Kristiyanismo sa Asya
Nagsimula ang Kristiyanismo sa Asya simula pa noong buhay pa si Hesus. Nanirahan at nagturo siya noong unang siglo KP sa lalawigan ng Judea sa Imperyong Romano (ngayo'y Israel at Palestina). Matapos ng kanyang kamatayan, ipinagpatuloy ng mga apostol niya ang pangangaral sa mga karatig-lugar, simula sa Lebante at sa mga lungsod ng Herusalem at Antiokia. Kalaunan, umabot ito hanggang sa tangway ng India at sa Tsina. Gayunpaman, unti-unting nahati ang relihiyon dahil sa samu't saring interpretasyon sa teolohiya. Kabilang sa mga kumalas sa pangunahing sekta ng relihiyon ang Nestorianismo, na nagsimula nang patalsikin ng mga arsobispo sa Unang Konsilyo sa Epeso noong 431 KP ang arsobispo noon ng Konstantinopla na si Nestorio. Ang partikular na sektang ito ang unang lumaganap sa kontinente ng Asya, nang nakaabot ito sa Gitnang Asya hanggang sa Tsina at sa Imperyong Mongol sa Malayong Silangan noong 1300s. Gayunpaman, di nagtagal ang mabuting pakikitungo nito, at nakaranas ang relihiyon ng persekusyon mula sa mga sumunod dinastiya at imperyo sa lugar. Noong Panahon ng Pagtuklas, unang dumating ang Kristiyanismo sa Pilipinas. Umabot din ang relihiyon sa Korea noong 1700s papuntang 1800s.
Pilipinas ang nangungunang bansa sa Asya pagdating sa dami ng mga Kristiyano, na tinatayang nasa 84 milyon. Samantala, Silangang Timor naman ang nangunguna sa bahagdan ng populasyon na Kristiyano, na nasa 99.6%. Malaki rin ang populasyon ng mga Kristiyano sa Siberia ng Rusya, sa Armenya, ang unang bansang Kristiyano, at gayundin sa Tsipre at Heorhiya. Nananatili pa rin isang malaking isyu ang persekusyon sa mga Kristiyano sa kontinente, lalo na sa Tsina, India, Gitnang Silangan, at Hilagang Korea.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang Kristiyanismo bilang isang sekta ng Judaismo sa Asya, partikular na sa Lebante.[1] Ang pangunahing tauhan ng relihiyon ay si Hesus, na nanirahan sa ngayo'y Israel at Palestina noong nang siglo KP. Matapos niyang mamatay noong tinatayang 33 KP, ipinagpatuloy ng mga apostol niya ang mga pangangaral niya.[2] Kalaunan, lumaganap ang relihiyon sa Imperyong Romano at sa mga karatig-lugar nito. Bagamat nakaranas ang mga unang tagasunod nito ng mga persekusyon mula sa mga Romano, naging pambansang relihiyon ito ng imperyo simula noong panahon ni Dakilang Konstantino.[2] Naging pambansang relihiyon din ito ng Armenya noong 301 KP.[3]
Ang pagkakaiba sa teolohiya ng relihiyon ang naging dahilan upang unti-unting mahati ito sa mga sekta. Sinubukang amyendahan ang mga ito sa pamamagitan ng pagtawag sa mga konsilyo. Gayunpaman, hindi nito napigilan ang paghihiwalay ng dalawang simbahan noong 1054 KP.[4] Isa sa mga sektang ito ang Nestorianismo, isang sektang sinimulan ng arsobispo ng Konstantinopla na si Nestorio at umusbong bilang resulta ng Unang Konsilyo ng Epeso noong 431 KP.[5][6] Ang partikular na sektang ito ang naging dominanteng uri ng Kristiyanismo na kumalat sa Asya, kahit na itinuring itong erehe ng mga simbahan sa Kanluran.[5]
Dumating ang Nestorianismo sa Gitnang Asya noong mga bandang 600s, kung saan nagtagumpay itong maging relihiyon ng lugar sa mahaba-habang panahon.[5] Umabot ito sa kapitbahay nitong Tsina, kung saan payapang lumaganap ito sa ilang mga komunidad sa loob ng imperyo. Bagamat hindi tiyak ng mga historyador ngayon kung gaano kalaki ang mga komunidad na ito, ipinagpapalagay nila na sapat ang laki nito upang kilalanin sila mismo ng mga emperador noong panahon na yon. Matibay na ebidensiya nito ang Estelang Nestoriano na itinayo sa Chang'an, ang kabisera ng Dinastiyang Tang.[6] Sa batong ito nakatala ang isang paglalarawan sa mga komunidad na Kristiyano sa lugar, at inilalarawan ang pagdating ng isang pari na si Alopen sa korte ng emperador na si Taizong ng Tang, kung saan malugod nila itong tinanggap.[7]
