila ng mga bagong kahulugan sa iba’t ibang konteksto.[2] Ito ay mapapansin sa mga komunindad na may mga homoseksuwal kung saan gumagamit rin ng mga salitang nanggaling mula sa mga lokal na wika o diyalekto kabilang na ang Cebuano, Hiligaynon, Waray at Bikolano.

Paggamit

Isang natatanging katangian ng swardspeak ay agad na natutukoy na ang nagsasalita nito ay isang homoseksuwal, ginagawa nitong madali para sa mga taong may parehong oryentasyon na makilala ang bawat isa. Lumilikha ito ng isang eksklusibong grupo ng mga nagsasalita nito at tinutulungan ang mga ito na labanan ang pagkawala ng kanilang pagkakakilanlan. Gayumpaman, sa kasalukuyan, kahit ang mga hindi kasapi ng homoseksuwal na komunidad ay ginagamit ang ganitong paraan ng pananalita, partikular sa mga heterosekswal na kabilang sa mga industriya na pinangungunahan ng mga homoseksuwal tulad ng fashion at industriyang pampelikula.

Sa pamamagitan ng paggamit ng swardspeak, ang mga Pilipinong homoseksuwal ay magagawang labanan ang nangingibabaw na kultura ng kanilang lugar at lumikha ng puwang para sa kanilang sarili.[3] Ang wika ay patuloy na nagbabago, ang mga dati nang mga parirala na nagiging laos na at bagong parirala na madalas na pumapasok sa pang araw-araw na paggamit, ay nagpapakita ng pagbabago sa kanilang kultura at pananatili ng pagiging eksklusibo. Ang pabago-bagong katangian ng wika na si nananatili sa iisang kultura at nagbibigay daan para sa karagdagang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin ng mga nagsasalita nito. Ang mga salita at parirala ay maaaring likhain bunga ng mga uso. Sa pamamagitan ng mga katangiang ito, ang swardspeak ay lumilikha ng grupo nang walang anumang kinalaman sa heograpikal, lingguistikal o cultural na limitasyon at sa gayon ay nagpapahintulot sa mga nagsasalita nito na hubugin ang wika sa tamang mga pagkakataon. Sa ganitong paraan, ang wika ay hindi lamang “mobile” at bahagi ng isang mas malaking komunidad, kundi pati na rin bukas para sa mas tiyak o lokal na mga kahulugan.[4]

Ang mga homoseksuwal na nagsasalita sa wikang ito na halos eksklusibo ay pabirong tinatatawag na Bekimons (isang pagpapaikli ng Baklang Jejemon,’Gay Jejemons’).[5] Ang Swardspeak ay sinasalita rin ng mga babaeng bakla, mga kababaihan na iniuugnay ng eklusibo o karamihan sa mga baklang lalaki (literal na 'gay women', bagaman ang mga ito ay aktwal na heterosekswal).[2]

Pinagmulan

Ang salitang "Swardspeak", ayon kay Jose Javier Reyes, ay ginamit ng kolumnista at kritikong pampelikula na si Nestor Torre noong 1970s. Sumulat mismo si Reyes ng aklat patungkol sa paksa na pinamagatang "Swardspeak: A Preliminary Study" (Swardspeak: Isang Paunang Pag-aaral).[6] "Sward" ay isang salitang balbal para sa 'gay male' (baklang lalaki) sa Pilipinas.[7] Ang pinagmulan ng mga salita at parirala, gayumpaman, ay umiiral na at nanggaling mula sa iba’t ibang mga mapagkukunan.[8]

Balarila

Ang Swardspeak ay isang anyo ng pabalbal na salita (samakatuwid ay lubos na pabago-bago), di tulad ng mga kolokyal na binuo sa mga nauna nang mga wika. Ito ay sadyang nagbabago o lumilikha ng mga salitang kahawig ng mga salitang galing sa ibang wika, lalo na ang Ingles, Hapon, Intsik, Espanyol, Pranses, at Aleman. Ito ay kaakit-akit, matalino, at nakakatawa na may mga bokabularyong nagmula sa popular na kultura at rehiyonal na pagkakaiba-iba.[9] Ito ay hindi maintindihan ng mga taong hindi pamilyar sa kultura ng mga Pilipinong homoseksuwal o hindi alam ang mga patakaran sa pagggamit.[10] Walang pormal na mga patakaran sa paggamit nito, ngunit ang ilan sa mga mas karaniwang barirala ay ipinapakita sa sa ibaba:[1]

