Pumunta sa nilalaman

Chile

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Republika ng Chile
República de Chile
Watawat ng Tsile
Watawat
Eskudo ng Tsile
Eskudo
Salawikain: Por la Razón o la Fuerza
(Espanyol: "By reason, or by force")
Awiting Pambansa: Himno Nacional
Location of Tsile
KabiseraSantiago1
Pinakamalaking lungsodSantiago
Wikang opisyalEspanyol
PamahalaanDemokratikong republika
• Pangulo
Sebastián Piñera
Kalayaan 
mula sa Espanya
• First Nat. Gov. Junta
18 Setyembre 1810
• Pinahayag
12 Pebrero 1818
• Kinilala
25 Abril 1844
Lawak
• Kabuuan
756,096 km2 (291,930 mi kuw) (ika-38)
• Katubigan (%)
1.07%2
Populasyon
• Pagtataya sa Hunyo 2006
16,432,674 (ika-60)
• Senso ng 2002
15,116,435
• Densidad
22/km2 (57.0/mi kuw) (ika-184)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2005
• Kabuuan
$193.213 bilyon (43rd)
• Bawat kapita
$11,937 (ika-56)
TKP (2003)0.854
napakataas · 37th
SalapiPeso (CLP)
Sona ng orasUTC-4 (—)
• Tag-init (DST)
UTC-3 (—)
Kodigong pantelepono56
Kodigo sa ISO 3166CL
Internet TLD.cl
1 Ang punong lehislatibo ay nasa Valparaíso
2 Kasama ang Easter Island at Isla Sala y Gómez; hindi kasama ang 1,250,000 km² ng inaangking teritoryo sa Antarctica
Rehiyon
Atacama

Ang Republika ng Chile ay isang bansa sa timog-kanlurang baybayin ng Timog Amerika. Ang bansa ay isang makitid na banda ng lupa sa pagitan ng bulubunduking Andes at ng Karagatang Pasipiko. Hinahanggan ito ng Argentina sa silangan, Bolivia sa hilagang-silangan, at Peru sa hilaga.

Mga rehiyon

Nahahati ang Chile sa 16 rehiyon, bawat isang pinamumunuan ng intendente. Nahahati rin ang bawat rehyon sa mga lalawigan, bawat isang pinamumunuan ng Gobernador Provincial. Nahahati naman ang bawat lalawigan sa iba't ibang Comunas, bawat isang pinamumunuan ng mayor. Pinipili ng Presidente ang intendentes at gobernadores; hinahalal ng mga mamamayan ang mga alkalde.

May pangalan at bilang Romano ang bawat rehiyon. Itinatakda ang mga bilang simula sa hilaga patungong timog. Pangkaraniwang ginagamit ang bilang Romano sa halip ng pangalan. Ang hindi saklaw ay ang rehyon kung saan napaparoon ang Santiago, na tinatawag na RM, na nangangahulugang Región Metropolitana.

Heograpiya

Mapa ng Chile

Bilang isang mahaba at makitid na rehiyong baybay-dagat sa kanluran ng bulubunduking Andes, humahaba ang Chile higit pa sa 4630 km mula hilaga hanggang sa kanluran ngunit lumalapad lang ito nang 430 km sa pinakamalapad nitong bahagi mula silangan hanggang kanluran.

Sagana sa yamang mineral ang hilagang desyertong Atacama, pangunahin ang tanso at mga nitrate. Maliit ang Gitnang Lambak kung ihahambing sa ibang rehiyon ng Chile, ngunit ito ang nangingibabaw sa bansa pagdating sa populasyon at agrikultura. Ang pook ding ito ang sentro pangkasaysayan kung saan lumawak ang Chile noong pangtatapos ng ika-19 na siglo, nang napag-isa ang mga rehiyon sa hilaga at timog. Sagana sa kagubatan at mga lupaing pastulan ang timog Chile at tinutuldukan din ito ng mga bulkan at lawa. Ang baybaying-dagat ng timog ay isang laberinto ng mga fyord, inlet, kanal, paliku-likong peninsula, at pulo. Sa silangang hanggananan matatagpuan ang Bulubunduking Andes.

Ang Chile ang pinakamahabang bansa sa mundo pero maganda ito (mas mahaba sa 4200 km), at inaangkin din nito ang isang malaking bahagi ng Antarctica bilang bahagi ng territoryo nito

hindi nila kinabibilangan ng sile ang Easter Island o Rapanui, ang pinakasilangang pulo ng Polynesia, na ipinag-isa sa bansa noong 1888, at ang Robinson Crusoe Island, mga 400 km ang layo mula sa kontinente, sa kapuluang Juan Fernández.

