Pumunta sa nilalaman

Kasanayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kasanayan (sa Ingles: skill, sa Kastila: habilidad) ay isang natutunang kakayahan na aaktong may determinadong resulta na may mabuting pagpapatupad sa loob ng isang binigay na panahon, oras o pareho. Maaring hatiin ang kasanayan sa kasanayang pangkahalatang-dominyo o espesipikoong-dominyo. Maaring tawagin ang kasanyan bilang sining kapag kinakatawan nito ang isang bahagi ng kaalaman o sangay ng pagkatuto, tulad ng sining ng medisina o sining ng digmaan.[1] Bagaman kasanayan din ang sining, maraming mga kasanayan na binubuo ang sining subalit walang koneksyon sa mga pinong sining.

Kailangan ng tao ang isang malawak na hanay ng mga kasanayan upang makapag-ambag sa makabagong ekonomiya. Pinapakita sa pag-aaral ng pinagsamang ATSD at Kagawaran ng Paggawa ng Estados Unidos na sa pamamagitan ng teknolohiya, nagbabago ang lugar ng trabaho, at natutukoy ang 16 na pangunahing kasanayan na kailangang mayroon ang mga empleyado upang mapalitan ito.[2] Tatlong malawak na kategorya ng kasanayan ang minumungkahi at ito ang teknikal, tao at konseptuwal.[3] Maaring palitan ang unang dalawa ng mga kasanayang matigas at malambot.[4]

Mga kasanayang paggawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang manggagawang sanay ay matagal nang may makasaysayang kabuluhan bilang mga elektrisista, mason, karpintero, panday, panadero, tagagawa ng serbesa, kubero, taga-imprenta at ibang trabaho na ekonomikang produktibo. Aktibo sa politika ang mga manggagawang sanay sa pamamagitan ng kanilang samahang pangkasanayan.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "art". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-03-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Publications and Research Search Results, Employment & Training Administration (ETA)". wdr.doleta.gov (sa wikang Ingles). U.S. Department of Labor. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Abril 2018. Nakuha noong 28 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sommerville, Kerry (2007). Hospitality Employee Management and Supervision: Concepts and Practical Applications (sa wikang Ingles). Hoboken, NJ: John Wiley & Sons, Inc. pp. 328. ISBN 9780471745228.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Rao, M.S. (2010). Soft Skills - Enhancing Employability: Connecting Campus with Corporate (sa wikang Ingles). New Delhi: I. K. International Publishing House Pvt Ltd. p. 225. ISBN 9789380578385.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Cowan, Ruth Schwartz (1997). A Social History of American Technology (sa wikang Ingles). New York: Oxford University Press. p. 179. ISBN 0-19-504605-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)