Pedro III ng Rusya
Si Pedro III o Peter III (21 Pebrero 1728 – 17 Hulyo [Lumang Estilo 6 Hulyo] 1762) (Ruso: Пётр III Фëдорович, Pyotr III Fyodorovich) ay naging Emperador ng Rusya sa loob ng anim na buwan noong 1762. Ipinanganak siya bilang Karl Peter Ulrich, anak na lalaki ng Duke ng Holstein-Gottorp. Pinalaki bilang isang Aleman, halos hindi siya marunong magsalita ng wikang Ruso at talagang nagsisikap na magtamo ng patakarang maka-Prusya, na naging dahilan kung bakit hindi siya nagustuhan bilang isang pinuno. Mas malamang na siya ay sumailalim sa asasinasyon bilang kinalabasan ng isang pagsasabwatan na pinangunahan ng kaniyang asawa, na humalili sa kaniya sa trono bilang si Catherine II.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.