Pumunta sa nilalaman

Tsismis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang tsismis (Ingles: gossip[1], rumor[1]; Kastila: chismes[2]) ay isang bagay, karaniwang mga pangungusap o kuwento na may kaugnay sa o tungkol sa buhay ng may-buhay[2], na negatibo, pasalungat, pakontra, o kabaligtaran, na itinuon sa isang tao o pangkat ng mga tao. Ginagawa at ginagamit ito ng mga tsismoso[2] (lalaki) at tsismosa[2] (babae)  – kilala rin bilang mga madaldal, matabil, masatsat, daldalero (lalaki), daldalera (babae), satsatero (lalaki), at satsatera (babae)[2]  – dahil sa udyok ng kanilang sariling inseguridad o "kabuwayahan", upang ibaba o ilugmok ang ibang tao, samantalang iniaangat naman ng mga nagkakalat ng mga tsismis ang kanilang sarili at para makaramdam ng iniisip o hinahangad na "kabutihan" o pagiging mabuti sa mata ng iba na paukol sa sarili.[3] Ang tsismis ay kasingkahulugan ng mga sumusunod: satsat, sitsit, yapyap, dada, ngakngak, kiyaw-kiyaw, ngawngaw, taritan, tari-tari, kalantari, dalahira, rumor, sagap, sabi-sabi, bali-balita, balitang kutsero, balitang barbero, bulung-bulungan (binabaybay ding bulungbulungan), parali, alingasngas, tibadbad, higing, balitang kutsero, balitang kanto, balitang naulinigan,[1] at daldal.[2]

Kabilang sa mga paraan upang mapangasiwaan ang mga tsismoso at mga tsismosa, o masugpo ang tsimis, ay ang tuwirang pagtatanong sa mga nagbabalita ng tsismis ng ganito: na kung bakit kailangang malaman pa ng ibang mga tao ang mga bagay-bagay o paksang isinasalo o ibinubunyag nila. O kaya, ang pagtatanong kung paano matutulungan ang taong itsini-tsimis sapagkat ang reputasyon nito ang siyang nakataya.[3]

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. Gossip, rumor - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 English, Leo James (1977). "Tsismis, tsimoso, tsismosa, atbp". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1456-1457.
  3. 3.0 3.1 Duquin, Lorene Hanley, Nihil obstat: Reb. Michael Heintz, Ph.D., Imprimatur: Obispo John M. D'Arcy, "Gossip", Four Things that Hurt Parishes, isang polyeto ng Our Sunday Visitor (imbentaryo bilang P841), Our Sunday Visitor, Inc., Huntington, Indiana, ISBN 9781592765591.