Pumunta sa nilalaman

Eusebio ng Nicomedia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 08:06, 9 Pebrero 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)

Si Eusebio ng Nicomedia o Eusebius ng Nicomedia (namatay noong 341 CE) ang taong nagbautismo kay Dakilang Constantino bago ang kamatayan nito. Siya ang obispo ng Berytus(modernong Beirut) sa Phoenicia na sa panahon niya ay ng Sede ng Nicomedia kung saan ang korteng imperyal ay nakatira at sa huli ay sa Constantinople mula 338 CE hanggang sa kanyang kamatayan.

Mga relasyon kay Arius

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad Arius, si Eusebius ng Nicomedia ay isang estudyante ni Lucian ng Antioch at malamang ay naniwala siya sa parehong mga pananaw ng kay Arius mula sa simula. Siya rin ang isa sa pinakamasigasig tagasuporta na humikayat kay Arius.[1] Dahil sa relasyong ito na siya ang unang taong pinakiugnayan pagkatapos matiwalag si Arius mula sa Simbahan ng Alexandria ni Alexander ng Alexandria.[2] Maliwanag na si Arius at Eusebius ay sapat na malapit sa isa't isa na nagawa ni Arius upang isulat ang kanyang teolohiya.[3] Pagkatapos ay kanyang medyo binaog ang mga ideya ni Arius o marahil ay sumuko lamang sa pamimilit ng mga sirkunstansiya. Gayunpaman, kung hindi siya ang guro ay ang pinuno at tagapangasiwa ng partidong Ariano. Sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 CE, siya ay lumagda sa isang konpensiyon ngunit pagkatapos lamang ng isang matagal at desperadong oposisyon kung saan ay "lumagda lamang siya sa kamay at hindi sa puso".[4] Ito ay isang malaking dagok sa partidong Ariano dahil ihinuha na ang mga kalahok sa Unang Konseho ng Nicaea ay pantay na nahahati sa pagitan ng mga Ariano at hindi-Ariano.[5] Ang pagtatangol ni Eusebius kay Arius ay nagpagalit sa Emperador at pagkatapos ng ilang buwan pagkatapos ng Konseho ng Nicaea ay ipinatapon sanhi ng kanyang patuloy na pakikipag-ugnayan kay Arius at mga ipinatapon.[6] Pagkatapos ng 3 taon, nagtagumpay siyang makamit ang pagpabor ng Emperador sa pamamagitan ng paghikayat kay Dakilang Constantino na si Arius at kanyang mga pananaw ay hindi sumasalungat sa Kredong Niseno.[7] Pagkatapos ng kanyang pagbabalik noong 329 CE, kanyang pinagana ang buong makinarya ng estadong pamahalaan upang ipataw ang kanyang mga pananaw sa Simbahang Kristiyano. Nagawa niyang patalsikin ang tatlong mga mahahalagang kalaban ng Arianismo na mga yumakap sa Unang Konseho ng Nicaea na sina Eustathius ng Antioch noong 330 CE, Athanasius ng Alexandria noong 335 at Marcellus ng Ancyra noong 336. Ito ay hindi isang maliit na kahanga-hangang gawa dahil si Athanasius ay itinuring ni Constantino na "tao ng Diyos"[8] at ang parehong sina Eustathius at Athanasius ay humawak ng mga matataas na posisyon sa simbahan. Ang isa pang malaking nagawa ni Eusebius ang kanyang pagkakahirang bilang Patriarka ng Constantinople sa pamamagitan ng pagpapatalsik kay Pablo I ng Constantinople. Si Pablo I ay kalaunang bumalik bilang Patriarka pagkatapos ng kamatayan ni Eusebius. Kahit sa labas ng Imperyo Romano ay nagkaroon ng malaking impluwensiya si Eusebius. Kanyang dinala sa pagkaparing Ariano si Ulfilas at nagpadala ng liham sa huli na akayin ang mga paganong Goth. Binautismuhan ni Eusebius si Dakilang Constantino sa kanyang villa sa Nicomedia noong Mayo 22, 337 CE bago ang kamatayan ni Constantino.

Siya ay namatay noong 342 CE.[9] Siya ay napakaimpluwensiyal kahit pagkatapos ng kanyang kamatayan na pinakinggan ng Arianong Emperador na anak ni Constantinong si Constantius II ang kanyang payo at ni Eudoxus ng Constantinople na tangkaing akayin ang Imperyo Romano sa Arianismo sa pamamagitan ng paglikha ng mga Konsehong Ariano at mga opisyal na doktrinang Ariano.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jones, "Constantine and the Conversion of Europe", pp.121.
  2. Young, "From Nicaea to Chalcedon", pp.59.
  3. Young, "From Nicaea to Chalcedon", pp.61.
  4. Amidon, "The Church History of Rufinus of Aquileia: Books 10 and 11", 10.5.
  5. Lim, "Public Disputation, power, and social order in late antiquity", pp.183.
  6. Drake, "Constantine and the Bishops", pp.259.
  7. Roldanus, "The Church in the Age of Constantine: the Theological Challenges", pp.82.
  8. Roldanus, "The Church in the Age of Constantine: the Theological Challenges", pp.84.
  9. Drake, "Constantine and the Bishops", pp.393.
  10. Guitton, "Great Heresies and Church Councils", pp.86.