Pumunta sa nilalaman

Amoris laetitia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Amoris laetitia (Latin para sa Ang kagalakan sa pagmamahal) ay isang apostolikong pangaral ni Papa Francisco.[1] Ito'y may petsang 19 Marso 2016, ngunit 8 Abril 2016 nang ito'y isapubliko. Kasunod itó ng mga Sinodo sa Pamilya na isinagawâ noong 2014 at 2015.[tala 1]

Kasabáy ng paglalabás ng mga teksto sa Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, at Espanyol, isang pulong-balitaan ang isinagawâ ng Vatican Press Office kung saan tinalakay ang naturang dokumento nina Kardinal Christoph Schönborn O.P., Arsobispo ng Vienna; Kardinal Lorenzo Baldisseri, Kalihim–Panlahat ng Sinodo ng mga Obispo; at mag-asawang siná Francesco Miano, lektor ng pilosopiyang moral sa University of Tor Vergata sa Roma at si Giuseppina De Simone na lektor ng pilosopiya sa Theological Faculty of Southern Italy sa Naples.[2]

  1. Pope Francis (19 Marso 2016). Amoris laetitia (PDF) (sa wikang Ingles). Vatican Press. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 8 Abril 2016 – sa pamamagitan ni/ng vatican.va.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Presentation of the post-Synodal apostolic exhortation Amoris Laetitia: the logic of pastoral mercy, 08.04.2016" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). Holy See Press Office. 8 Abril 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2016. Nakuha noong 8 Abril 2016.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)