Pumunta sa nilalaman

Kabundukang Carpatos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Carpathian Mountains)
Loobang kanlurang Carpatos, sa Polonya.

Ang Kabundukang Carpatos o mga Carpatos [bigkas: KAR-pa-tos] (Ingles: Carpathian Mountains o The Carpathians) ay kabundukan na bumubuo ng isang hugis-arkong kulang-kulang na 1,500 km kahaba sa dako ng Gitna at Silangang Europa, at dahil dito ay siyang ikalawang pinakamahabang kabundukan sa Europa (sumunod sa Kabundukang Escandinavo). Kumukupkop ito sa pinakaraming bilang sa Europa ng mga oso[1], lobo, usa at pusa, na kung saan sa Rumanya pinakalaganap. Ang mga Carpatos din ay nagtataglay ng mararaming mga pansol, sa kung saan ang Rumanya[2] ay umaangkin sa 33% ng pangkalahatang bilang sa buong Europa.

Nababahagian ang mga Carpatos ng Republika Tseka, Eslobakya, Polonya, Unggriya, Ukranya, Rumanya (53%) sa silangan at patungo sa Iron Gates ng Ilog Danubio sa pagitan ng Rumanya at Serbya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Peter Christoph Sürth. "Braunbären (Ursus arctos) in Europa". Archived from the original on 8 October 2007. Retrieved 10 March 2011.
  2. Bucureşti, staţiune balneară – o glumă bună? in Capital, January 19th, 2009. Retrieved: April 26th, 2011
[baguhin | baguhin ang wikitext]