Pumunta sa nilalaman

Bagyong Aghon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bagyong Aghon (Ewiniar)
Matinding bagyo (JMA)
Kategorya 2 (Saffir–Simpson)
NabuoMayo 22
NalusawMayo 30
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 130 km/h (80 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 175 km/h (110 mph)
Pinakamababang presyur980 hPa (mbar); 28.94 inHg
Namatay6
Napinsala$20 milyon (2024)
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2024

Ang Bagyong Aghon ay ang unang bagyong pumasok sa Pilipinas sa taong 2024. Ito ay unang namataan bilang Low Pressure Area (LPA) sa layong 350km hilaga ng bansang Papua New Guinea sa Karagatang Pasipiko. Ito ay kumikilos sa bilis na 10kph sa direksyong kanluran-hilagang kanluran at naging isang ganap na bagyo sa layong 250 kilometro sa silangan ng Dinagat Islands sa Mindanao.

Meteorolohikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ika-Mayo 26 nang mag landfall ang bagyo sa isla ng Homonhon sa bayan ng Guiuan sa lalawigan ng Silangang Samar at kumilos sa direksyong hilagang kanluran.[1] Tumama ang bagyo sa bayan ng Batuan at lungsod ng Masbate sa Masbate bago tumawid ang Dagat Sibuyan at muling nag landfall sa bayan ng Torrijos, Marinduque sa Baybaying Tayabas at sa lungsod ng Lucena.

Kumilos ang sirkulasyon sa direksyong pa hilagang silangan bago lumabas sa "Baybaying Lamon", silangan ng Mauban sa Quezon. Kalaunan ay lumakas lalo ito at tumama sa bayan ng Patnanungan bago ito tuluyang lumayo sa Pilipinas. Tumama ito sa isla ng Minamidaitōjima bago ito naging extra-tropikal kalaunan sa silangan ng Hapon noong Mayo 30.

Ang galaw ng Bagyong Aghon (Ewiniar).

Umabot sa ₱1.02 bilyon ang naging pinsala ni Aghon sa agrikultura at imprastraktura at kumitil ng 6 na buhay at 8 ang nasugatan mula sa bagyo. Libo-libo ang direktang na-apektuhan ng bagyo sa Pilipinas.[2] Natala naman ang malakas na bugso ng hangin ng bagyo sa Hapon.

  1. https://news.abs-cbn.com/news/2024/5/27/bagyong-aghon-9-beses-nag-landfall-1757
  2. Situational Report No. 10 for TC AGHON (2024) (PDF) (Ulat). National Disaster Risk Reduction and Management Council. Hunyo 3, 2024. Nakuha noong Hunyo 3, 2024.{{cite report}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
Sinundan:
Zigzag (unused)
Kapalitan
Ewiniar
Susunod:
Butchoy