Inhenyeriyang elektrikal
Ang inhenyeriyang elektrikal ay isang larangan ng inhenyeriya na pangkalahatang nagsasagawa ng pag-aaral at paglalapat ng kuryente, elektronika, at elektromagnetismo. Unang naging isang mapagkikilanlang hanapbuhay noong huling hati ng ika-19 na daantaon pagkaraan ng komersiyalisasyon ng dekuryenteng telegrapo, telepono, at pagpapamudmod at paggamit ng enerhiyang kuryente. Sumasakop na ngayon ito sa isang malawak na pangkat ng kabahaging mga larangan na kinabibilangan ng elektroniks, mga kompyuter na dihital, telekomunikasyon, at mga sistemang pangkontrol, inhenyeriyang pangradyoprekuwensiya, at pagpoproseso ng signal.
Maaaring kabilangan ang inhenyeriyang elektriko ng inhenyeriyang elektroniko. Ang inhenyeriyang elektriko ay isinasaalang-alang na humaharap sa mga suliraning may kaugnayan sa mga sistemang katulad ng paghahatid ng enerhiyang kuryente (transmisyon ng enerhiyang kuryente) at mga makinang dekuryente, habang ang inhenyeriyang elektroniko ay humaharap sa pag-aaral ng mga sistemang elekroniko na kinabibilangan ng mga kompyuter, sistemang pangkomunikasyon, mga sirkitong integrado, at radar.[1]
Sa naiibang pananaw, ang mga inhenyerong elektriko ay karaniwang nakatuon sa paaggamit ng kuryente sa paghahatid ng enerhiyang kuryente, habang ang mga inhenyerong pang-elektroniks ay nakatuon sa paggamit ng elektrisidad upang mapruseso ang impormasyon. Maaaring magsapin-sapin ang mga subdisiplinang ito, halimbawa na ang sa paglaki ng enerhiyang elektroniko at ang sa pag-aaral ng kaasalan ng malalaking mga grid na pangkuryente na nasa ilalim ng pagtaban ng mga kompyuter na dihital at mga eletkroniks.
Malawak ang magpagpipiliang mga industriya ng mga inhenyerong elektriko, at dahil dito marami ring kasanayan ang kailangan. Ang saklaw ng mga kasanayang ito ay nagmumula sa circuit theory hanggang sa kasanayang pamamahala na kinakailangan ng isang project manager. Marami ring kinakailangang instrumento at kagamitan ng mga indibidwal na inhinyero, mula voltmeter hanggang analisador at komplikadong software na panggawa at disenyo.
Ang electricidad a pinagaaralan bilang agham simula pa noong ika-17 na siglo. Si William Gillbert ang sinasabing unang inhenyerong elektriko. Siya ang nagimbento ng versorium: isang aparato na nakadiskubre ng mga bagay na may statik na electricidad. Siya rin ang kinikilalang nagtatag ng pagkakaiba ng magnetismo at statik na electricidad, pati na rin ang mismong terminong "electricity." Ang mga siyentipikong eksperimento ni Alessandro Volta noong 1775 ay gumawa ng electrophorus, isang aparato na nagdudulot ng static electric charge. Sa taong 1800 naman nabuo ni Volta ang voltaic pile, na sinaunang baterya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "What is the difference between electrical and electronic engineering?". FAQs - Studying Electrical Engineering. Nakuha noong 20 Marso 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.