Maslenitsa
Maslenitsa (Масленица) | |
---|---|
Ipinagdiriwang ng | Mga pamayanang Ruso, Ukranyano, Bulgaro, at Kazahstano sa buong mundo. |
Kahalagahan | Ang huling linggo bago ang Dakilang Mahal na Araw |
Mga pagdiriwang | Pagkain ng bliny o blintz (uri ng bunyuelos), labanan ng bolang niyebe, paggamit ng paragos o karetang pangniyebe. |
2025 date | |
Kaugnay sa | Mardi Gras |
Ang Maslenitsa (Ruso: Ма́сленица, Ukranyo: Масниця, Biyeloruso: Масьленіца, Maślenica, na tinatawag ding Linggo ng Mantikilya o Butter Week sa Ingles, Linggo ng Bunyuelos o Pancake Week sa Ingles, o Linggo ng Pagkain ng Keso o Cheesefare Week), ay isang pistang bayan o araw ng pangilin sa Rusya, Ukraine, at Belarus.[1] Ipinagdiriwang ito tuwing huling linggo bago ang Dakilang Kuwaresma, iyong ikapitong linggo bago ang Paskuwa. Tumutugma ang Maslenitsa sa Karnibal ng Kanluraning Kristiyanismo, maliban na lamang sa ang Kuwaresma ng Simbahang Ortodokso ay nagsisimula sa isang araw ng Lunes na tinatawag na Malinis na Lunes sa halip na tuwing Miyerkules Santo. Ang petsa ng Pasko ng Pagkabuhay sa Simbahang Ortodokso ay maaaring kaibang-kaiba mula sa petsa ng Kanluraning Kristiyanismo. Noong 2008, halimbawa na, ang Maslenitsa ay ipinagdiwang magmula Marso 2 hanggang Marso 8, at noong 2012 ito ay ipinagdiwang mula Pebrero 20 hanggang Pebrero 26.
Ang Maslenitsa ay mayroong simulain mula sa mga kaugaliang pagano at Kristiyano. Sa mitolohiyang Islabiko, ang Maslenitsa ay isang pestibal ng araw, na nagdiriwang ng napipintong pagtatapos ng panahon ng taglamig.
Sa gawi ng mga Kristiyano, ang Maslenitsa ay ang huling linggo bago ang pagsisimula ng Dakilang Kuwaresma. Sa panahon ng linggo ng Maslenitsa, ang pagkain ng karne ay ipinagbabawal na sa mga Kristiyanong Ortodokso, kung kaya't ito ay nagiging isang myasopustnaya nedelya (Ruso: мясопустная неделя, na nangangahulugang "linggong walang karne" o "linggo ng hindi pagkain ng karne". Ito ang huling linggo kung kailan pinapayagan pa ang pagkain ng gatas, keso, at iba pang produktong mula sa gatas, na humahantong sa dahilan ng pagpapangalan din sa linggong ito bilang "Linggo ng Pagkain ng Keso" o "Linggo ng Bunyuelos". Sa panahon ng Kuwaresma, ang pagkain ng karne, isda, mga produktong mula sa gatas, at mga itlog ay ipinagbabawal. Bilang dagdag pa, inihihiwalay din sa panahon ng Kuwaresma, na isang panahong pang-espiritu, ang mga handaan, tugtuging sekular, pagsasayaw at iba pang mga uri ng paglilibang. Kung kaya, ang Maslenitsa ay kumakatawan sa huling pagkakataon o tiyansa na makilahok sa pagkonsumo ng mga produktong nagbuhat sa gatas at sa mga gawaing panlipunan na hindi angkop habang nagaganap na ang mas mapampanalangin, mahinahon, at introspektibong panahon ng Kuwaresma.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Maslenitsa". National Today. Nakuha noong 9 Pebrero 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.