Pumunta sa nilalaman

Kalendaryong Ebreo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kalendaryong Ebreo (Ebreo: הלוח העברי, halua ha'ivri) ay isang lunisolar na kalendaryo at ang pansariling kalendaryong ginagamit ng mga Hudyo kasabay ng pang-araw-araw na kalendaryong ginagamit sa kanilang pook ng paninirahan. Sa kalendaryong Ebreo nakabatay ang mga petsa ng mga banal na araw sa Hudaismo.

Ang mga pangalan ng mga labindalawang buwan sa kalendaryong Ebreo ay ihinango mula sa wikang Akadyo, na nakuha noong panahon ng pagtapon ng mga Hudyo sa Babilonya, at hindi mahahanap saanman sa Bibliya. Mayroong dalawang pagkakasunod-sunod ang kalendaryo: isang sibil at isang pampananampalataya. Nakapanaklong ang mga anyong Ebreo.

Sibil Pananampalataya
Tishre (תשרי‎) Nisan
Ḥeshvan (חשון) Iyyar
Kislev (כסלו) Sivan
Tevet (טבת) Tammuz
Shevat (שבט) Av
Adar (אדר) Elul
Nisan (ניסן‎) Tishre
Iyyar (אייר‎) Ḥeshvan
Sivan (סיון) Kislev
Tammuz (תמוז) Tevet
Av (אב‎) Shevat
Elul (אלול‎) Adar

Inuulit ang Adar tuwing taong bisyesto.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.