Lancelot
Si Sir Lancelot, na binabaybay din bilang Launcelot, ay isang tauhan sa alamat ni Haring Arturo, at isang Kabalyero ng Mesang Bilog. Siya ang isa sa pinaka pinagkakatiwalaang mga kabalyero ng Bilog na Mesa ni Haring Arturo, subalit dagliang nagbago ang katayuang ito nang umibig siya sa asawa ni Haring Arturo na si Reyna Guinevere. Si Ginoong Lancelot ay pinalaki ng Babae ng Lawa, kaya't nakikilala rin siya sa pamagat na Lancelot du Lac sa wikang Pranses, na katumbas ng Lancelot of the Lake sa wikang Ingles, at mayroong kahulugang si Lancelot ng Lawa. Si Lancelot lamang ang tanging kabalyerong nalalaman na nakagapi kay Haring Arturo habang nagaganap ang isang paligsahan ng jousting.
Malaki ang naging gampanin ni Lancelot sa maraming naging pananagumpay ni Haring Arturo. Mayroon din siyang gampanin sa paghahanap ng Banal na Kopita.[1] Siya rin ang naging pinakamatapat na kaibigan ng pamangking lalaki ni Haring Arturo na si Sir Gawaine.[2] Ang una niyang paglitaw bilang isang pangunahing tauhan sa panitikan ay ang sa Le Chevalier de la Charette, o "Lanzarote, ang Kabalyero ng Kareta" ("Lancelot, the Knight of the Cart") na isinulat ni Chrétien de Troyes, na isinulat noong ika-12 daantaon.[3] Noong ika-13 daantaon, siya pangunahing pinagtuonan ng pansin sa Siklong Vulgata, kung saan ang kaniyang maningning na mga gawain at katapangan ay muling isinalaysay sa seksiyon na nakikilala bilang Prosang Lancelot ("Tuluyang Lanzarote").[1] Ang buhay at mga pakikipagsapalaran ni Lancelot ay natampok sa ilang mga romansang panggitnang kapanahunan (midyebal), na kadalasang mayroong nagsasalungatang mga kuwentong pangnakaraan at mga tanikala ng mga pangyayari.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Sir Lancelot, Biography : Lancelot
- ↑ Pyle, Howard (1993). King Arthur and the Knights of the Round Table. New York City, New York: Waldman Publishing Corporation. pp. 238. ISBN 0-86611-982-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sir Lancelot sa Internet
Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.