Daambakal Pangkomyuter na Hilaga–Timog
Ang Daambakal Pangkomyuter na Hilaga–Timog (Ingles: North–South Commuter Railway, NSCR), na kilala rin bilang Daambakal ng Clark–Calamba, ay isang 147 kilometro (91 mi) na sistema ng riles panlulan na urbano na ginagawa sa kapuluan ng Luzon, Pilipinas. Tumatakbo mula sa New Clark City sa Capas hanggang Calamba, Laguna na may 36 na estasyon at apat na serbisyo, ang linya ng daambakal na ito ay idinisenyo upang mapabuti ang koneksyon sa loob ng Malawakang Maynila (Greater Manila Area) at isasama sa network ng tren sa rehiyon. [1][2]
Orihinal na pinlano noong dekada-1990, ang proyekto ng daambakal na ito ay nagkaroon ng isang magulong kasaysayan, na paulit-ulit na itinigil at nagsimulang muli dahil sa iba't ibang dahilan.[3] Ang unang panukala nito ay ang 32 kilometro (20 mi) na "Mabilisang Daambakal ng Manila–Clark" (Ingles: Manila–Clark Rapid Railway) kasama ang Espanya noong dekada-1990 na itinigil pagkatapos ng hindi pagkakasundo sa pagpopondo,[3][4] at noong dekada-2000, ang proyektong NorthRail kasama ang Tsina na kung saan ay hindi na ipinagpatuloy noong 2011 dahil sa mga paratang ng labis na pagtaas ng presyo. [5][6][7] Ang kasalukuyang linya ng tren ay nagsimulang umunlad noong 2013. Ang paunang yugto ng proyekto ay naaprubahan noong 2015,[8] at nagsimula ang pagtatayo nito noong 2019[9]
Inaasahang nagkakahalaga ito ng ₱873.62 bilyon,[10] ang linyang ito ay ang pinakamahal na proyekto sa transportasyon ng riles sa bansa. Ang buong sistema ng linyang ito ay inaasahang matatapos sa taong 2029.[11] Sa pagtatapos nito, papalitan ng linya ng daambakal na ito ang kasalukuyang Linyang Metro Commuter ng PNR.
Mga sanggunian
- ↑ Camus, Miguel R. (Pebrero 16, 2019). "DOTr plans to integrate new railway lines". business.inquirer.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2019. Nakuha noong 16 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pateña, Aerol John (30 Abril 2019). "DOTr awards contract to DMCI Consortium for PNR North Phase 1 Project". Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Nobyembre 2020. Nakuha noong 27 Mayo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Off track: Northrail timeline". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 15 Hulyo 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Pebrero 2019. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Inquirer, Philippine Daily (17 Enero 2019). "WHAT WENT BEFORE: The Northrail Project". newsinfo.inquirer.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Pebrero 2019. Nakuha noong 16 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "U.P. study finds North Rail contract illegal, disadvantageous to government" (sa wikang Ingles). The PCIJ Blog. 29 Setyembre 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Agosto 2014. Nakuha noong 29 Hulyo 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nicolas, Jino (6 Nobyembre 2017). "Northrail dispute settled". BusinessWorld (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2021. Nakuha noong 26 Hunyo 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines: China-funded Northrail project derailed". Financial Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Agosto 2018. Nakuha noong 17 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Japan Commits JPY241.991 Billion ODA For North-South Commuter Railway Project (Malolos - Tutuban)". www.ph.emb-japan.go.jp (Embassy of Japan in the Philippines) (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2020. Nakuha noong 24 Disyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mercurio, Richmond (16 Pebrero 2019). "Construction of North-South Commuter Railway kicks off". Philstar.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Setyembre 2021. Nakuha noong 1 Setyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dela Cruz, Raymond Carl (11 Agosto 2022). "DOTr assures North-South Commuter Railway on-time completion". Philippine News Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Nobyembre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "4 North-South Railway contracts awarded". PortCalls Asia. 6 Oktubre 2022. Nakuha noong 6 Oktubre 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)