Pumunta sa nilalaman

Zoolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Zoology)

Ang zoolohiya o dalubhayupan ay isang sangay ng biyolohiya na nakatuon sa pag-aaral sa animal kingdom, kabílang ang estruktura, embriyolohiya, ebolusyon, pag-uuri, kasanayan, at distribusyon ng lahat ng hayop, buháy man o ekstinto, at kung paano sila nakikipag-ugnayan sa kanilang mga ekosistem.

Sinaunang panahon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang maging alaga ng tao ang mga hayop, nagkaroon ng importansya ang pag-aaral nito. Ang mga naunang tala ng pag-aaral ng hayop ay nagmula sa Sinaunang Gresya, partikular kay Aristoteles. Ayon sa mga gawa ng pilosopo, ang kalikasan ay may orden na sinusunod at hindi ito basta-basta nababago.[1]

Sa panahon ng Sinaunang Roma, si Plinio na Nakakatanda ay ginawa ang kanyang tratado na "Historia naturalis". Ang gawang ito ay punong-puno ng mga pag-aaral (katotohanan man o piksyon) ukol sa heograpiya, kalawakang mga bagay, halaman, at hayop. Ang bolyum ng gawang ito na bolyum VII hanggang XI, ay tumutuon sa pag-aaral ng zoolohiya.[1]

  1. 1.0 1.1 "Zoology | Definition, History, Examples, Importance, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-08-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Soolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.