Awadh
Ang Awadh (Awadhi, Hindi: अवध, Urdu: اودھ pronunciation (tulong·impormasyon)) ay isang rehiyon na nasa gitna ng makabagong estado ng Uttar Pradesh ng bansang India, na noong panahon bago ang pagsapit ng kalayaan ay nakikilala bilang Nagkakaisang mga Lalawigan ng Agra at Oudh. Nakikilala bilang Oudh o Oude sa sari-saring mga tekstong pangkasaysayan ng Britanya, na hinango mula sa Ayodhya, itinatag ito noong humigit-kumulang 1722 AD na ang kabisera nito ay ang Faizabad, at ang una nitong Nawab at prohenitor ng mga Nawab ng Awadh ay si Sadat Ali Khan. Ang pangtradisyong kabisera ng Awadh ay ang Faizabad at sa pagdaka ay ang Lucknow na kabisera ng pangkamabagong panahong Uttar Pradesh.
Ang pangmakabagong panahon paglalarawan o kahulugan ng Awadh ay pangheograpiyang kinabibilangan ng mga distrito ng Ambedkar Nagar, Bahraich, Balrampur, Barabanki, Faizabad, Gonda, Hardoi, Lakhimpur Kheri, Lucknow, Pratapgarh, Raebareli, Shravasti, Sitapur, Sultanpur at Unnao magmula sa Awadh at Farrukhabad, Etawah, Kannauj, Auraiya, Kanpur, Ramabai Nagar, Fatehpur, Kaushambi at Allahabad magmula sa Pang-ibabang Doab. Ang isang mahaba at makitid na pilas ng mga pook sa hilaga ng rehiyon, iyong mga bahagi ng pook ng Terai (Panloob na Terai at Madhesh (Panlabas na Terai]]), na ngayon ay nakahimlay sa loob ng Nepal (Tulsipur, Rapti (Tulsipur Dang) at maraming mga bahagi ng distrito ng Gorakhpur. Ang rehiyon ay tirahan ng isang namumukod-tanging diyalekto, ang wikang Awadhi, na sinasalita ng mga taong Awadhi.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at India ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.