Pumunta sa nilalaman

Tikoy ng Quezon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 07:03, 19 Disyembre 2023 ni Kali Igba (usapan | ambag)
Tikoy ng Quezon
Ibang tawagtikoy, tikoy, tikoy ng Quezon, tikoy sa Anahaw
UriKakaning malagkit
KursoPanghimagas, Minandal
LugarQuezon
Rehiyon o bansaPilipinas
Kaugnay na lutuinLutuing Pilipino
Pangunahing Sangkapgalapong, asukal, mantikilya
Karagdagang Sangkapebaporada, kondensada, gata, keso,
Mga katuladkalamay, pasulbot, unday-unday

Ang tikoy ng Quezon, na tinatawag din na tikoy, Quezon tikoy o tikoy sa Anahaw, ay isang uri ng panghimagas sa lutuing Pilipino na gawa mula sa galapong, asukal, ebaporada, kondensada, gata, keso at mantikilya. Isa ito sa mga tradisyunal na kakanin na matatagpuan sa mga bayan ng Quezon.

Kung ihahambing sa karaniwang tikoy, ang tradisyunal na tikoy sa lalawigan ng Quezon ay hindi na kailangan pang prituhin bago kainin. Ang tikoy ng Quezon, partikular na ang tikoy Gumaca ay kadalasang nakabalot ang tikoy sa dahon ng Anahaw na tinatawag ding tikoy sa Anahaw.[1][2][3]

Mayroon ding pinagdiriwang piyesta, na kung tawagin ay Tikoy Festival ang bayan ng Macalelon, Quezon upang ipagdiwang ang kasaganahan ng tradisyunal na tikoy. Tampok dito ang mga tikoy Macalelon sa iba't ibang laki at uri.

  1. Forbes, Jenalyn Rose (2021-02-19). "Quezon Tikoy". Pagkaing Pinoy TV (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Tikoy Sa Anahaw - The Philippines Today" (sa wikang Ingles). 2022-08-15. Nakuha noong 2023-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. TagalogLang (2023-08-07). "ANAHAW: Tagalog-English Dictionary Online". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)