Pumunta sa nilalaman

Matematiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Euclid (hawak ang isang kalibre) ay isang matematikong Griyego na kilala bilang "Ama ng Heometriya"

Ang isang matematiko ay isang taong gumagamit ng malawak na kaalaman sa matematika sa kanyang trabaho, kadalasa'y para lumutas ng mga problemang pang-matematika. Ang matematika ay tungkol sa mga numero, datos, dami, estruktura, kalawakan, modelo at pagbabago.

Isa sa mga unang nakilalang matematiko ay si Thales ng Miletus (halos 624 na taon hanggang 546 taon bago mabuhay si Kristo); siya ay hinirang na unang tunay na matematiko at unang kilalang indibiduwal na nai-ugnay sa isang matematikang pagkatuklas. Siya ay binigyan ng papuri dahil sa kanyang unang paggamit ng deduksyong pangangatuwiran na ginamit sa heometriya, sa pamamagamitan ng apat na resultang pahayag ng teorama ni Thales.

Ang bilang ng mga kilalang matematikon ay dumami noong itinayo ni Pythagoras ng Samos (halos 582 na taon hanggang 507 na taon bago mabuhay si Kristo) ang Paaralan ni Pythagoras, na may doktrina na ang matematika ang namamahala sa buong kalawakan at may moto na "Ang lahat ay numero." Ang mga tagasunod ni Pythagoras ang lumikha ng salitang "matematika" at nagpasimula ng pag-aaral ng matematika para sa sarili nitong kapakanan. 

Matematiko Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.