Pumunta sa nilalaman

Sulat ni Santiago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 02:19, 31 Mayo 2022 ni Xsqwiypb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Sulat ni Santiago (pangkaraniwang pamagat) o "Sulat ni Jacobo" (hindi pangkaraniwang pamagat) ay aklat sa Bagong Tipan na isinulat ni Santiago na kapatid ni Hesus (kilala rin bilang Santiago ang Bata[1] o "Jacobo"). Kilala ang sulat na ito sa Ingles bilang Letter of James.[2]

May pagkakatulad ang Sulat ni Santiago sa mga Sulat ni San Pablo sapagkat naisulat ito, kasama ng iba pang tinaguriang mga Katolikong Sulat o mga Sulat Pandaigdig dahil sa partikular na suliranin o mga pagtatalong pangteolohiya sa loob ng unang mga Simbahan.[2] Binigyang diin ng Sulat ni Santiago ang paggawa ng mabuti kasama ng pananampalatay at pananalig, na mahalaga sa pagiging masigla at makarelihiyon ng mga Kristiyano.[2]

Sa pagsulat ng Sulat ni Santiago, ipinayo ni Santiagong kapatid ni Hesus sa mga unang Kristiyano ang mga sumusunod:[1]

  • Na nasa pagtitiis at mga pagsubok sa gawain ng kabanalan ang totoong kaligayahan
  • Na nasa pag-iwas mula sa makamundong mga hangarin, mabubuting mga gawain, at pagpipigil ng dila (pagpigil sa pagsasalita ng masama) ang totoong kabanalan at tunay na relihiyon
  • Na nakakamtan ang totoong karunungan magmula sa tatlong bagay: pagpigil ng damdaming masimbulo o marahas, pagtakwil sa kayamanan, at pagbabata o pagtitiis
  • Ipinayo rin niya ang hinggil sa pakikitungo sa mga may karamdaman, tungkol sa pagdarasal, at ukol sa pagtulong sa mga kapatid sa pananampalataya na naliligaw o nagkakamali ng landas

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Sulat ni Santiago". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1766.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Letter of James". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), New Testament, Bible, pahina 162.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]