Pumunta sa nilalaman

Pagtutuli ng babae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hindi na suportado ang printable version at posibleng may mga error ito sa pag-render. Paki-update ang mga bookmark niyo sa browser at pakigamit na lang po ang default na print function ng browser niyo.

Ang ritwal ng pagtatanggal ng labas na bahagi ng ari ng babae ay tinatawag na female genital mutilation (FGM), o kilala rin sa tawag na female genital cutting o female circumcision (pagtutuli ng babae). Isinasagawa ng mga pangkat-etniko ang FGM sa 27 bansa sa timog Sahara at hilagang-silangan ng Aprika, at mas malimit sa Asya, sa Gitnang Silangan at sa mga imigranteng komunidad. Karaniwang ginagawa ito ng tradisyunal na magtutuli gamit ang patalim, maaaring may pampamanhid o wala. Iba-iba ang edad ng mga babaeng sumasailalim dito. Kalahati ng mga bansa kung saan maaaring makita ang mga datos, karamihan sa mga babae ay tinatanggalan ng panlabari bago maglimang taong gulang.

Ayon sa mga pangkat etniko, ang FGM ay isang markang pang-etniko. Maaaring tanggalin ang clitoris at clitoral hood, o ang clitoris at inner labia. Maaaring tanggalin din ang inner at outer labia at isara ang vulva para sa mga mas komplikadong proseso; isang maliit na daanan lamang ng ihi at regla ang iniiwan, at binubuksan ang pwerta para sa pakikipagtalik at panganganak. Ang mga epekto ng operasyong ito ay depende sa pagsasagawa, ngunit maaaring magkaroon ng impeksyon, pananakit, cysts, pagkabaog, komplikasyon sa panganganak, at pagdurugo. Sa ngayon, wala pang naitatalang magandang dulot ang prosesong ito.

Hindi pagkapantay-pantay ng kasarian, mga ideya tungkol sa kalinisan, paggalang at estetiko, o sa balak na pangongontrol sa sekswalidad ng kababaihan ang naging ugat ng FGM. Kadalasang pinapangunahan ito mga kababaihan na nakikita ito bilang batis ng karangalan at awtoridad. Higit sa 125 milyong babae ang nakaranas nito; kalahati sa mga ito ang naninirahan sa Ehipto at Ethiopia. Higit naman sa walong milyon ang mga babaeng natulian na karaniwan ay galing sa Djibouti, Eritrea, Ethiopia, Somalia at Sudan.

Sinasabing pang-aabuso at karahasan laban sa kababaihan ang FGM, at ito ay ipinagbabawal na sa mga bansa kung saan ito ay talamak, ngunit ang batas hinggil dito ay hindi maayos na naipapatupad. Simula pa noong 1970s, mayroong malawakang hakbang upang kumbinsihin ang mga nagsasagawa nito na itigil na ito, na sinuportahan naman ng United Nations General Assembly noong 2012. Hindi naman nawalan ng kritiko ang hakbang na ito, partikular si Eric Silverman, isang antropolihista, na nagsasabing ang FGM ay naging bahagi na ng isa sa mga sentrong aralin sa antropolohiya, na nagsusulong ng mga katanungan patungkol sa cultural relativism, tolerance, at sa pangkalahatan ng karapatang pantao.

MedisinaKalusugan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot at Kalusugan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.