Bingsu
Ibang tawag | Bingsu |
---|---|
Uri | Yelong ginadgad |
Kurso | Panghimagas |
Lugar | Korea |
Ihain nang | Malamig |
Pangunahing Sangkap | Yelong ginadgad, pulang monggo |
Baryasyon | Nokcha-bingsu (bingsung berdeng tsaa), ttalgi-bingsu (bingsung seresa), choko-bingsu (bingsung tsokolate), atbp. |
|
Korean name | |
Hangul | 팥빙수 / 빙수 |
---|---|
Hanja | -氷水 / 氷水 |
Binagong Romanisasyon | patbingsu / bingsu |
McCune–Reischauer | p'atpingsu / pingsu |
IPA | [pʰat̚.p͈iŋ.su] / [piŋ.su] |
Ang patbingsu (팥빙수, na minsan pinapaingles bilang patbingsoo, literal na "pulang munggo, yelong ginadgad") ay isang tanyag na Koreanong yelong ginadgad na panghimagas na may matatamis na sahog sa ibabaw katulad ng mga tinadtad na prutas, gatas na kondensada, arnibal ng prutas, at pulang munggo.[1] Ang mga baryante na may sangkap maliban sa pulang munggo ay tinatawag na bingsu [2] (o bingsoo).[3]
Nagsimula ang pagkaing ito bilang yelong ginadgad na may sarsang pulang munggo (na kilala bilang pat, 팥). Mayroong maraming mga baryante ng patbingsu sa kontemporaryong kultura.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuo ang unang mga anyo ng patbingsu ng yelong ginadgad at dalawa o tatlong sangkap, karaniwang sarsang pulang munggo, tteok, at pulbos ng grawndnat.[4] Umiral ang mga pinakamaagang anyo ng patbingsu sa panahon ng Dinastiyang Joseon (1392-1910). Nagpapakita ng mga rekord ng pamahalaan ang mga opisyal na nagbabahagi ng mga durog na yelo na may iba't ibang prutas sa ibabaw.[5]
Ipinalalagay na nagmula ang mga modernong anyo ng patbingsu ay sa panahon ng Korea sa ilalim ng pamamahala ng Hapon (1910-1945) na may pagpapakilala ng malamig na putahe na mayroong sarsang pulang munggo.[5] Isang Koreanong imbensyon ang pagkasasama ng sarsang pulang munggo at yelong ginadgad.[6] Sa panahon ng Digmaang Koreano (1950-1953), nagbunga ang mga banyagang impluwensiya sa pagsasama ng mga sangkap tulad ng kaktel ng prutas, sorbetes,[7] prutas, nuwes, angkak, arnibal, at kremang pinalantik (whipped cream).[6] Noong mga dekadang '70 at '80, naging sikat na sangkap ang kaktel ng prutas, kremang pinalantik, at seresang maraschino.[7]
Mga baryante
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong iba't ibang mga uri at lasa ng patbingsu. Karamihan sa mga bingsu ay hindi sumusunod sa tradisyon, at hindi kasama ang sarsang pulang munggo sa mga ilang baryante.[8] Ang ilang mga popular na lasa ay: berdeng tsaa, kape, at yogurt.[9]
Availability
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan Patbingsu sa karamihan ng restauranteng fast food, cafe, at bakery sa Timog Korea.[1] Napakatanyag din na panghimagas ang Patbingsu sa mga cafe sa mga Koreatown ng Vancouver, New York City, Los Angeles, Atlanta at Taylandiya.[10]
Galerya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Iba't ibang mga bingsu
-
Patbingsu
-
Persimon na bingsu mula sa Coco Bruni patisserie sa Hannam-dong, Seoul
-
Naghahain ang Lotteria ng isang masalimuot na bersyon na may sorbetes
-
Isang yogurt na bingsu mula sa sikat na Korean Red Mango chain
-
Melon na bingsu mula sa 'Chaoruem' malapit sa istasyon ng Gangnam.
-
Patbingsu na may prutas sa ibabaw
-
Bingsu na may ratiles
-
Bingsu na may lasa ng milk tea
-
Itim linga na bingsu
-
Tsaang berde na patbingsu
-
Tsaang berde na bingsu
-
Bingsung keso
-
Patbingsu
-
Bingsung halong-ratiles
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Lee, Robyn (Hunyo 5, 2009). "Snapshots from South Korea: Patbingsu, a Popular Shaved Ice Dessert". Serious Eats. Nakuha noong Enero 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ CNN, By Kyoung Woo Jun, for. "Seoul hotels at war over dessert - CNN.com". Nakuha noong 2016-05-05.
{{cite web}}
:|last=
has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Hoo, Winyan Soo (2014-07-16). "Plate Lab: A guide to Asian shaved ice desserts halo-halo, bao-bing and bingsoo". Nakuha noong 2016-05-05.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ice cream explorations and a peek into the past".
- ↑ 5.0 5.1 "Snowy delights and variations on bingsu".
- ↑ 6.0 6.1 Comeau, Kimberly (Setyembre 27, 2011). "Get ready for patbingsu: Red beans over shaved ice". jeju weekly.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 6, 2014. Nakuha noong Enero 6, 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Imatome-Yun, Naomi. "Shaved Ice Dessert with Sweet Beans Recipe (Patbingsu)". About.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 4, 2016. Nakuha noong Enero 6, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bingsu, an unbeatable summer treat!". KOREA TOURISM ORGANIZATION. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 6, 2014. Nakuha noong Enero 6, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Korea's cold summer taste - naengmyeon and patbingsu". The Korean Culture and Information Service. Nakuha noong Enero 6, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Amter, Charlie. "A game of top this in frozen yogurt wars". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 4, 2009. Nakuha noong Enero 6, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)