Mga Nakabiting Hardin ng Babilonya
Ang Nakabiting mga Hardin ng Babilonya ay isa sa Pitong mga Kamangha-mangha ng Sinaunang Daigdig at ang taning isa sa mga kamangha-mangha na maaaring purong maalamat. Ang mga ito ay pinagpapalagay na itinayo sa sinaunang siyudad-estado ng Lungsod ng Babilonya malapit sa kasalukuyang Al Hillah, probinsiyang Babil sa Iraq. Hindi lamang ang Nakabiting mga Hardin ang mga kamang-mangha sa Babilonya. Ang mga pader ng siyudad at obelisko na itinuro kay Reyna Semiramis ay itinanghal rin sa mga sinaunang talaan ng mga kamang-mangha.[1] Ang mga harding ito ay sinasabing itinayo ni Haring Nabucodonosor II upang palugurin ang kanyang nangungulila sa sariling bayang asawang si Amytis ng Media na nagnanais ng mga halaman ng kanyang bansang pinagmulan. [2] Ang mga hardin ay sinasabing winasak ng mga lindol pagkatapos ng ika-2 siglo BCE. Ang mga hardin ng Babilonya ay nadokumento ng mga manunulat na Griyego at Romano kabilang sina Strabo, Diodorus Siculus, at Quintus Curtius Rufus. Gayunpaman, walang mga tekstong kuneiporma na naglalarawan nito ay umiiral at walang ebidensiyang arkeolohkal sa kinaroroonan nito ay natagpuan. [3][4]
Inilarawan ng mga sinaunang manunulat ang posibleng paggamit ng isang tulad ng Archimedes screw na tulad na proseso upang patubigan ang mga nakaterasang mga hardin.[5] Estimates based on descriptions of the gardens in ancient sources say the Hanging Gardens would have required a minimum amount of 8,200 gallons (37,000 litres) of water per day.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Finkel (2008) pp. 19–20.
- ↑ Maureen Carroll, Earthly Paradises: Ancient Gardens in History and Archaeology, (London: British Museum Press, 2003), pp. 26–27 ISBN 0-89236-721-0.
- ↑ Finkel (1988) p. 58.
- ↑ Irving Finkel and Michael Seymour, Babylon: City of Wonders, (London: British Museum Press, 2008), p. 52, ISBN 0-7141-1171-6.
- ↑ 1. Strabo, ''Geographies'', XVI.1, § 5. Penelope.uchicago.edu. Retrieved on 2011-12-12.
- ↑ D. W. W. Stevenson (1992). "A Proposal for the Irrigation of the Hanging Gardens of Babylon". Iraq. 54: 51. JSTOR 4200351.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)