Monopolistikong kompetensiya
Ang monopolistikong kompetensiya ay isang uri ng di-perpektong kompetensiya na kung saan ang mga maraming prodyuser ay nagbebenta ng mga produkto na makikilala ang pagkakaiba mula sa iba pa (halimbawa, pagtatatak o kalidad) at sa gayon di-perpektong pamalit. Sa monopolistikong kompetensiya, kinukuha ng isang kompanya ang presyong binayad ng kanilang mga kalaban bilang nakatakda at hindi pinapansin ang sariling presyo sa presyo ng ibang kompanya.[1][2] Sa pagkakaroon ng pamahalaang pumipigil, nasa kategoryang monopolyong ginawaran ng pamahalaan ang mga ganitong monopolistikong kompetensya. Hindi tulad ng perpektong kompetensiya, nagpapanatili ang kompanya ng panghaliling kapasidad. Kabilang sa mga halimbawa sa aklat ng industriyang may kayariang merkado kapareho sa monopolistikong kompetensiya ang restawran, angkak, pananamit, sapatos, at mga industriyang serbisyo sa mga malalaking lungsod. Ang "unang ama" ng teoriya ng monopolistikong kompetensiya ay si Edward Hastings Chamberlin, na nagsulat ng unang aklat tungkol dito na Theory of Monopolistic Competition (1933).[3]
Ang mga merkadong may monopolistikong kompetensiya ay may mga sumusunod na mga katangian:
- May mga maraming prodyuser at maraming mamimili sa merkado, at walang kabuuang pagpipigil ang negosyo sa presyo sa merkado.
- Nauunawaan ng mga mamimili ang pakakaiba sa mga katangian maliban sa presyo ng mga produkto ng mga kompetensiya.
- May iilang hadlang lamang sa pagpasok at paglabas.[4]
- May antas sa pagpipigil ang mga prodyuser sa presyo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Krugman, Paul; Obstfeld, Maurice (2008). International Economics: Theory and Policy (sa wikang Ingles). Addison-Wesley. ISBN 0-321-55398-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Poiesz, Theo B. C. (2004). "The Free Market Illusion Psychological Limitations of Consumer Choice" (PDF). Tijdschrift voor Economie en Management (sa wikang Ingles). 49 (2): 309–338. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-03-07. Nakuha noong 2016-06-01.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Monopolistic Competition". Encyclopædia Britannica.
{{cite book}}
: Unknown parameter|chapterurl=
ignored (|chapter-url=
suggested) (tulong) - ↑ Gans, Joshua; King, Stephen; Stonecash, Robin; Mankiw, N. Gregory (2003). Principles of Economics. Thomson Learning. ISBN 0-17-011441-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)