Pumunta sa nilalaman

Gissi

Mga koordinado: 42°01′00″N 14°33′00″E / 42.0167°N 14.55°E / 42.0167; 14.55
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gissi
Comune di Gissi
Lokasyon ng Gissi sa Lalawigan ng Chieti
Lokasyon ng Gissi sa Lalawigan ng Chieti
Lokasyon ng Gissi
Map
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Italy Abruzzo (ABR)" nor "Template:Location map Italy Abruzzo (ABR)" exists.
Mga koordinado: 42°01′00″N 14°33′00″E / 42.0167°N 14.55°E / 42.0167; 14.55
BansaItalya
RehiyonAbruzzo (ABR)
LalawiganChieti (CH)
Lawak
 • Kabuuan36.65 km2 (14.15 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan2,706
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)

Ang Gissi ay isang comune sa lalawigan ng Chieti sa bansang Italya.

Ito ay hinahanggan ng dalawang sanga ng Ilog Sinello at napapalibutan ng mga ubasan at taniman ng mga olibo.

May mga tao na sa Gissi mula pa noong sinaunang panahon. Noong ika-12 siglo ito ay nasa ilalim ng impluwensiya ng pamilya D'Avalos.

Mga pangunahing pasyalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Palazzo Carunchio at ang mga guho ng kastilyo ay huwarang halimbawa ng mga gusali, balkonahe, at mga eskinita ng bayan. Itinayo noong ika-19 na siglo, ang Palazzo Carunchio ngayon ay nagsisilbing Munisipyo, at naririto ang mga tanggapang pang-administratibo ng bayan. Ang bayan ay may iba pang magagandang halimbawa ng palazzi mula ika-18 at ika-19 na siglo, na pinalamutian ng magagandang detalye sa arkitektura. Kapansin-pansin din na maraming mga tahanan ng Gissi ang natatakpan ng gesso, isang materyal na nakuha mula sa kalapit na mga yungib at burol.

Ang Gissi ay tahanan ng iba't ibang mga piyesta at pagdiriwang, na marami sa mga ito ay mga pangrelihiyon sa pagdiriwang ng mga santo. Kasama rito ang pagdiriwang ng 20 Mayo kay San Bernardino ng Siena, na inilibing sa L'Aquila sa katedral na alay sa kaniyang pangalan. Kasama sa iba pang mga piyesta ang Kapistahan ni Santa Lucia sa Agosto 20 at ang Piyesta ng San Roque sa Agosto 19.

  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ang lahat ng mga demograpiya at iba pang istadistkita: Italian statistical institute Istat.
  4. "Istat - Monthly demographic balance (January–December 2006)". Istituto Nazionale di Statistica. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-25. Nakuha noong 2006-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Ugnay Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Institusyong Pampubliko

Italya Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.