Pumunta sa nilalaman

Araling pangkomunikasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang araling pangkomunikasyon ay isang disiplinang pang-akademya na may kaugnayan sa mga proseso ng komunikasyon o pakikipagtalastasan ng tao. Sinasaklaw ng disiplinang ito ang hanay ng mga paksa mula sa harapang pag-uusap hanggang sa mga pangmasang midyang palabasan gaya ng pagbrodkast sa telebisyon. Sinusuri rin ng araling pangomunikasyon kung paano nabibigyang kahulugan ang mga mensahe sa pamamagitan ng pampolitika, pangkalinangan, pang-ekonomika, pangsemiyotika, pang-hermenyutika, at ng mga panlipunang dimensyon ng kanilang mga konteksto.

Binubuo ng araling pangkomunikasyon ang parehong aspeto ng panlipunang agham at humanidades. Karamihan sa mga ginagawa sa larangang ito ay likas na pang-akademiko. Bilang isang panlipunang agham, ang disiplinang ito ay madalas na sumasanib sa sosyolohiya, sikolohiya, antropolohiya, biyolohiya, agham pampolitika, ekonomika, at patakarang pampubliko, bukod sa iba. Mula sa perspektibong humanidades, ang araling pangkomunikasyon ay ukol sa retorika at panghihikayat (sa mga retoriko ng sinaunang Gresya matatagpuan ang pinagmulan ng pag-aaral ng Komunikasyon).

Ibinubukod ng isang tuon ng pananaliksik sa pag-unlad ang pag-aaral ng komunikasyon sa pangkalahatang antas ng komunikasyon. Karamihan sa mga mag-aaral na pumipili ng larangang ito ay nais magpatuloy sa pagkamit ng antas ng doktor. Ang mga pangangailangan para sa mga antas pang-undergraduate ay nakatutok sa paghahanda sa mga mag-aaral na magtanong ng mga katanungang may kinalaman sa kalikasan ng komunikasyon sa lipunan at sa pagpapaunlad ng komunikasyon bilang isang tiyak na larangan.