Hindi nagtagal ang mabuting pakikitungo na ito sa mga Kristiyano sa Tsina. Kalaunan, nakaranas ang mga komunidad na ito ng persekusyon mula sa imperyo.[8] Gayunpaman, nang sinakop ng mga Mongol ang Tsina noong huling bahagi ng 1100s papuntang 1200s, lumaganap muli ito nang mapayapa.[5] Kilala ang mga Mongol sa kanilang di-pakikialam sa mga relihiyon at paniniwala ng kanilang nasasakupan. Halimbawa nito ang kaso ni Genghis Khan, ang nagtatag sa Imperyong Mongol, na isang shamanista, pero pumayag sa pagkasal sa mga anak niya sa mga Kristiyanong prinsesa ng ibang mga tribo.[9] Dahil dito, naging maimpluwensiya sa politika ng imperyo ang mga Kristiyano, na humantong sa pagkonsidera ng ilang mga bansang Europeo na Kristiyano, partikular na ang Kaharian ng Pransiya, sa posibilidad ng isang alyansa sa naturang imperyo upang labanan ang mga Muslim sa nagpapatuloy na Krusada noon.[10] Wala sa mga planong ito ang naisakatuparan. Gayunpaman, patuloy na nagpadala ang Santo Papa ng mga espirituwal na gabay sa Imperyong Mongol bilang tugon sa mga hiling ng korte ng imperyo. Nagpatuloy ito hanggang noong 1362, nang matagumpay na napatalsik ng mga Tsino ang mga Mongol at itinatag ang Dinastiyang Ming.[8] Pinatalsik kalaunan ng mga Tsino ang mga Kristiyano simula noong 1368.
Hindi uusad muli ang pagkalat ng relihiyon sa kontinente nang may kalakihan hanggang noong pagdating ng manlalakbay na Portuges na si Ferdinand Magellan sa Kabisayaan sa Pilipinas noong 1521. 2,000 katutubo, kabilang na si Rajah Humabon ng Sugbu (ngayo'y Cebu), ang nagpabinyag sa kanila.[11] Gayunpaman, napatay si Magellan sa Labanan sa Mactan sa kamay ng mga tauhan ni Lapulapu, ang datu ng Mactan noong panahong yon. Itinatag ng mga sumunod na Espanyol sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi ang modernong lungsod ng Cebu at Maynila, na nagsilbing sentro ng pagkalat ng Katolisismo sa bansa simula noong 1565.[11][12]
Samantala, noong 1784 unang naitalang nakarating ang Kristiyanismo sa tangway ng Korea, nang nagpabinyag sa Tsina noong 1784 si Yi Sung-hun sa pangalang Kristiyano na Pedro.[13] Ipinalaganap niya ang relihiyon sa Korea, at bininyagan ang marami sa mga tagasunod niya. Nanatili ang relihiyon sa lugar na may malaki-laking populasyon at walang pormal na misyon mula sa kahit anong sekta, hanggang noong 1836, nang dumating ang mga paring Pranses sa lugar upang mangaral.[14] Gayunpaman, nakaranas pa rin ang mga Kristiyano sa lugar ng persekusyon mula sa Dinastiyang Joseon dahil sa pagtanggi nila sa pagsamba sa relihiyon ng mga ninuno nila. Noong 1866, naganap ang pinakamalaking persekusyon sa mga Kristiyano sa Korea, kung saan 8,000 Koreanong Katoliko ang ipinapatay.[13] Pinakasikat sa mga ito ang 103 martir, kasama na si Andrew Dae-gun Kim, ang unang paring Koreano, na ginawang mga santo ni Juan Pablo II noong 1984.[13]
Sa kasalukuyang panahon, nananatiling dominante ang Kristiyanismo sa Pilipinas at Silangang Timor. Malaki rin ang bahagdan ng mga Kristiyano sa populasyon ng Tsipre, Rusya, Armenya, at Heorhiya. Bagamat sinisiguro ng maraming bansa sa Asya ang proteksyon ng Kristiyanismo at iba pang mga relihiyon laban sa diskriminasyon, nananatili pa ring isyu ang persekusyon sa mga Kristiyano sa maraming lugar sa kontinente, lalo na sa Gitnang Silangan, Tsina, India, at Hilagang Korea.[15][16]
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gitnang Asya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bansa | Kabuuan (pop) | Mga Kristiyano (%) | Mga Kristiyano (pop) |
---|---|---|---|
Kasakistan | 19,200,000 | 26.0%[17] | 4,992,000 |
Kirgistan | 6,000,000 | 7.0%[18] | 420,000 |
Tayikistan | 9,000,000 | 0.7%[19] | 65,300 |
Turkmenistan | 5,600,000 | 1.2%[20] | 67,300 |
Usbekistan | 35,000,000 | 1.0%[21] | 347,000 |
Gitnang Asya | 74,800,000 | 7.79% | 5,824,300 |
Kanlurang Asya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bansa | Kabuuan (pop) | Mga Kristiyano (%) | Mga Kristiyano (pop) |
---|---|---|---|
Armenya | 3,000,000 | 91.0%[22] | 2,730,000 |
Aserbayan | 10,300,000 | 3.0%[23] | 309,000 |
Bareyn | 1,700,000 | 10.2%[24] | 173,400 |
Emiratos | 9,900,000 | 9.0%[25] | 891,000 |
Heorhiya | 4,900,000 | 87.3%[26] | 4,277,700 |
Hordanya | 10,900,000 | 2.1%[27] | 228,900 |
Irak | 39,700,000 | 0.6%[28] | 250,000 |
Iran | 85,900,000 | 0.1%[29] | 117,700 |
Israel | 8,800,000 | 2.0%[30] | 176,000 |
Katar | 2,500,000 | 13.1%[31] | 327,500 |
Kuwait | 4,600,000 | 18.0%[32] | 828,000 |
Libano | 5,300,000 | 32.0%[33] | 1,696,000 |
Oman | 4,500,000 | 4.0%[34] | 180,000 |
Palestina | 6,000,000 | 1.7%[35] | 102,000 |
Saudi | 34,800,000 | 6.0%[36] | 2,100,000 |
Siria | 20,400,000 | 10.0%[37] | 2,040,000 |
Tsipre | 1,300,000 | 94.8%[38] | 1,232,400 |
Turkiya | 82,500,000 | 0.2%[39] | 175,500 |
Yemen | 26,000,000 | 0.2%[40] | 41,000 |
Kanlurang Asya | 363,000,000 | 4.92% | 17,876,100 |