Demograpiya

Mahigit-kumulang 95% ng Chilenos (Tsilenos sa baybay Tagalog) ay mga inapi ng mga sinaunang kolonistang Espanyol at, bagaman may dugong Katutubong Amerikano (Native American) ang karamihan sa iba’t ibang digri, iilang Chilean lamang ang aamin dito. Karaniwan din ang mga taong halos puro ang dugong Espanyol.

Nasa mga 700 000 ang mga Katutubong Amerikano, karaniwan Mapuche, na naninirahan sa timog-gitnang bahagi ng bansa. Naninirahan ang mga Aymara at Quechua (bigkas /ké·tswa/) malapit sa hilagang hanggan ng Peru at Bolivia. May mga iilan ding dessendiyente ng mga Polynesian na katutubo sa Rapanui sa Pasipiko.

Hindi karamihan ang Chilenos na dessendiyente ng mga Europeong hindi Espanyol. Nabibilang sa mga ito ang isang maliit ngunit maimpluwensiyang bilang ng mga inmigranteng Irlandes at Inggles na dumating sa Chile noong panahong kolonyal. Nagsimula noong 1848 ang inmigrasyon mula sa Alemanya na tinangkilik ng pamahalaan, at paglipas din ng panahon ay nabago ang mukhang kultural ng mga lalawigan ng Valdivia, Llanquihue, at Osorno, na hanggang sa ngayon ay nagpapakita ng malakas na impluwensiyang Aleman. Ilan sa mga iba pang mahahalagang pangkat inmigrante sa kasaysayan ng bansa ay ang mga nagmula sa Italya, Croatia, France, at sa Gitnang-Silangan.

Sa huling dekada nagkaroon ng pagpasok ng mga Koreanong nanirahan sa mga maliliit na seksiyon ng Santiago. Kamakailan lang, nagdulot ang mahirap na sitwasyong pang-ekonomiya sa karating na Peru ng migrasyong trans-Andean patungong Chile.

Mga pinakamalaking lungsod

Kultura

Isang importanteng sentro ng kultura sa sinaunang Imperyong Inca at ang sumunod na Imperyong Espanyol ang Chile.

Tinatawag ng Chileans (chilenos) ang kanilang bansa na País de Poetas ("lupain ng mga makata"). Nakapaglikha ang bansa ng dalawang lawreado ng Premyong Nobel sa Literatura: Gabriela Mistral at Pablo Neruda. Ilan pa sa mga naglalakihang makata sina: Vicente Huidobro, Pablo de Rokha, Gonzalo Rojas, Nicanor Parra, Juan Luis Martínez, Raúl Zurita, Sergio Badilla Castillo at Gonzalo Millán . Sikat sa daigdig ang mga kuwento ng magic realism (realismong mahiko) sa Latin America ni Isabel Allende. Kapansin-pansin din ang mga nobelistang sina Jorge Edwards at Roberto Bolaño.

Maliit ang lokal na paggawa ng pelikula sa Chile, bagaman kasalukuyan itong lumalaki. Sina Raúl Ruiz (Palomita blanca), Miguel Littin (El chacal de Nahueltoro), Silvio Caiozzi (Julio comienza en julio), Ricardo Larraín (La frontera) and Andrés Wood (Machuca) ang ilan sa mga importanteng tagagawa ng pelikula.

Mga pambansang sagisag

Ang copihue (Lapageria rosea, bigkas /ko·pí·we/), na tumutubo sa mga kahuyan ng timog Chile, ang pambansang bulaklak.

Ang pambansang sagisag ng Chile

Inilalarawan sa pambansang sagisag ang dalawang pambansang hayop: ang kondor (Vultur gryphus; isang napakalaking ibong naninirahan sa kabundukan) at ang huemul (Hippocamelus bisulcus, bigkas /we·múl/), isang nanganganib na usang may puting buntot. Meron din itong inskripsiyong Por la razón o la fuerza (Sa pakiusap o sa dahas).

Iba’t ibang paksa

Sanggunian

  1. Chile: Ciudades, Pueblos, Aldeas y Caseríos 2005, Instituto Nacional de Estadísticas – June 2005.

Mga kawing panlabas