Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.
Ang "God Save the King" (o "God Save the Queen";[a]lit. na
'"Iligtas ng Panginoon ang Hari", "Iligtas ng Panginoon ang Reyna"'), ay ang pambansang awit ng Reyno Unido at ng mga nasasakupang komonwelt nito. Hindi tiyak ng mga historyador kung sino ang kumatha sa awit, pero si John Bull ang kinikredit na kompositor nito paminsan-minsan.
Sa Reyno Unido, ang hari at ang asawa niya lang ang tanging inaawitan ng buong kanta. Hanggang anim na taludtod naman ang inaawit para sa iba pang miyembro ng maharlikang pamilya.
Biguin ang kanilang mga mapanlinlang na pandaraya,
Sa Inyo umaasa po kami,
Iligtas ng Panginoon tayong lahat.
Nawa'y mga nakatabing piniling regalo,
Malugod Niyo sanang ibuhos sa kanya;
Nawa'y mahaba sana ang kanyang pamumuno:
Nawa'y protektahan niya sana ang aming mga batas,
At bigyang kami ng dahilan
Na umawit nang buong puso at boses
Iligtas ng Panginoon ang Hari.
Talababa
↑ 1.01.11.2Nakadepende sa kasalukuyang monarko ng Reyno Unido ang pamagat ng awit. Dahil si Charles III ang monarko ngayon, "hari" (Ingles: king) ang ginagamit.