Aksidente (pilosopiya)
Kung susuriin natin ang ating pang-araw-araw na karanasan, isang hindi inaasahang pangyayari ang isang aksidente. Bakit hindi inaasahan? Dahil ang aksidente ay pangyayaring hindi sinasadya, hindi ginugusto.
Sa pilosopiya, ang aksidente (accident as attribute of being o "nagkataon") ay katangian na hindi magdudulot ng pagkabawas, pagbabago o pagkasira kung aalisin sa nagtataglay nito.
Kabaligtaran ng kahulugan ng mga katangiang aksidental ang mga katangiang pambuod (essential properties) na talagang kailangan ng isang bagay upang hindi ito mawala.
Bilang paglalapat sa karanasang makapilipino, maihahambing natin ang mga katangiang "napakahalaga" sa mga katangiang "nagkataon lamang". Halimbawa na rito ang mga paglalarawan na panlabas, ngunit hindi tumatalab sa kaibuturan ng isang bagay. Maaaring magbago ang hitsura ng iyong mukha sa tuwing kukunan ka ng litrato, ngunit walang ibang tao na pumapalit sa iyo bilang ikaw.
Basahin din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.