Pumunta sa nilalaman

Santiago de Chile

Mga koordinado: 33°27′S 70°40′W / 33.450°S 70.667°W / -33.450; -70.667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Santiago, Chile)
Santiago
Kaliwa tungong kanan, mula itaas pababa. I hilera: Malawak na tanawin ng Santiago. II hilera: Bantayog ng Imakulada Konsepsyon at distritong pananalapi ng Santiago.. III hilera: Burol ng Santa Lucía at Pambansang Aklatan ng Tsile. IV hilera: Unibersidad ng Tsile at Pontipisiyang Katolikong Unibersidad ng Tsile. V hilera: Palasyo ng La Moneda.
Kaliwa tungong kanan, mula itaas pababa.
I hilera: Malawak na tanawin ng Santiago. II hilera: Bantayog ng Imakulada Konsepsyon at distritong pananalapi ng Santiago.. III hilera: Burol ng Santa Lucía at Pambansang Aklatan ng Tsile. IV hilera: Unibersidad ng Tsile at Pontipisiyang Katolikong Unibersidad ng Tsile. V hilera: Palasyo ng La Moneda.
Watawat ng Santiago
Watawat
Eskudo de armas ng Santiago
Eskudo de armas
Santiago is located in Chile
Santiago
Santiago
Lokasyon ng Tsile
Santiago is located in Timog Amerika
Santiago
Santiago
Santiago (Timog Amerika)
Palayaw: 
"Ang Lungsod ng mga Pulong Burol"
Mga koordinado: 33°27′S 70°40′W / 33.450°S 70.667°W / -33.450; -70.667
BansaTsile
RehiyonRehiyon ng Kalakhang Santiago
LalawiganLalawigan ng Santiago
Pagkakatatag12 Pebrero 1541
NagtatágPedro de Valdivia
Ipinangalan kay (sa)Santo Santiago
Pamahalaan
 • KatiwalaFelipe Guevara Stephens
Lawak
 • Kabiserang lungsod641 km2 (247.6 milya kuwadrado)
Taas
570 m (1,870 tal)
Populasyon
 (2017)
 • Kabiserang lungsod6,269,384
 • Kapal9,821/km2 (25,436/milya kuwadrado)
 • Metro
6,903,479
DemonymSantiaguinos (-as)
Sona ng orasUTC−4 (CLT)
 • Tag-init (DST)UTC−3 (CLST)
Kodigo ng koreo
8320000
Kodigo ng lugar+56 2
HDI (2017)0.864[1]napakataas
WebsaytOpisyal na website

Ang Santiago ( /ˌsæntiˈɑːɡ/, /usalsoˌsɑːnʔ/;[2] Kastila: [sanˈtjaɣo]), kilala din bilang Santiago de Chile, ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Tsile, gayon din, isa sa mga pinakamalaking lungsod sa mga Amerika. Ito ang sentro ng pinakamataong rehiyon sa Tsile, ang Rehiyon ng Kalakhang Santiago, na may kabuuang populasyon na 8 milyon, na kung saan nakatira ang higit sa 6 milyon sa tuluy-tuloy na urbanong lugar ng lungsod. Nasa gitnang lambak ng bansa ang kabuuan ng lungsod. Karamihan ng lungsod ay nasa pagitan ng 500–650 m (1,640–2,133 tal) sa ibabaw ng gitnang antas ng dagat.

Itinatag noong 1541 ng Kastilang mananakop na si Pedro de Valdivia, naging kabiserang lungsod ng Tsile ang Santiago simula pa noong panahon ng kolonya. May gitnang bayanan ang lungsod na may ika-19 na dantaon neoklasikong arkitektura at paikot-ikot na mga tabing-kalye, na tinutuldukan ng arteng deco, neogotiko, at ibang mga istilo. Nahubog ang tanawin ng lungsod ng Santiago ng ilang nag-iisang burol at mabilis na agos na Ilog Mapocho, na nilinyahan ng mga liwasan tulad ng Parque Forestal at Liwasang Balmaceda. Maaring makita ang Bulubunduking Andes mula sa karamihan ng mga punto ng lungsod. Malaki ang naiaambag ng bulubundukin na ito sa problema ng ulap-usok, partikular tuwing tag-niyebe, dahil sa kakulangan ng ulan. Napapaligiran ang panlabas na lugar ng lungsod ng mga ubasan at ang Santiago ay nasa isang oras sa parehong bulubundukin at Karagatang Pasipiko.

Ang Santiago ay pangkalinangan, pampolitika at pananalaping sentro ng Tsile at tahanan ito ng mga punong-himpilang pang-rehiyon ng maraming multinasyonal na mga korporasyon. Nasa Santiago ang mga ehekutibo at hudikatura ng Tsile, subalit nagpupulong ang karamihan ng Kongreso sa Valparaíso. Ipinangalan ang Santiago sa pigura sa Bibliya na si Santo Santiago. Magiging punong-abala ang Santiago sa mga Palarong Pan Amerikano ng 2023.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sub-national HDI. "Area Database - Global Data Lab". hdi.globaldatalab.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Setyembre 2018. Nakuha noong 24 Oktubre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Wells, John C. (2008). Longman Pronunciation Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Longman. ISBN 978-1-4058-8118-0. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Michael Pavitt (4 Nobyembre 2017). "Santiago confirmed as host of 2023 Pan American Games" (sa wikang Ingles). Inside the Games. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Nobyembre 2017. Nakuha noong 4 Nobyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)