Pumunta sa nilalaman

Pagkabingi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bingi)

Ang pagkabingi o kahinaan sa pagdinig (Ingles: deafness, hearing impairment) ay ang kalagayan ng isang taong hindi makarinig o hindi mainam ang pandinig. Isa itong katayuan ng pagkakaroon ng tao ng buo o bahagi lamang na bawas sa kakayahang makapansin o makadetekta at makauna ng mga tunog.[1] Sanhi ito ng malawak na saklaw ng mga biyolohikal at pampaligid na mga bagay. Maaaring mangyari ang kawalan ng pandinig sa anumang organismong nakakasagap ng tunog. Mas kalimitang ginagamit ang panghihina ng pandinig o kahinaan sa pandinig sa mga taong hindi nakakarinig, bagaman tinataw ang katagang ito bilang isang negatibong katawagan, partikular na ng mga kasapi ng kulturang bingi o kalinangang hindi makarinig, na mas iniibig o ninanais ang salitang bingi o nahihirapan sa pagdinig.

Maraming mga taong bingi, katulad nina Ludwig van Beethoven, Helen Keller, at Marlee Matlin. Marami sa mga taong bingi ang natututo ng wikang pasenyas upang magawa nilang makipagtalastasan at makipag-ugnayan sa ibang mga tao.

Sa ibang pakahulugan, maaaring tumukoy ang pagkabingi sa taong ayaw makinig o ayaw sumunod sa pinag-uutos o payo ng kapwa tao. Kaya't may kaugnayan ang salita sa mga sumunod pang mga salita: engot, balingot, paking, bingengot, bingaw, tulingag, tulig, nagtatayngang-lipya, nagtatayngang-kawali, at nambabale-wala sa naririnig.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Speech and Language Terms and Abbreviations". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-05. Nakuha noong 2006-12-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2009-09-05 sa Wayback Machine.
  2. Gaboy, Luciano L. Deaf - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

KaramdamanKalusuganPanggagamot Ang lathalaing ito na tungkol sa Karamdaman, Kalusugan at Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.