Linyang Agatsuma
Linyang Agatsuma | |||
---|---|---|---|
Buod | |||
Lokasyon | Prepektura ng Gunma | ||
Hangganan | Shibukawa Ōmae | ||
(Mga) Estasyon | 18 | ||
Operasyon | |||
Binuksan noong | 1945 | ||
(Mga) Nagpapatakbo | JR East | ||
Teknikal | |||
Haba ng linya | 55.6 km (34.5 mi) | ||
Luwang ng daambakal | 1,067 mm (3 ft 6 in) | ||
Pagkukuryente | 1,500 V DC overhead catenary | ||
|
Ang Linyang Agatsuma (吾妻線 Agatsuma-sen) ay isang lokal na linyang daangbakal sa Gunma, Hapon, at bahagi ng East Japan Railway Company (JR East). Habang binabaybay ang Ilog Agatsuma, tumatakbo ito sa layong 55.6 km sa pagitan ng Estasyon ng Shibukawa at Ōmae.
Bagaman ang opisyal na simula ng linya ay sa Shibukawa, dumadaan ang lahat ng tren sa pamamagitan ng Linya ng Jōetsu mula/patungong Takasaki.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagbukas ang Linyang Agatsuma noong 1945 at tumatakbo mula Shibukawa hanggang Naganohara-Kusatsuguchi. Humaba ang linya patungong Ōmae noong 1971. Binuksan naman ang pinakabagong estasyon, ang Onogami-Onsen, noong 1992.
Mga lugar na interes
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kilala ang Linyang Agatsuma sa napakaraming onsen habang binabaybay ang ruta. Ang kilalang mainit na batis sa Kusatsu ay may kalapitan sa hilaga ng linya, subalit mas dinadayo ang ilang rural na onsen tulad na lamang ng makikita sa Shima, Sawatari, Kawarayu, at Shiriyaki.
Makikita rin sa Linyang Agatsuma ang Bundok Asama, Bundok Kusatsu-Shirane, at ang Kanyon ng Agatsuma.
Makikita rin sa linyang ito ang pinakamaikling lagusang pang-daangbakal sa Hapon, ang Lagusang Tarusawa.
Mga estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Estasyon | Wikang Hapon | Layo(km) | Paglipat | Lokasyon | ||
---|---|---|---|---|---|---|
Sa pagitan ng estasyon |
Kabuuan | |||||
Shibukawa | 渋川 | 0.0 | Linyang Jōetsu (gumagawi sa Takasaki ang lahat ng tren) | Shibukawa | Gunma | |
Kanashima | 金島 | 5.5 | 5.5 | |||
Ubashima | 祖母島 | 2.2 | 7.7 | |||
Onogami | 小野上 | 4.2 | 11.9 | |||
Onogami-Onsen | 小野上温泉 | 1.8 | 13.7 | |||
Ichishiro | 市城 | 2.3 | 16.4 | Nakanojō, Distritong Agatsuma | ||
Nakanojō | 中之条 | 3.4 | 19.8 | |||
Gunma-Haramachi | 群馬原町 | 3.1 | 22.9 | Higashiagatsuma, Distritong Agatsuma | ||
Gōbara | 郷原 | 3.4 | 26.3 | |||
Yagura | 矢倉 | 1.7 | 28.0 | |||
Iwashima | 岩島 | 5.5 | 30.5 | |||
Kawarayu-Onsen | 川原湯温泉 | 5.9 | 36.4 | Naganohara, Distritong Agatsuma | ||
Naganohara-Kusatsuguchi | 長野原草津口 | 5.9 | 42.3 | |||
Gunma-Ōtsu | 群馬大津 | 2.2 | 44.5 | |||
Haneo | 羽根尾 | 2.2 | 46.7 | |||
Fukurogura | 袋倉 | 2.9 | 49.6 | Tsumagoi, Distritong Agatsuma | ||
Manza-Kazawaguchi | 万座・鹿沢口 | 2.9 | 52.5 | |||
Ōmae | 大前 | 3.1 | 55.6 |
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Harris, Ken and Clarke, Jackie. Jane's World Railways 2008-2009. Jane's Information Group (2008). ISBN 0-7106-2861-7
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Websayt ng JR East (sa Hapones)