Nike
Uri | Publiko |
---|---|
NYSE: NKE Dow Jones Industrial Average Component S&P 500 Component | |
Industriya | Kasuotan, mga accessories |
Itinatag | 1964 (bilang Blue Ribbon Sports)[1] 1971 (bilang Nike, Inc.) |
Nagtatag | Bill Bowerman Phil Knight |
Punong-tanggapan | Washington County, Oregon, Estados Unidos (malapit sa Beaverton, Oregon) |
Pinaglilingkuran | Buong daigdig |
Pangunahing tauhan | Phil Knight (Chairman) Mark Parker (Pangulo at CEO) |
Produkto | Kasuotang pangyapak at damit pampalakasan, kagamitan sa palakasan at iba pang mga produktong atletiko at panlibangan |
Kita | US$25.3 bilyon (FY 2013)[2] |
Kita sa operasyon | US$3.040 bilyon (FY 2012)[3] |
US$2.223 bilyon (FY 2012)[3] | |
Kabuuang pag-aari | US$15.465 bilyon (FY 2012)[3] |
Kabuuang equity | US$10.381 bilyon (FY 2012)[3] |
Dami ng empleyado | 44,000 (2012)[3] |
Website | nikeinc.com |
Ang Nike, Inc. (opisyal na binibigkas bilang NAY-ki, pero minsang binibigkas bilang nayk[4]) ay isang korporasyong multinasyonal na nakabase sa Amerika na nagdidisenyo, lumilinang, gumagawa at nagsasamerkado ng kasuotan, kagamitan at serbisyo na kalimitan ay may kinalaman sa palakasan. Nakabase ang kumpaniyang ito sa Beaverton, Oregon sa kalakhang Portland. Isa ito sa pinakamalaking tagatustos ng mga sapatos at damit pampalakasan[5] at malaking tagagawa ng mga kagamitang pampalakasan, na may kita ng lagpas ng US$24.1 bilyon sa taong piskal 2012 (nagtatapos sa 31 Mayo, 2012). Mayroon itong mahigit sa 44,000 mga trabahador sa buong mundo. Nagkakahalaga ang tatak lamang ng $10.7 bilyon, kaya isa ito sa mga tatak na may pinakamalaking halaga sa negosyo ng palakasan.[6]
Itinatag ang kumpaniyang ito noong 25 Enero, 1964, bilang Blue Ribbon Sports nina Bill Bowerman at Phil Knight, at opisyal itong naging Nike, Inc. noong 30 Mayo, 1971. Hinango ang pangalan ng kumpaniya mula kay Nike, (Griyego Νίκη, bigkas [nǐːkɛː]) isang Griyegong diyosa ng tagumpay. Sinasamerkado ng Nike ang mga produkto nito sa ilalim ng kaniyang sariling tatak, gaya ng Nike Golf, Nike Pro, Nike+, Air Jordan, Air Force 1, Nike Dunk, Foamposite, Nike Skateboarding at ang mga sangay nito tulad ng Brand Jordan, Hurley International at Converse. Pagmamay-ari din ng Nike ang Bauer Hockey (na pinangalan muli bilang Nike Bauer) sa pagitan ng 1995 at 2008, at dating nagmamay-ari sa Cole Haan at Umbro.[7] Liban sa mga kasuotan at kagamitan sa palakasan, nagpapatakbo din ang kumpaniya ng mga tindahan sa ilalim ng pangalang Niketown. Iniisponsor din ng Nike ang maraming mga sikat na atleta at mga koponan sa isports sa buong mundo, nay may kasamang mga kilalang-kilalang mga trademark na "Just Do It" (Gawin mo lang) at ang logong Swoosh.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Nikebiz : Company Overview : History : 1960s Naka-arkibo 2011-10-23 sa Wayback Machine., Nike, Inc., Nakuha noong Agosto 12, 2010.
- ↑ Nike, Inc. Reports Fiscal 2013 Fourth Quarter and Full Year Results, Transworld Business
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 "2012 Form 10-K, Nike, Inc". United States Securities and Exchange Commission.
- ↑ Collins, Paul (Mayo 29, 2014). "Nike IS pronounced Nikey, chairman of shoe giant finally confirms". Daily Mail. Nakuha noong 2012-06-05.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sage, Alexandria (Hunyo 26, 2008). "Nike profit up but shares tumble on U.S. concerns". Reuters. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-07. Nakuha noong 2008-07-10.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2008-10-07 sa Wayback Machine. - ↑ Schwartz, Peter (Pebrero 3, 2010). "The World's Top Sports Brands". Forbes. Nakuha noong 2012-06-04.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nike sells Bauer Hockey for $200 Million". The Sports Network. Pebrero 21, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-25. Nakuha noong 2008-06-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.