Pumunta sa nilalaman

Pythagoras

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pitagoras)
Pythagoras
Kapanganakan6th dantaon BCE (Huliyano)
  • (Dagat Egeo)
Kamatayan490 dekada BCE (Huliyano)
Trabahomatematiko, pilosopo, politiko, manunulat, musicologist, music theorist

"Όλα είναι αριθμός." "Óla eínai arithmós."
"Ang lahat ay bilang."

— Pythagoras

Si Pitagoras o Pythagoras (Griyego: Πυθαγόρας; Latin: Pythagoras; Kastila: Pitágoras), ipinanganak sa pagitan ng 580 at 572 BC, namatay sa gitna ng 500 at 490 BC[1]) ay isang Griyegong pilosopo at matematiko. Ipinanganak si Pythagoras sa pulo ng Samos, sa pampang ng Minoryang Asya. Siya ay anak nina Pythais (mula sa Samos) at Mnesarchus (isang mangangalakal mula sa Tiro). Si Pythagoras ang gumawa ng teorema ni Pitagoras o Pitagoreanong teorem (Pythagorean theorem[1] sa Ingles) na binubuo ng a² + b² = c².

Nagtatag si Pythagoras ng isa sa pinakadakilang mga paaaralang Griyego ng pilosopiya sa Katimugang Italya. Tumagal ang paaralan nang may 800 mga taon, bagaman tumitigil ito ngunit muling binubuksan. Kasama ang kanyang mga tagasunod, pinaunlad ni Pythagoras ang isang teorya ng mga bilang, kung saan naniniwala silang maipapaliwanag ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng mga bilang at mga payak na pagkakaugnayan ng mga ito. Isa itong ideyang humantong sa mahahalagang mga tuklas sa larangan ng matematika, musika, at astronomiya.[1]

Sa larangan ng musika, natagpuan nina Pythagoras at kaniyang mga kasama, na may kaugnayan sa sukat ng mga tubo o bagting ang mga notang natutugtog mula sa mga ito. Sa larangan ng matematika at astronomiya, naniwala silang bilog ang daigdig at gumagalaw sa loob ng isang orbito, katulad ng iba pang mga planeta, dahil sa kaugnayan ng mga sukat ng kanilang mga orbito sa mga payak na proporsyon. Sa larangan ng heometriya, partikular na ang sa teorem ni Pitagoras, ipinaliliwanag rito na sa isang tatsulok na may "tuwid" o tamang anggulo (may right-angle sa Ingles) ang haba ng kinuwadradong gilis o hypotenuse  – ang gilid na pahilis o gilid na nasa kabila ng tuwid na anggulong ito  – ay katumbas ng mga kaparisukatan ng iba pang dalawang gilid kapag pinagsama-sama ang suma.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Pythagoras, Science and Technology". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), namuhay sa Gresya mula mga 560 BK magpahanggang mga 500 BK ayon sa sangguniang ito, pahina 42.

MatematikoPilosopiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko at Pilosopiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.