Panseksuwalidad
Ang Panseksuwalidad[1] ay isang kilalang termino na tumutukoy sa pakiramdam na ang isa ay mayroon nang potensiyal para sa sekswal na atraksiyon, sekswal na pagnanais, o romantikong pag-ibig, patungo sa mga tao ng lahat ng mga pagkakakilanlan ng kasarian at biyolohikal na kasarian.[2][3] Ang ilang umamin na mga taong panseksuwal - napupukaw ng kapwa kasarian, lalaki man o babae[4] - ay tinuturing ang kanilang sarili bilang "bulag sa kasarian"—na ang kasarian at seks ay hindi gaanong mahalaga o hindi kaugnay sa pagtukoy kung naaakit sila sa iba sa seksuwal na paraan.[5] Ayon sa Oxford English Dictionary, ang pansexuality ay lumalagos sa lahat ng mga uri ng seksuwalidad; na hindi nakahangga o napipigilan sa pagpiling seksuwal na may kaugnayan sa kasarian o gawain." [6] Maari ding maging ibig sabihin ng panseksuwalidad ang pagiging naaakit sa tao dahil sa kaniyang personalidad, sa halip na sa kanilang pisikal na anyo o kasarian.
Ang konsepto ng panseksuwalidad ay sadyang tumatanggi sa ideya na may dalawa lamang na kasarian,[7] bilang tanggap ng mga panseksual ang pagkakaroon ng relasyon sa mga taong hindi istrikto o mahigpit sa pagkilala bilang lalake o babae lamang.[8]
Kung ikukumpara sa biseksuwalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang isang literal na pangdiksyunaryong kahulugan ng biseksuwalidad, dahil sa ang unhalip na bi-, ay seksuwal o romantikong pagkaakit sa dalawang mga kasarian (sa mga lalaki at mga babae).[9] Gamit ang ganitong kahulugan ng biseksuwalidad, ang panseksuwalidad ay naiiba sa biseksuwalidad dahil kasama ang mga tao na hindi kasama sa binaryong o pandalawahang kasarian. Ang ilang mga aminadong biseksual na tao ay tumututol sa pagkakaibang ito, at ipinapahayag na dahil ang pagiging biseksual ay hindi lamang tungkol sa pagkaakit sa dalawang kasarian, ito ay maaaring isama ang pagkaakit sa higit sa dalawang kasarian, dahil ang "kasarian" ay isang mas kumplikadong paksa; halimbawa, ang mga kasariang lubos na katulad ng bawat isa.[10]
Bandila ng Dangal na Panseksuwal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bandila Dangal na Panseksuwal o Pansexual Pride na ipinapakita sa kanan ay lumitaw sa a iba't-ibang mga sityo sa Internet mula noong kalagitnaan ng 2010. Ang tono ng maliwanag na kulay rosas (notasyon ng html: # ff218c) na ipinapakita sa itaas na guhit sa bandila ay kumakatawan sa mga taong kilala bilang makababaeng kasarian (anuman ang kanilang kasariang pambiyolohiya), ang tono ng maliwanag na asul (notasyon ng html: # 0094ff) na ipinapakita sa nasa pang-ibabang guhit ng bandila ay kumakatawan sa mga taong kilala bilang makalalaking kasarian (anuman ang kanilang kasariang pambiyolohiya), at ang ginintuang kulay (notasyon ng html: # ffd800) na ipinapakita sa gitna ng guhit sa bandila ay kumakatawan sa mga taong kilala bilang pangparehong kasarian, hindi isa sa dalawang kasarian, o isang ikatlong kasarian, tulad ng Genderqueer at taong interseksuwal.[11][12]
Bilang isang teoriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang panseksuwalismo ay isang teoriya sa sikolohiya na isinasaalang-alang ang lahat ng mga kanaisan at mga nakakahiligan na nahahango magmula sa instinto ng pagtatalik[13] o, sa ibang salita, ang instinto ng pagtatalik ay may ginaganapang pangunahing bahagi sa lahat ng mga gawain ng tao, mental man o pisikal.[14] Ang Griyegong hulapi na -ismo sa panseksuwalismo, katumbas ng -ism sa katumbas sa Ingles na pansexualism, ay nagpapahiwatig ng isang doktrina, hindi katulad ng hulaping -ity sa pansexuality sa Ingles, katumbas ng -idad sa Tagalog, na nagpapahiwatig ng isang katangian o kalagayan. Bilang isang teoriya, ang panseksuwalismo ay ang norma o pamantayan sa unang bahagi ng sikolohikal na paaralan ng Freudiano o klasikal na siko-analisis.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The American Heritage Dictionary of the English Language – ikaapat na edisyon. Nakuha noong 9 Pebrero 2007, mula sa websayt ng Dictionary.com
- ↑ "Pansexuality". SexInfo Online. University of California, Santa Barbara. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-21. Nakuha noong 2011-04-18. Naka-arkibo 2010-07-21 sa Wayback Machine.
- ↑ Hill, Marjorie J.; Jones, Billy E. (2002). Mental health issues in lesbian, gay, bisexual, and transgender communities. American Psychiatric Pub. p. 95. ISBN 9781585620692. Nakuha noong 28 Pebrero 2011.
- ↑ ref name=HS>Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 564. Kahulugan: pansexual Arousable by both sexes
- ↑ Diamond, L., & Butterworth, M. (2008). Questioning gender and sexual identity: Dynamic links over time. Sex Roles. Published online 29 Marso 2008.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-10. Nakuha noong 2011-04-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) Naka-arkibo 2011-05-10 sa Wayback Machine. - ↑ Rice, Kim (2009). "Pansexuality". Sa Marshall Cavendish Corporation (pat.). Sex and Society. Bol. 2. Marshall Cavendish. p. 593. ISBN 9780761479055. Nakuha noong 28 Pebrero 2011.
- ↑ Soble, Alan (2006). "Bisexuality". Sex from Plato to Paglia: a philosophical encyclopedia. Bol. 1. Greenwood Publishing Group. p. 115. ISBN 9780313326868. Nakuha noong 28 Pebrero 2011.
- ↑ "GLAAD Media Reference Guide". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-01-01. Nakuha noong 2011-04-18.
- ↑ "What is Bisexuality?". The Bisexual Index. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-28. Nakuha noong 2011-04-18.
- ↑ "Bandila ng Dangal na Panseksuwal". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-17. Nakuha noong 2011-07-17.
- ↑ Mga resulta para sa bandila ng Dangal na Panseksuwal mula sa Google Image
- ↑ The Free Dictionary http://www.thefreedictionary.com/pansexualism
- ↑ Online Etymology Dictionary http://www.etymonline.com/index.php?term=pansexual