Silangang Asya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bansa | Kabuuan (pop) | Mga Kristiyano (%) | Mga Kristiyano (pop) |
---|---|---|---|
Hapon | 124,700,000 | 1.5%[41] | 1,900,000 |
Hong Kong | 7,300,000 | 16.5%[42] | 1,204,000 |
Hilagang Korea | 25,800,000 | 1.6%[43] | 400,000 |
Timog Korea | 51,700,000 | 27.7%[44] | 14,331,240 |
Macau | 630,000 | 7.0%[45] | 44,100 |
Mongolia | 3,300,000 | 1.3%[46] | 43,125 |
Taiwan | 23,600,000 | 6.8%[47] | 1,604,800 |
Tsina | 1,400,000,000 | 5.1%[48] | 71,400,000 |
Silangang Asya | 1,637,030,000 | 5.55% | 90,927,265 |
Timog Asya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bansa | Kabuuan (pop) | Mga Kristiyano (%) | Mga Kristiyano (pop) |
---|---|---|---|
Apganistan | 37,500,000 | 0.03%[49] | 12,000 |
Banglades | 164,100,000 | 0.7%[50] | 1,100,000 |
Butan | 857,000 | 3.5%[51] | 30,000 |
India | 1,300,000,000 | 2.3%[52] | 29,900,000 |
Maldibas | 391,000 | 0.4%[53] | 1,400 |
Nepal | 30,400,000 | 1.4%[54] | 425,600 |
Pakistan | 238,200,000 | 1.6%[55] | 3,811,200 |
Sri Lanka | 23,000,000 | 7.4%[56] | 1,702,000 |
Timog Asya | 1,794,448,000 | 2.06% | 36,982,200 |
Timog-silangang Asya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bansa | Kabuuan (pop) | Mga Kristiyano (%) | Mga Kristiyano (pop) |
---|---|---|---|
Biyetnam | 102,000,000 | 6.6%[57] | 6,761,000 |
Brunei | 471,000 | 8.7%[58] | 40,977 |
Indonesia | 275,100,000 | 9.9%[59] | 27,234,900 |
Kamboya | 16,500,000 | 2.4%[60] | 396,000 |
Laos | 7,600,000 | 2.8%[61] | 212,800 |
Malasya | 33,500,000 | 9.2%[62] | 3,082,000 |
Myanmar | 57,100,000 | 6.0%[63] | 3,426,000 |
Pilipinas | 110,800,000 | 88.5%[64] | 98,058,000 |
Singapura | 5,900,000 | 12.8%[65] | 756,000 |
Taylandiya | 69,500,000 | 1.13%[66] | 785,350 |
Silangang Timor | 1,400,000 | 99.6%[67] | 1,394,400 |
Timog-silangang Asya | 679,871,000 | 20.91% | 142,147,427 |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Hogg, William Richey. "Christianity" [Kristiyanismo]. Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Christianity" [Kristiyanismo]. History (sa wikang Ingles). 3 Agosto 2021. Nakuha noong 28 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Santos, Amanda Proença; Contreras, Rodolfo (7 Abril 2017). "The world's first Christian country?" [Ang unang bansang Kristiyano sa mundo?]. BBC Travel (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "East-West Schism" [Paghahating Silangan-Kanluran]. Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 "Nestorianism" [Nestorianismo]. Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Chapman, John (1911). "Nestorius and Nestorianism" [Si Nestorio at ang Nestorianismo]. The Catholic Encyclopedia (sa wikang Ingles). Lungsod ng New York, Estados Unidos: Robert Appleton Company. Nakuha noong 30 Disyembre 2022 – sa pamamagitan ni/ng New Advent.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Qingsheng, Meng; Yang, Li (19 Mayo 2019). "Nestorian stone tablet traces early Christianity in China" [Tinutunton sa tabletang batong Nestoriano ang maagang [bahagi ng kasaysayan ng] Kristiyanismo sa Tsina]. CGTN. Nakuha noong 30 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Fang, Serene. "A Brief History of Christianity in China" [Isang Maiksing Kasaysayan ng Kristiyanismo sa Tsina]. PBS (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Disyembre 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Weatherford, Jack (2004). Genghis Khan and the Making of the Modern World [Si Genghis Khan at ang Paggawa sa Modernong Mundo] (sa wikang Ingles). Three Rivers Press. ISBN 0-609-80964-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Grousset, René (2006). Histoire des Croisades III, 1188-1291 [Kasaysayan ng Ikatlong Krusada, 1188-1291] (sa wikang Pranses). Editions Perrin. ISBN 978-2-262-02569-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 Niles, Randall (23 Setyembre 2021). "Christian History of the Philippines" [Kasaysayan ng Kristiyanismo sa Pilipinas]. Drive Thru History (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Miller, Jack. "Religion in the Philippines" [Relihiyon sa Pilipinas]. Asia Society (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 13.2 Rozario, Rock Ronald (10 Setyembre 2021). "Centuries-old remains of first Korean Catholic martyrs recovered" [Narekober na ang mga siglo na'ng katawan ng mga