Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.
Ang Apat na Tigreng Asyano o mga Dragong Asyano ay isang terminong ginagamit bilang reperensiya sa mataas na mga maunlad na ekonomiya ng Hong Kong, Timog Korea, Singapore at Taiwan. Ang mga bansang ito ay kilala sa pagpapanatili ng natatanging mataas na rate ng paglago sa ekonomiya(na higit sa 7 porsiyente kada taon) at isang mabilis na industriyalisasyon sa pagitan ng maagang 1960 at mga 1990. Sa ika-21 siglo, ang lahat ng apat na bansang ito ay umunlad sa nangunguna at may mataas sahod na mga ekonomiya na nageespesyalisa sa mga area ng kompetitibong kalamangan. Halimbawa, ang Hong Kong at Singapore ang naging nangungunang internasyonal na mga sentrong pinansiyal samantalang ang Timog Korea at Taiwan ang mga pinuno sa mundo sa teknolohiya ng impormasyon.[1][2][3]