Pumunta sa nilalaman

Amide

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang amide (/ˈæmaɪd/ o /ˈæmɪd/ o /ˈeɪmaɪd/), tinatawag din bilang acid amide, ay isang compound na mayroong functional group na RnE(O)xNR′2 (tinutukoy ng R at R’ ay ang H o organic groups). Pinakakaraniwan ang carboxamides (organic amides) (n = 1, E = C, x = 1), subalit napagalaman na may mahahalagang uri ng amides kabilang ang phosphoramides (n = 2, E = P, x = 1 at marami pang ibang kaugnay na formula) at sulfonamides (E = S, x = 2). Tinutukoy ng terminong amide ang uri ng compounds at ang functional group (RnE(O)xNR′2) na napapaloob sa mga compounds na iyon.

Tinutukoy din ng amide ang conjugate base ng ammonia (ang anion na H2N) o ng isang organic amine (ang anion na R2N). Para sa talakayan ukol sa “anionic amides”, magtungo sa Alkali metal amides.

Dahil sa dalawang gamit ng salitang ‘amide’, may pagtatalo ukol sa tama at maingat na pagpapangalan sa mga anions na nagmula sa amides ayon sa unang pakahulugan (hal. deprotonated acylated amines), ang ilan ay karaniwang ginagamit bilang nonreactive counterions.

Maaring alamin pa ang carbonyl-nitrogen na pakahulugan sa amide.