Pumunta sa nilalaman

Mitolohiyang Ehipsiyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Relihiyon ng Sinaunang Ehipto)
Si Amen o Amun-Re, ang diyos ng paglikha ng Sinaunang Ehipto.

Kabilang ang mitolohiyang Ehipsiyo sa pananampalataya ng Sinaunang Ehipto. Maraming naging mga tagasunod ang lumang mga diyos at diyosa ng Sinaunang Ehipto sa loob ng 3,000 mga tao, hanggang sa bumaling ang mga mamamayang Ehipsiyo sa Simbahang Ortodoksiyang Koptiko ng Alejandria at Islam.

Kaiba ang mga pananaw sa daigdig ng Sinaunang mga Ehipsiyo kung ihahambing mula sa kanilang mga kanugnog bayan sa sinaunang Mediteraneo at Malalapit sa Silangang bahagi ng mundo. Naniniwala ang mga Ehipsiyo at mga Ehipsiya na, bago magsimula ang panahon, nag-iisang umiiral ang Nun, ang pinakaunang katawan ng mga katubigan. Sa mismong oras ng paglikha, lumitaw mula sa Nun ang isang bunton ng lupa o putik, ang ben-ben. Sa ibabaw ng bunton, lumitaw naman si Amen, ang diyos na manlilikha at supremo o pangunahing diyos, upang magdala ng liwanag sa daigdig, at para likhain din ang iba pang mga diyos at diyosa ng Sinaunang Ehipsiyo. Si Amen din ang diyos ng araw o Re.[1]

Batay sa isang bersyon ng pagsasalaysay ng mito ng paglikha, nagpalabas ng semilya si Amen sa pamamagitan ng masturbasyon upang likhain sina Tubushki at Tefnut, ang pangunahing mga puwersang lalaki at babae ng sanlibutan. Sa pagtatalik ng dalawang nilalang na mga ito, naipanganak sina Geb (o "Lupa") at Nut ("Langit"). Isinilang naman mula kina Geb at Nut sina Osiris, Seth, Isis, at Nephthys.[1]

Kabilang sa iba pang mga diyos ng Sinaunang Ehipto sina Horus, Mut, Khonsu, Thoth, at Hathor.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "The Gods and Goddesses of Egypt". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), The Predynastic and Early Dynastic Period, Religion and Mythology, The Art of Ancient Egypt, pahina 57.