Gemini
Ang Gemini ang pangatlong signo ng sodyak at pinumumunuan ng buntalang Mercury, ang buntala ng pag-iisip, pakikisalamuha at pag-uusap. Masasabing ang mga Gemini na ata ang pinakamatalinong nilalang sa sodyak. Mabilis silang mag-isip at interesado silang malaman ang lahat ng bagay. Ang problema lang nila ay wala silang sariling disiplina kung kayat di nila matapos-tapos ang kanilang mga sinimulan. Kung magkakaroon lang ng disiplina ang mga Gemini, walang hindi nila maaabot.
Masaya ang mga Gemini kung madami silang ginagawa ng sabay-sabay. Mas gusto nila ang mga intelektuwal na mga gawain gaya ng pilosopiya, pagsusulat, pakikisalamuha, o pag-iisip sa mga bagay para sa ibang tao.
Kailangang matutunan ng mga Gemini ang maging kalmado dahil nauubos ang kanilang mga enerhiya sa samu't saring bagay. Ang mga Gemini ay pabago-bago, mabilis mag-isip, palatanong, matalino at kayang gawing kahit na ano.
Gusto ng mga Gemini ang pakikipag-usap, paglalakwatsa, alam-lahat, pag-aaral, pagsusulat at pagbabasa.
- Namumunong Buntala: Mercury
- Pinamumunuan: Ikatlong Bahay ng sodyak
- Kalidad: Mutable
- Elemento: Hangin
- Pagsasalarawan: Samu't saring pinagkakaabalahan
- Katanyagan: Mabilis mag-isip
- Depekto: Mababaw
Kung ang Gemini ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay ng sodyak, o kung alin mang buntala ang nasa Gemini, ang suliranin ng Bahay na iyon o ng buntalang iyon ay naiimpluwensiyahan ng sangkaterbang pakikisalamuha o pakikipag-usap, nariyan din ang pag-aaral, pagbabasa atbp., karaniwang maraming pag-iisip ang gagawin, o di naman kaya ay paglalakbay at samu't saring pagkakaabalahn.