Pumunta sa nilalaman

Ilog Yangtze

Mga koordinado: 31°23′37″N 121°58′59″E / 31.39361°N 121.98306°E / 31.39361; 121.98306
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ilog Yangtze
Dusk on the middle reaches of the Yangtze River (Three Gorges) 2002
Map of the Yangtze River drainage basin
Katutubong pangalan长江 (Cháng Jiāng) Error {{native name checker}}: list markup expected for multiple names (help)
Lokasyon
CountryTsina
ProvincesQinghai, Yunnan, Sichuan, Hubei, Hunan, Jiangxi, Anhui, Jiangsu
MunicipalitiesChongqing at Shanghai
Autonomous regionTibet
CitiesLuzhou, Chongqing, Yichang, Jingzhou, Yueyang, Wuhan, Jiujiang, Anqing, Tongling, Wuhu, Nanjing, Zhenjiang, Yangzhou, Nantong, Shanghai
Pisikal na mga katangian
PinagmulanDam Qu (Jari Hill)
 ⁃ lokasyonTanggula Mountains, Qinghai
 ⁃ mga koordinado32°36′14″N 94°30′44″E / 32.60389°N 94.51222°E / 32.60389; 94.51222
 ⁃ elebasyon5,170 m (16,960 tal)
Ika-2 pinagmulanUlan Moron
 ⁃ mga koordinado33°23′40″N 90°53′46″E / 33.39444°N 90.89611°E / 33.39444; 90.89611
Ika-3 pinagmulanIlog Chuma'er
 ⁃ mga koordinado35°27′19″N 90°55′50″E / 35.45528°N 90.93056°E / 35.45528; 90.93056
Ika-4 pinagmulanIlog Muluwusu
 ⁃ mga koordinado33°22′13″N 91°10′29″E / 33.37028°N 91.17472°E / 33.37028; 91.17472
Ika-5 pinagmulanBi Qu
 ⁃ mga koordinado33°16′58″N 91°23′29″E / 33.28278°N 91.39139°E / 33.28278; 91.39139
BukanaDagat Silangang Tsina
 ⁃ lokasyon
Shanghai at Jiangsu
 ⁃ mga koordinado
31°23′37″N 121°58′59″E / 31.39361°N 121.98306°E / 31.39361; 121.98306
Haba6,300 km (3,900 mi)[1]
Laki ng lunas1,808,500 km2 (698,300 mi kuw)[5]
Buga 
 ⁃ karaniwan30,146 m3/s (1,064,600 cu ft/s)[2] Attribution: text was copied from Steamboats on the Yangtze River on November 1, 2020. Please see the history of that page for full attribution.
 ⁃ pinakamababa2,000 m3/s (71,000 cu ft/s)
 ⁃ pinakamataas110,000 m3/s (3,900,000 cu ft/s)[3][4]
Mga anyong lunas
Mga sangang-ilog 
 ⁃ kaliwaYalong, Min, Tuo, Jialing, Han
 ⁃ kananWu, Yuan, Zi, Xiang, Gan, Huangpu
Chang Jiang
"Yangtze River (Cháng jiāng)" in Simplified (top) and Traditional (bottom) Chinese characters
Pangalang Tsino
Pinapayak na Tsino长江
Tradisyunal na Tsino長江
Kahulugang literal"The Long River"
Yangtze River
Pinapayak na Tsino扬子江
Tradisyunal na Tsino揚子江
Pangalang Tibetan
Tibetanoའབྲི་ཆུ་

Ang Yangtze, Yangzi o Cháng Jiāng (play /ˈjæŋtsi/ o /ˈjɑːŋtsi/; [jɑ̌ŋtsɯ́]) ay ang pinakamahabang ilog sa Tsina at sa Asya. Ito rin ay ang ikatlong pinakamahabang ilog sa buong mundo.[6][7] May haba itong 3,915 milya o 6,300 kilometro.[7]

Tinatawag ng mga Tsino ang ilog na ito sa mga katawagang Chang Jiang (Inggles: Long River) o Da Jiang (Inggles: Great River) o Jiang (Inggles: River). Ang mga taga-Kanluran ang nagbansag sa ilog na ito ng Yangtze na galing sa pangalan ng Yang na isang sinaunang kaparian (Inggles: fiefdom).[7]

Ang Ilog Yangtze ay ang pangunahing daluyan ng tubig at ang pinakamahalagang ilog sa Tsina.[7]

