Tikoy ng Quezon
Ibang tawag | tikoy, tikoy Quezon, tikoy ng Quezon, tikoy sa Anahaw |
---|---|
Uri | Kakaning malagkit |
Kurso | Panghimagas, Minandal |
Lugar | Quezon |
Rehiyon o bansa | Pilipinas |
Kaugnay na lutuin | Lutuing Pilipino |
Pangunahing Sangkap | galapong, asukal, mantikilya |
Karagdagang Sangkap | ebaporada, kondensada, gata, keso, |
Mga katulad | kalamay, pasulbot, unday-unday |
Ang tikoy ng Quezon, na tinatawag din na Quezon tikoy o tikoy Quezon ay isang uri ng panghimagas sa lutuing Pilipino na gawa mula sa galapong, asukal, ebaporada, kondensada, gata, keso at mantikilya. Isa ito sa mga tradisyunal na kakanin na matatagpuan sa mga bayan ng Quezon.[1]
Ang tikoy ng Quezon na tinatawag ding tikoy sa Anahaw, partikular na ang tikoy Gumaca ng bayan ng Gumaca, ay kadalasang nakabalot sa dahon ng anahaw.[1][2][3] Ang pagbabalot sa anahaw ay isang klasik at lumang istilo ng pagbabalot ng tikoy kung saan niluluto mismo ang tikoy sa dahon ng anahaw. Ang dahon ng anahaw ay nakakatulong upang magbigay ng magandang aroma sa tikoy. Sa ngayon, marami sa tikoy Quezon ang ibinebenta sa mga makukulay na packaging kagaya ng plastik na pambalot o ibinebenta sa mga plastic tub upang pahabain ang shelf life. Ibinabalot din ito nang pira-pirasong mala-kagat na laki na maihahambing sa sukat ng hinlalaki.[4][5][6]
Kung ihahambing sa karaniwang tikoy, ang tradisyunal na tikoy sa lalawigan ng Quezon ay hindi na kailangan pang prituhin bago kainin upang mapabuti ang textura. Karaniwang inihahain ito ng malamig galing sa palamigan. Ito ay napakalambot at matamis na maihahambing sa Japanese mochi. Kung ang tikoy ng Chinese at Japanese ay kadalasang halos translucently white, ang tikoy ng Quezon ay malalim na dilaw. [5][7][8]
Mayroon ding pinagdiriwang piyesta, na kung tawagin ay Tikoy Festival ang bayan ng Macalelon, Quezon upang ipagdiwang ang kasaganahan ng tradisyunal na tikoy. Tampok dito ang mga tikoy Macalelon sa iba't ibang laki at uri.[1]
Tingnan din
Talasanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 Forbes, Jenalyn Rose (2021-02-19). "Quezon Tikoy". Pagkaing Pinoy TV (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tikoy Sa Anahaw - The Philippines Today" (sa wikang Ingles). 2022-08-15. Nakuha noong 2023-12-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ TagalogLang (2023-08-07). "ANAHAW: Tagalog-English Dictionary Online". TAGALOG LANG (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sison, Jainey; Jainey (2018-02-06). "Special Quezon Tikoy Recipe". Mama's Guide Recipes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Town, Team Out of (2021-03-21). "A Food Trip to Quezon Province: 12 Must-Try Delicacies for Foodies". Out of Town Blog (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kai (2011-05-24). "bucaio: Sweet and Sticky in Quezon". bucaio. Nakuha noong 2023-12-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lorenzo, Rainne (2017-07-31). "5 Pasalubong Stops to Make in Lucban". GoingPlaces.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Backpacking Philippines: Zabala's Tikoy Especial in Lucena, Quezon". www.backpackingphilippines.com. Nakuha noong 2023-12-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)