Lupain ng Punt
- Basahin din ang Puntland.
Ang Lupain ng Punt, o Pwenet at Pwene[1] para sa sinaunang mga Ehipto, na minsan ding nagiging katumbas ng Ta netjer, ang "lupain ng diyos"[2] ay isang maalamat na pook sa Sungay ng Aprika. Kilala ito sa paggawa at pagluluwas ng ginto[3], mga aromatikong resin o dagta, Aprikanong itim na kahoy, kamagong, garing[3], mga panimpla[3], mga alipin, at mababangis na mga hayop.[4] Natagpuan sa mga talaan ng sinaunang Ehipto ang kabatiran hinggil sa mga misyon ng pangangalakal sa rehiyong ito. Kabilang sa mga ito ang dalawang ekspedisyong pandagat, sa halip na sa pamamagitan ng paglalakbay sa lupa, na ipinadala ng mga sinaunang pinuno ng Ehiptong sina Mentohotep III at Reyna Hatshepsut. Sa ngayon, ito ang kinalalagyan ng pangkasalukuyang Etiyopiya, Djibouti, at Somalya.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ian Shaw at Paul Nicholson, The Dictionary of Ancient Egypt, Palimbagan ng Museo ng Britanya, Londres. 1995, pahina 231.
- ↑ Breasted, John Henry (1906-1907), Ancient Records of Egypt: Historical Documents from the Earliest Times to the Persian Conquest, tinipon, pinatnugutan, at isinalinwika, may kumentaryo, pahina 433, tomo 1
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Land of Punt, Mentohotep III, Queen Hatshepsut, Who Sent a Trading Expedition to the Land of Punt". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), (...) "It was rich in gold, ivory, and spices, pahina 12. - ↑ Shaw at Nicholson, pahina 231.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Ehipto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.