Matatagpuan ang mga siyudad ng Chengdu, Chongqing, Wuhan, Nanjing, at Shanghai sa mga kapatagan na nakadugtong sa mga pampang ng Ilog Yangtze at mga sanga nito sa basin. Mahigit na 400 milyong tao ang nakatira sa lugar ng Ilog Yangtze. Ang mga grupong katutubo ng Tsina na katulad ng Tibetan, Zhuang, at Qiang ay dito rin gumawa ng kanilang mga tahanan.[8]

Mga buhay sa ilog at gubat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Ilog Yangtze at sa basin nito namumuhay ang tatlong daan at limampung uri (150) ng mga isda, isang daan at apatnapu at lima (145) na iba't ibang amphibia, isang daan at animnapu at anim (166) na mga reptilya, pitong daan at animnapu at dalawa (762) na uri ng mga ibon, dalawang daan at walumpu (280) na mga mamalya kung saan nabibilang ang higanteng panda na dito lamang matatagpuan at mahigit sa labing apat na libong (14,000) iba't ibang halaman.[6][8] Pinaniniwalaang nalipol na ang dolphin na naninirahan sa Ilog Yangtze dahil hindi na ito nakita simula noong 2002.[6]

Simula 1950 ay mayroon nang mahigit sa 50,000 na mga prinsa ang naitayo sa Ilog Yangtze.[6]

Isa sa mga dam na ito ay ang Prinsa ng Tatlong Bangin (Inggles: Three Gorges Dam) na simula 2012 ay kinikilala bilang pinakamalaking dam na hydroelectric sa mundo.[9] Bahagya o tuluyang lumubog ang labing tatlo na malalaking siyudad, isangdaan at apatnapu na mga bayan at tatlong daan at dalawampu't anim na mga nayon habang ginagawa ang dam na ito.[6] Mahigit isang milyong mga tao ang kailangang lumipat noong itinayo ang dam sa ito.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Encyclopædia Britannica: Yangtze River http://www.britannica.com/eb/article-9110538/Yangtze-River Naka-arkibo August 21, 2008, sa Wayback Machine.
  2. "Main Rivers". National Conditions. China.org.cn. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 13, 2012. Nakuha noong Hulyo 27, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. https://probeinternational.org/three-gorges-probe/flood-types-yangtze-river Naka-arkibo July 23, 2011, sa Wayback Machine. Accessed February 1, 2011
  4. "Three Gorges Says Yangtze River Flow Surpasses 1998". Bloomberg Businessweek. Hulyo 20, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 23, 2010. Nakuha noong Hulyo 27, 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Zhang Zengxin; Tao Hui; Zhang Qiang; Zhang Jinchi; Forher, Nicola; Hörmann, Georg (2009). "Moisture budget variations in the Yangtze River Basin, China, and possible associations with large-scale circulation". Stochastic Environmental Research and Risk Assessment. 24 (5): 579–589. doi:10.1007/s00477-009-0338-7. S2CID 122626377.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 "The Yangtze - Asia's longest river | WWF". www.wwf.org.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 "Yangtze River | Location, Map, Flood, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). 2024-10-29. Nakuha noong 2024-11-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. 8.0 8.1 "Yangtze River | Places | WWF". World Wildlife Fund (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. "Three Gorges Dam: The World's Largest Hydroelectric Plant | U.S. Geological Survey". www.usgs.gov. Nakuha noong 2024-11-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)

Karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Carles, William Richard, "The Yangtse Chiang", The Geographical Journal, Vol. 12, No. 3 (Sep., 1898), pp. 225–240; Published by: Blackwell Publishing on behalf of The Royal Geographical Society (kasama ang Institute of British Geographers)
  • Grover, David H. 1992 American Merchant Ships on the Yangtze, 1920-1941. Wesport, Conn.: Praeger Publishers.
  • Van Slyke, Lyman P. 1988. Yangtze: nature, history, and the river. A Portable Stanford Book. ISBN 0-201-08894-0
  • Winchester, Simon. 1996. The River at the Center of the World: A Journey up the Yangtze & Back in Chinese Time, Holt, Henry & Company, 1996, hardcover, ISBN 0-8050-3888-4; trade paperback, Owl Publishing, 1997, ISBN 0-8050-5508-8; trade paperback, St. Martins, 2004, 432 pages, ISBN 0-312-42337-3
[baguhin | baguhin ang wikitext]