Pumunta sa nilalaman

Alkaloid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kayariang kimikal ng ephedrine, isang phenethylamine alkaloid.
Ang kayariang pangkimika ng kapeina.

Ang mga Alkaloid ay mga langkapang kimikal na maaaring gawin nang likas. Naglalaman ang mga ito ng basikong mga atom ng nitroheno.[1] Ang pangalang ito ay nagmula sa salitang alkalina at ginamit upang ilarawan ang anumang alkalina na naglalaman ng nitroheno. Ang mga alkaloid ay ginagawa ng isang malakaing kasamu't sarian ng mga organismo, katulad ng mga bakterya, mga halamang singaw, mga halaman, at mga hayop at kabahagi ng pangkat ng mga produktong natural (tinatawag din na mga metabolite na sekundaryo). Marami sa mga alkaloid ang magagawang puro mula sa mga substansiyang basiko sa pamamagitan ng ekstraksiyong asido-base. Marami sa mga alkaloid ang nakakalason sa ibang mga organismo. Ang ilan sa mga alkaloid ay mayroong mapait na lasa.

Mga napagkukunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pinaka mahahalagang mga alkaloid ay nakukuha mula sa mga halaman, katulad ng mga gamot na nakukuha mula sa mga gulay. Ang teina o kapeina ay mula sa tsaa at kape. Ang morphia o morphine ay mula sa opium o laudanum. Ang cocaine ay mula sa halamang coca ng Peru, ang "banal na halaman ng mga Inca". Ang balakbak (balat ng puno) ng Peru, na kung tawagin ay cinchona, ay mayroong quinine. Ang aksiyon o epekto ng belladonna (deadly nightshade) ay dahil sa atropine. Ang strychnine ay mula sa nux vomica.[2]

Isang malaking bilang ng mahahalagang mga alkaloid ang kahawig ng ammonia sa pagganap bilang mga base at pamumuo ng mga asin kapag sinamahan ng mga asido. Ang ilan sa mga alkaloid ay matatagpuan sa nabubulok na mga tisyu ng hayop; at lumilitaw ang mga sintomas ng pagkalason matapos na kumain ng sirang karne o isda, at isinisisi sa mga ptomaine, bagaman bihira na ang mga ito ang talagang sanhi ng pagkalason mula sa pagkain.[2]

Halos lahat ng mga alkaloid ay labis na nakakalason maliban na lamang kung ang gagamitin ay munting dami lamang. Ang mainit at malakas na tsaa ay isang antidote o panalaban sa pagkalason dahil sa mga alkaloid, dahil sa ang asidong taniko (tannic acid) na mayroon ang tsaa ay bumubuo ng hindi natutunaw na mga tannate.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. IUPAC, Compendium of Chemical Terminology, Ika-2 ed. (ang "Gold Book") (1997). Naitamang online na bersyon: (1995) "alkaloids". doi:10.1351/goldbook.A00220
  2. 2.0 2.1 2.2 Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Alakaloid". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 25-26.