unang Katolikong martir ng Korea]. Union of Catholic Asian News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "St. Andrew Kim Taegon (Korean)" [San Andres Kim Taegon (Koreano)]. Archbishop of Chicago (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shellnutt, Kate (16 Enero 2019). "Asia Rising: The Top 50 Countries Where It's Hardest to Follow Jesus" [Asya Umaangat: Ang 50 Bansa Kung Saan Pinakamahirap Sundan si Hesus]. Christianity Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McDermid, Charles (18 Enero 2019). "Christians in Asia: persecuted, oppressed … but keeping the faith" [Mga Kristiyano sa Asya: inuusig, inaapi ...pero pinapanatili [pa rin] ang pananampalataya]. South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Kazakhstan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Kasakistan]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 2 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Kyrgyz Republic [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Republikang Kirgis]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 2 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tajikistan" [Tayikistan]. Open Doors UK (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Enero 2023. Nakuha noong 2 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Turkmenistan". Open Doors UK (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Enero 2023. Nakuha noong 2 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Uzbekistan" [Usbekistan]. Open Doors UK (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Armenia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Armenya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Azerbaijan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Aserbayan]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Bahrain [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Bareyn]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: United Arab Emirates [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Emiratos]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Georgia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Heorhiya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Jordan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Hordanya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Iraq [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Irak]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Iran [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Iran]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Israel [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Israel]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Qatar" [Katar]. Open Doors UK (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Enero 2023. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Kuwait [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Kuwait]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Lebanon [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Libano]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Oman". Open Doors UK (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Enero 2023. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Younes, Ali (27 Disyembre 2017). "Israel behind 'Christian exodus' from Palestine" [Israel ang nasa likod ng 'pag-alis ng mga Kristiyano' mula sa Palestina]. Al Jazeera (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Saudi Arabia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Saudi]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Syria [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Siria]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Cyprus [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Tsipre]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Turkey [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Turkiya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wille, Belkis (10 Mayo 2016). "Christians Among The Victims in an Unstable Yemen" [Mga Kristiyano ang ilan sa mga Biktima ng isang Di Mapanatag na Yemen]. Human Rights Watch (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Japan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Hapon]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: China—Hong Kong [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Tsina—Hong Kong]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2021. