Pumunta sa nilalaman

Ayn Rand

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ayn Rand
KapanganakanAlisa Zinov'yevna Rosenbaum
2 Pebrero 1905(1905-02-02)
Saint Petersburg, Imperyong Ruso
Kamatayan6 Marso 1982(1982-03-06) (edad 77)
New York City, New York, U.S.
KinatutuluyanKensico Cemetery, Valhalla, New York, U.S.
Sagisag-panulatAyn Rand
TrabahoWriter, philosopher
WikaEnglish
EtnisidadHudyong Ruso
PagkamamamayanRusya (1905-1922)
Soviet Union (1922-1931)
United States (1931-1982)
Alma materPetrograd State University
Panahon1934–1982
PaksaPhilosophy
(Mga) kilalang gawaThe Fountainhead
Atlas Shrugged
(Mga) parangalPadron:Awards
(Mga) asawaFrank O'Connor
(m. April 15, 1929 – November 7, 1979; his death)

LagdaAyn Rand
Ayn Rand (1943)

Si Ayn Rand ( /ˈn ˈrænd/;[1] na ipinanganak na Alisa Zinov'yevna Rosenbaum; Pebrero 2 [Lumang Estilo Enero 20] 1905 – 6 Marso 1982) ay isang ipinanganak na Rusong Amerikanong nobelista, pilosopo, [2] manunulat at isang screenwriter. Siya ay kilala para sa kanyang dalawang mga mahusay na bumentang mga nobelang The Fountainhead at Atlas Shrugged at pagbuo ng sistemang pilosopikal na Obhektibismo. Siya ay ipinanganak at nag-aral sa Rusya at lumipat sa Estados Unidos noong 1926. Pagkatapos ng dalawa niyang mga maagang nobelang sa simula ay hindi matagumpay sa Amerika, siya ay sumikat sa nobela niyang The Fountainhead noong 1943. Itinaguyod ni Rand ang katwiran bilang ang tanging paraan ng pagkakamit ng kaalaman at tumakwil sa pananampalataya at relihiyon. Kanyang sinuportahan ang rasyonal na egoismo at etikal na egoismo at tumakwil sa altruismo. Sa politika, kanyang kinondena ang pagsisimula ng pwersa bilang imoral[3] at sumalungat sa kolektibismo at statismo gayundin sa anarkismo at sa halip ay sumuporta sa minarkistang limitadong pamahalaan at isang kapitalismong laissez-faire na kanyang pinaniwalaang ang tanging sistemang panlipunan na nag-iingat ng mga indibidwal na karapatan. Sa sining, kanyang itinaguyod ang romantikong realismo. Siya ay bumatikos sa karamihan ng mga tradisyong pilosopikal at karamihan ng mga pilosopo na kanyang alam maliban sa ilang mga mga Aristotelyano at mga klasikong liberal.[4]

Ang piksiyon ni Rand ay hindi mabuting tinanggap ng maraming mga kritikong pampanitikan.[5] Sa akademiya, ang kanyang pilosopiya ay pangkalatang itinakwil o hindi pinansin. Tinatangka ng kilusang Obhektibista na ikalat ang kanyang mga ideya sa parehong mga lugar na pampubliko at akademiko.[6] Siya ay may malaking impluwensiya sa mga libertaryano at mga konserbatibong Amerikano.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Branden 1986, p. 71; Gladstein 1999, p. 9
  2. Den Uyl & Rasmussen 1986, p. x; Sciabarra 1995, pp. 1–2; Kukathas 1998, p. 55; Badhwar & Long 2010.
  3. Barry 1987, p. 122; Peikoff 1991, pp. 309–314; Sciabarra 1995, p. 298; Gotthelf 2000, p. 91; Gladstein 2009, p. 46
  4. O'Neill 1977, pp. 18–20; Sciabarra 1995, pp. 12, 118
  5. Gladstein 1999, pp. 117–119
  6. Sciabarra 1995, pp. 1–2
  7. Burns 2009, p. 4; Gladstein 2009, pp. 107–108, 124