  • Pinapalitan ang unang titik/pantig ng mga salita gamit ang titik "J"/"Sh" o mga pantig "Jo-"/"Sho-" o "Ju-"/"Shu-".
Swardspeak Orihinal na Salita Pinagmulang Wika
Jowa (isa pang tawag: Jowabelle) Asawa (husband, boyfriend) Tagalog
Jonta Punta (to go [to a place]) Tagalog
Shupatid (naglaon ay naging Jupiter) Kapatid (sibling) Tagalog
Julaylay Alalay (assistant) Tagalog
  • Pinapalitan ang unang titik/pantig ng mga salita gamit ang diptonggong "Ky-" o "Ny-".
Swardspeak Orihinal na Salita Pinagmulang Wika
Kyota Bata (child) Tagalog
Nyorts Shorts Ingles
Nyormville FarmVille Ingles
Kyoho Mabaho (smelly) Tagalog
  • Pinapalitan ang dulong pantig ng mga salitang "-ash", "-is", "-iz", "-ish", "-itch", "-ech", "-ush", o "-oosh" bilang mga hulaping nagmumunti o nagpapalaki.
Swardspeak Orihinal na Salita Pinagmulang Wika
Jotis (a very small amount) Dyotay (a small amount) Cebuano
Jubis (very fat) Obese Ingles
Wish/Wash (nothing) Wala (nothing) Tagalog
Taroosh (very bitchy) Taray (bitchy) Tagalog
Ititch (this one) Ito (this one) Tagalog
Anech (what, usually exclamatory) Ano (what) Tagalog
  • Pagpapalit ng mga tunog "a", "o", or "u" ng "or", "er", or "ur", lalo na bago o pagkatapos ng katinig na "l".
Swardspeak Orihinal na Salita Pinagmulang Wika
Heller Hello Ingles
Churchill Panlipunan (high society) Tagalog (mula sa Kastilang 'Social')
Kalurkey Kaloka (insanely [entertaining], maddening, crazy) Tagalog (mula sa Kastilang 'loca')
Gander Ganda (beautiful) Tagalog
  • Pagpapalit ng pagkakasunod ng mga titik sa salita, katulad ng pagpapalit ng mga pantig sa Tagalog na balbal. Ito ay kapansin pansin sa Cebuano swardspeak.[6]
Swardspeak Orihinal na Salita Pinagmulang Wika
Ilij (no, not) Dili (no, not) Cebuano
Bayu (lover, boyfriend) Uyab (lover) Cebuano
Nial (bad, unpleasant) Lain (bad, unpleasant) Cebuano
  • Paglalaro ng mga salita, ‘puns’, malapropismo, pagpapalit salita, onomatopoeic na mga salita na nahahalintulad sa mga ginagamit na na mga salita, at pasadyang maling ‘Anglicization’ ng mga salita.
Swardspeak Orihinal na Salita Pinagmulang Wika
Crayola (to cry, to be sad) Cry Ingles
Antibiotic (obnoxious, unpleasant) Antipatika (obnoxious, unpleasant) Tagalog (mula sa Kastilang 'antipática')
Liberty (free) Libre (free) Tagalog (mula sa Kastilang 'libre')
Career/Karir ('to take seriously', used as a verb) Career Ingles
Fillet O'Fish (to be attracted to someone) Feel (to sympathize) Ingles
Kape / Capuccino / Coffeemate (to be realistic) 'Wake up and smell the coffee.' (a Philippine English humorous corruption of 'Wake up and smell the roses') Philippine English
Wrangler (old, particularly old gay men) Gurang (old) Hiligaynon
Chiminey Cricket (housemaid) Deliberate corruption of Jiminy Cricket, Chimay (Tagalog slang for housemaid) Tagalog
Pocahontas (prostitute) Pokpok (slang for 'prostitute) Tagalog
Pagoda Cold Wave Lotion (tired, exhausted) A locally available brand of lotion, Pagod (tired, exhausted) Tagalog
Mudra (mother, also used to refer to female friends with children) Madre (mother) Kastila
Hammer (prostitute) Pokpok (slang for 'prostitute), Pokpok (onomatopoeic Tagalog word 'to pound', 'to hammer') Tagalog, Ingles
