Kraken
Ang Kraken (bigkas: /ˈkreɪkən/ or IPA: /ˈkrɑːkən/)[1] ay isang higanteng maalamat na halimaw ng dagat na sinasabing namumuhay sa mga baybayin ng Norway at Iceland. Ang laki nito at nakakatakot na itsura ay ang dahilan kung bakit nakikita ito sa maraming likhang kathang-isip na nagkukuwento ng mga halimaw na galing sa karagatan. Ang alamat ng Kraken ay maaaring dahil sa pagkakita ng mga totoong higanteng pusit na maaaring lumaki hanggang 13–15 m (40–50 talampakan) sa haba, kasama na ang mga galamay.[2][3] Ang mga higanteng pusit ay matatagpuan sa mga kalaliman ng karagatan ngunit maari silang umahon at napgalamang umaatake ng mga barko.[4]
Sa makabagong Aleman, ang Krake (pangtangi at pangmaramihan: Kraken) ay tumutukoy sa pugita ngunit maaari ring tumukoy sa maalamat na Kraken.[5]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Oxford English Dictionary (ika-Second (na) edisyon). Oxford, England: Oxford University Press. 1989.
- ↑ O'Shea, S. 2003. "Giant Squid and Colossal Squid Fact Sheet". The Octopus News Magazine Online.
- ↑ Boyle, Peter; Rodhouse, Paul (2005). "The search for the giant squid Architeuthis". Cephalopods: Ecology and Fisheries. Oxford, England: Blackwell. p. 196. ISBN 0632060484.
- ↑ Marx, Christy (2004). Life in the Ocean Depths. New York: Rosen. pp. 35. ISBN 082393988X.
- ↑ Terrell (1999)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.