Pumunta sa nilalaman

Doi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Doi
AkronimaDOI
OrganisasyonInternational DOI Foundation
Ipinakilala2000 (2000)
Halimbawa10.1000/182
Pook-sapotdoi.org/the-identifier/what-is-a-doi/

Ang tagatukoy ng digital na bagay (Ingles: digital object identifier o DOI) ay isang matiyagang tagatukoy o handle na ginagamit upang matukoy ang mga bagay sa pantanging paraan, na isinapamantayan ng Organisasyong Pandaigdig para sa Pagsasapamantayan (ISO).[1] Isang pagpapatupad ng Sistema ng Handle,[2][3] laganap ang paggamit ng mga DOI sa pagtutukoy ng impormasyong pang-akademiko, pampropesyonal, at pampamahalaan, tulad ng mga artikulo sa periyodiko, ulat ng pananaliksik, hanay ng datos, at opisyal na publikasyon. Gayunman, ginagamit din ang mga ito sa pagtutukoy ng mga iba pang uri ng mapagkukunan ng impormasyon, tulad ng mga bidyong komersiyal.

Naglalayong maging "malulutasin" ang DOI, kadalasan sa isang anyo ng pag-akses sa bagay pang-impormasyon na tinutukoy ng DOI. Natatamo ito sa pagbibigkis ng DOI sa metadatos ng bagay, kagaya ng isang URL, na nagpapahiwatig kung saan mahahanap ang bagay. Sa gayon, sa pagiging maaksiyunan at interoperable, nag-iiba ang DOI sa mga tagatukoy tulad ng ISBN and ISRC na pakay lamang sa pagtutukoy ng kani-kanilang reperente sa pantanging paraan. Ginagamit ng sistema ng DOI ang indecs na Modelo ng Nilalaman sa pagkakatawan sa metadatos.

Ang DOI para sa isang dokumento ay nananatiling di-nagbabago sa tanang buhay ng dokumento, habang maaaring magbago ang lokasyon at iba pang metadatos nito. Ipinapalagay na ang pagsasangguni sa isang dokumentong online sa pamamagitan ng DOI nito ay nagbibigay ng mas matatag na kawing kaysa sa simpleng paggamit ng URL nito. Subalit sa tuwing nagbabago ang isang URL, kailangang isapanahon ng tagapaglathala ang metadatos para sa DOI para ikarga sa bagong URL.[4][5][6] Pananagutan ng tagapaglathala na isapanahon ang database ng DOI. Kung hindi nila gagawin iyon, nalulutas ang DOI sa patay na kawing at mawawala ang silbi ng DOI.

Ang tagapaglinang at tagapangasiwa ng sistema ng DOI ay Pandaigdigang Pundasyon ng DOI (IDF), na nagpakilala nito noong 2020.[7] Maaaring magtakda ng mga DOI ang mga organisasyong nakatutugon sa mga pinagkasunduang obligasyon ng sistema ng DOI at handang magbayad para maging miyembro ng sistema.[8] Ipinapatupad ang sistema ng DOI sa pamamagitan ng pederasyon ng mga ahensya ng pagpaparehistro na pinapangasiwaan ng IDF.[9] Bandang katapusan ng Abril 2011, higit sa 50 milyong pangalang DOI ang naitakda ng mga 4,000 organisasyon,[10] at pagsapit ng Abril 2013, ang bilang na ito ay naging 85 milyong pangalang DOI na itinakda ng 9,500 organisasyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "ISO 26324:2012(en), Information and documentation – Digital object identifier system" [ISO 26324:2012(en), Impormasyon at dokumentasyon – sistema ng pakakakilanlan ng digital na bagay] (sa wikang Ingles). ISO. Nakuha noong Abril 20, 2016.
  2. "The Handle System" [Ang Sistemang Handle] (sa wikang Ingles).
  3. "Factsheets" [Mga Katiyakang Kaalaman] (sa wikang Ingles).
  4. Witten, Ian H.; David Bainbridge; David M. Nichols (2010). How to Build a Digital Library [Paano Bumuo ng Aklatang Digital] (sa wikang Ingles) (ika-Ika-2 (na) edisyon). Amsterdam; Boston: Morgan Kaufmann. pp. 352–253. ISBN 978-0-12-374857-7. {{cite book}}: Unknown parameter |last-author-amp= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)
  5. Langston, Marc; Tyler, James (2004). "Linking to journal articles in an online teaching environment: The persistent link, DOI, and OpenURL" [Pagkakawing sa mga artikulo sa periyodiko sa online na kapaligiran sa pagtuturo: Ang matiyagang kawing, DOI, at OpenURL]. The Internet and Higher Education (sa wikang Ingles). 7 (1): 51–58. doi:10.1016/j.iheduc.2003.11.004.
  6. "How the 'Digital Object Identifier' works" [Paano gumagana ang 'Tagatukoy ng Digital na Bagay']. BusinessWeek (sa wikang Ingles). BusinessWeek. Hulyo 23, 2001. Nakuha noong Abril 20, 2010. Assuming the publishers do their job of maintaining the databases, these centralized references, unlike current web links, should never become outdated or broken.
  7. Paskin, Norman (2010), "Digital Object Identifier (DOI) System" [Sistema ng Tagatukoy ng Digital na Bagay (DOI)], Encyclopedia of Library and Information Sciences [Ensiklopedya ng Agham Pang-aklatan at Pang-impormasyon] (sa wikang Ingles) (ika-3rd (na) edisyon), Taylor and Francis, pp. 1586–1592
  8. Davidson, Lloyd A.; Douglas, Kimberly (Disyembre 1998). "Digital Object Identifiers: Promise and problems for scholarly publishing" [Mga Tagatukoy ng Digital na Bagay: Pag-asa at problema para sa akademikong paglalathala]. Journal of Electronic Publishing (sa wikang Ingles). 4 (2). doi:10.3998/3336451.0004.203.
  9. "Welcome to the DOI System" [Maligayang pagdating sa Sistema ng DOI] (sa wikang Ingles). Doi.org. Hunyo 28, 2010. Nakuha noong Agosto 7, 2010.
  10. "DOI News, April 2011: 1. DOI System exceeds 50 million assigned identifiers" [Balitang DOI, Abril 2011: 1. Sistema ng DOI lumagpas ng 50 milyong itinakdang tagatukoy]. Doi.org (sa wikang Ingles). Abril 20, 2011. Nakuha noong Hulyo 3, 2011.