Biyuti/Beyooti (beautiful, pretty) Beauty, word play of Cebuano Bayot ('gay') Ingles, Cebuano
Silahis (bisexual male) Silahis ([sun]beam, ray) Tagalog
Boyband (fat kid) A pun on Baboy (Tagalog for 'pig') Tagalog, Ingles
G.I. Joe (A foreign lover, particularly American) Acronym for 'Gentleman Idiot' Ingles
Opposition Party (A social occasion with a lot of expected problems) Pun on Opposition (politics) Ingles
  • Mga sanggunian sa popular na kultura, karaniwang mga kilalang tao o mga palabas sa telebisyon. Ito ay pinipili upang halilihan ang salita na tumutukoy sa mga bagay na nagpasikat sa kanila, maaaring dahil ang mga salita ay nagkakaroon ng tugmaan, o pareho.
Swardspeak Orihinal na Salita/Konsepto Pinagkunan
Julie Yap-Daza (to be caught [cheating]) Huli (Tagalog 'to be caught') 'Julie' rhymes with 'Huli' and Julie Yap-Daza is a writer locally famous for writing the book 'Etiquette for Mistresses'[11]
Gelli de Belen (jealous) Jealous Gelli de Belen
Tommy Lee Jones (hungry) Tom-guts (Tagalog syllable switching slang for 'gutom', hungry) Tommy Lee Jones
X-Men (formerly appearing to be heterosexual, coming out, especially from being hypermasculine to effeminate) 'Ex-man' X-Men
Fayatollah Kumenis (thin) Payat (Tagalog 'thin') Ayatollah Khomeini
Barbra Streisand (to be rejected bluntly, blocked) Bara (Tagalog 'to block') Barbara Streisand
Murriah Carrey (cheap) Mura (Tagalog 'cheap') Mariah Carrey
Lupita Kashiwahara (cruel) Lupit (Tagalog 'cruel') Lupita Aquino-Kashiwahara (A Filipina Movie and TV director)
Carmi Martin (karma) Karma Carmi Martin
Rita Gomez (irritating, annoying) Nakaka-irita (Tagalog 'irritating') Rita Gomez
Mahalia Jackson (expensive) Mahal (Tagalog 'expensive', 'precious', 'dear') Mahalia Jackson
Anaconda (traitor, to betray) Ahas (Tagalog slang, 'to betray', literally 'snake') Anaconda (film)
Badinger Z (homoseksuwal) Bading (Tagalog derogatory slang 'homoseksuwal') Mazinger Z
Taxina Hong Kingston ([to wait for a] taxicab) Taxi Maxine Hong Kingston
Noel Coward (No) No Noel Coward
Oprah Winfrey (promise) Promise Oprah Winfrey
Sharon Cuneta (Yes, Sure) Sure Sharon Cuneta
Jesus Christ Superstar/Optimus Prime (Fashion make-over, to change into [more fashionable] clothing) Resurrection, Transformation Jesus Christ Superstar, Optimus Prime
  • Hiram na mga salita mula sa ibang mga wika, lalo na ang mga matagal nang di nagagamit na mga salitang Kastila sa PIlipinas (kung saan pambabaeng anyo ng mga salita na ginagamit sa Swardspeak na wala sa karamihan ng wikang Filipino), Ingles, at Hapon.[12]
Swardspeak Kahulugan Pinagmulang Wika
Drama Melodrama, exaggeration, drama [queen] Ingles
Carry/Keri To carry [oneself well] Ingles
Siete Pecados Nosy, Gossipmonger Kastila 'seven sins'
Puñeta General profanity, roughly equivalent to 'fuck' Kastila slang, with varying degrees of perceived obscenity. Literally translates as 'in a fist'
Chiquito Small Kastila 'small'
Coño High society, especially [affluent] socialites who speak Taglish exclusively Kastila slang 'vagina'
Otoko Manly man Hapon 男 (otoko)
Berru Beer Hapon ビール (bīru)
Watashi Me, I Hapon 私 (watashi)