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "North Korea" [Hilagang Korea]. Open Doors UK (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Enero 2023. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: South Korea [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Timog Korea]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: China—Macau [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Tsina—Macau]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Mongolia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Mongolia]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Taiwan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Taiwan]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: China (Includes Tibet, Xinjiang, Hong Kong, and Macau) [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Tsina (Kasama Tibet, Xinjiang, Hong Kong, at Macau)]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Taliban Say No Christians Live in Afghanistan; US Groups Concerned" [Wala na daw Kristiyanong Naninirahan sa Apganistan, Sabi ng Taliban; Nag-aalala ang mga Grupo sa Amerika]. Voice of America (sa wikang Ingles). 16 Mayo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bangladesh" [Banglades]. Open Doors UK (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Enero 2023. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Bhutan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Butan]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: India [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: India]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wilfred, Felix (2014). The Oxford Handbook of Christianity in Asia [Ang Handbook ng Kristiyanismo sa Asya ng Oxford] (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 45. ISBN 9780199329069.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Nepal [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Nepal]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Pakistan [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Pakistan]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Sri Lanka [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Sri Lanka]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Vietnam [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Biyetnam]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Brunei [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Brunei]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Indonesia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Indonesia]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Cambodia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Kamboya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Laos [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Laos]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Malaysia [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Malasya]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Burma [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Burma]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Philippines [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Pilipinas]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Singapore [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Singapura]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Population by religion, region and area, 2018" [Populasyon ayon sa relihiyon, rehiyon, at lugar, 2018]. National Statistics Office (Taylandiya). Inarkibo mula sa orihinal (XLS) noong 24 Abril 2021. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2021 Report on International Religious Freedom: Timor-Leste [Ulat noong 2021 ukol sa Pandaigdigang Kalayaan sa relihiyon: Timor-Leste]. U.S. Department of State (Ulat) (sa wikang Ingles). Office of International Religious Freedom. 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 3 Enero 2023.
{{cite report}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Link sa labas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "The Persecution of Oriental Christians, what answer from Europe?" [Ang Persekusyon sa mga Kristiyanong Oriental, anong sagot mula sa Europa?] (PDF) (sa wikang Ingles). European Centre for Law and Justice. 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)