Halimbawa

  • Pagsasalin ng tradisyunal na tulang pambata na 'Ako ay may lobo' (I have a balloon) sa Swardspeak.[8]
Orihinal na Salin Salin sa Swardspeak Tinantyang Salin sa Ingles
Ako ay may lobo

Lumipad sa langit
Di ko na nakita
Pumutok na pala
Sayang lang ang pera,
Pinambili ng lobo
Sa pagkain sana,
Nabusog pa ako.

Aketch ai may lobing

Flylalou sa heaven
Witchels ko na nasightness
Jumutok lang pala
Sayang lang ang anda
Pinang buysung ng lobing
Kung lafangertz sana
Nabusog pa aketch

I had a balloon

It flew up in the sky
I can't see it anymore
[I didn't know] it had popped
Wasted my money
Buying the balloon
If I had bought food instead
At least I would have been satisfied

  • Pagsasalin ng tradisyunal na tulang 'Bahay Kubo' (Nipa hut) sa Swardspeak.
Orihinal na Salin Salin sa Swardspeak Tinantyang Salin sa Ingles[13]
Bahay kubo, kahit munti

Ang halaman duon,
Ay sari-sari
Singkamas, at talong,
Sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka meron pa
Labanos, mustasa
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid
Ay puno ng linga

Valer kuberch, kahit jutay

Ang julamantrax denchi,
Ay anek-anek.
Nyongkamas at nutring,
Nyogarilyas at kipay.
Nyipay, nyotaw, jutani.
Kundol, jotola, jupot jolabastrax
At mega join-join pa
Jobanos, nyustasa,
Nyubuyak, nyomatis, nyowang at luyax
And around the keme
Ay fulnes ng linga.

Nipa hut, even though it is small

The plants it houses
Are varied
Turnip and eggplant,
Winged bean and peanut
String bean, hyacinth bean, lima bean.
Wax gourd, luffa,
white squash and pumpkin,
And there is also radish, mustard,
Onion, tomato,
Garlic, and ginger
And all around
Are sesame seeds.

Tignan din

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 Empress Maruja (27 Hulyo 2007). "Deciphering Filipino Gay Lingo". United SEA. Nakuha noong 23 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Jessica Salao (30 Abril 2010). "Gayspeak: Not for gays only". http://www.thepoc.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Disyembre 2010. Nakuha noong 23 Disyembre 2010. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "swardspeak". http://www.doubletongued.org. Nakuha noong 23 Disyembre 2010. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Cynthia Grace B. Suguitan. "A SEMANTIC LOOK AT FEMININE SEX AND GENDER TERMS IN PHILIPPINE GAY LINGO" (PDF). University of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-02-19. Nakuha noong 25 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Sharlyne Ang (7 Hulyo 2010). "Ang Bekimon (Baklang Jejemon)". http://pinoylgbt.com. Nakuha noong 23 Disyembre 2010. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Reinerio A. Alba (5 Hunyo 2006). "The Filipino Gayspeak (Filipino Gay Lingo)". http://www.ncca.gov.ph/. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-28. Nakuha noong 24 Disyembre 2010. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "GAY SPEAKS on "SWARDSPEAK"". http://badinggerzie.blogspot.com. 13 Mayo 2005. Nakuha noong 24 Disyembre 2010. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Norberto V. Casabal (Agosto 2008). "GAY LANGUAGE: DEFYING THE STRUCTURAL LIMITS OF ENGLISH LANGUAGE IN THE PHILIPPINES". Kritika Kultura, Issue 11. Kritika Kultura. Nakuha noong 25 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Danton Remoto (2008-05-05). "On Philippine gay lingo". http://www.abs-cbnnews.com. Nakuha noong 25 Disyembre 2010. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Gay Lingo (Made in the Philippines)". http://www.doubletongued.org. Nobyembre 16, 2008. Nakuha noong 23 Disyembre 2010. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Etiquette for Mistresses". 28 Abril 2007. Nakuha noong 23 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Gay Lingo Collections". 5 Hulyo 2009. Nakuha noong 23 Disyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Lisa Yannucci. "Philippines Children's Songs and Nursery Rhymes". http://www.mamalisa.com/. Nakuha noong 25 Disyembre 2010. {{cite web}}: External link in |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Biblyograpiya

  • DV Hart, H Hart. Visayan Swardspeak: The language of a gay community in the Philippines - Crossroads, 1990
  • Manalansan, Martin F. IV. “’Performing’ the Filipino Gay Experiences in America: Linguistic Strategies in a Transnational Context.” Beyond the Lavender Lexicon: Authenticity, Imagination and Appropriation in Lesbian and Gay Language. Ed. William L Leap. New York: Gordon and Breach, 1997. 249–266
  • Manalansan, Martin F. IV. “Global Divas: Filipino Gay Men in the Diaspora”, Duke University Press Books, November 19, 2003. ISBN 978-0822332176

Panlabas na kawing

Padron:LGBT