Pumunta sa nilalaman

Posil na transisyonal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang transisyonal na fossil o transitional fossil ay anumang naging fossil na mga labi ng isang anyo ng buhay na nagpapakita ng mga katangian na karaniwan sa parehong pangkat ng ninuno nito at mga pangkat ng inapo nito.[1] Ito ay lalong mahalaga kapag ang pangkat ng inapo(descendant) ay maliwanag na maitatangi ng grosang anatomiya at paraan ng pamumuhay mula sa pangkat ng ninuno nito. Ang mga fossil na ito ay nagsisilbing mga paalala na ang mga dibisyon ng taksnomiya ay mga nilikha ng tao na itinakda pagkatapos ng pangyayari sa isang continuum ng mga pagkakaiba iba. Dahil sa pagiging hindi kumpleto ng fossil record, karaniwang walang paraan na eksaktong malaman kung paanong kalapit na nauugnay ang isang transisyonal na fossil sa punto ng paghihiwalay. Dahil dito, ang mga transisyonal na fossil ay hindi maipapalagay na mga direktangninuno ng mas karaniwang mga pangkat bagaman ang mga ito ay kadalasang ginagamit na modelo para sa mga gayong ninuno.

Ang mga spesipikong halimbawa ng mga transisyonal na fossil ay kinabibilangan ng mga transisyon sa pagitan ng mga primado at tao, mga tetrapod at isda at mga ibon at mga dinosaur.

Mga kilalang halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Archaeopteryx

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Archaeopteryx ay isang henus ng theropod dinosaur na malapit na nauugnay sa mga ibon. Simula huli ng ika-19 siglo, ito ay tinanggap ng mga paleontologo na pinakamatandang alam na ibon. Gayunpaman, ang isang pag-aaral noong 2011 ay nagmumungkahing sa halip na ibon ay isang hindi-avialan dinosaur na malapit na nauugnay sa pinagmulan ng mga ibon.[2] Ito ay nabuhay sa ngayong katimugang Alemanya noong Huling panahong Jurassic noong mga 150 milyong taong nakakalipas nang ang Europa ay isang arkipelago sa isang mababaw na mainit na tropikal na dagat na mas malapit sa ekwador kesa sa sa lugar nito ngayon.

Australopithecus afarensis

[baguhin | baguhin ang wikitext]
A. afarensis na nagpapakita ng nakatinding na paglalakad nito

Ang hominid na Australopithecus afarensis ay kumakatawan sa isang transisyon sa pagitan ng mga modernong taong bipedal at mga ninuno nitong quadruped(naglalakad gamit ang apat na hita). Ang isang bilang ng mga katangian ng kalansay ng A. afarensis ay malakas na sumasalamin sa bipedalismo(paglalakad gamit ang dalawang hita) na nagmumungkahing ang bipedalismo ay nag-ebolb bago ba ang paglitaw ng A. afarensis.[3][3]:122

Pakicetids, Ambulocetus

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Reconstruction of Pakicetus
Skeleton of Ambulocetus natans

Ang mga cetacean na kinabibilangan ng mga balyena, mga dolphin at mga porpoise ang mga inapo ng mga mammal na panglupain. Ang mga pakicetid ang pamilyang ekstintong mga may pesunya na mga mammal na mga pinakamaagang nabuhay na mga balyena. Ang kanilang pinakamalapit na pangkat na kapatid ang Indohyus mula sa pamilyang Raoellidae. Sila ay nabuhay sa maagang Eoseno noong mga 53 milyong taong nakakaran. Ang kanilang mga fossil ay unang natuklasan sa Hilagang Pakistan noong 1979 sa isang ilog na hindi malayo mula sa mga baybayin ng nakaraang Dagat Tethys. Ang mga pakicetid ay nakakarinig sa ilalim ng katubigan gamit ang napabuting konduksiyon ng buto sa halip na nakasalalay sa membranong timpaniko tulad ng karamihang mga mammal na panglupain.

Tiktaalik had spiracles (air holes) above the eyes
Life restoration of Tiktaalik roseae

Ang Tiktaalik ay isang henus ng ekstintong sarcopterygian na nabuhay noong mga 375 milyong taong nakakaraan. Ito ay iminungkahi ng mga paleontologo na kumakatawan sa transisyon sa pagitan mga bertebradong hindi hindi-tetrapod gaya ng Panderichthys na alam mula sa mga fossil na may edad na 380 milyong taong nakakaraan at mga maagang tetrapod gaya ng Acanthostega at Ichthyostega na alam mula sa mga fossil na may edad na mga 365 milyong taong nakakalipas. Dahil sa paghahalong mga katangian ng mga primitibong isda at mga tetrapod, ito ay tinukoy ng nakatuklas ritong si Neil Shubin bilang isang "fishapod".[4][5]

Modern flatfish are asymmetrical, with both eyes on the same side of the head
Fossil of Amphistium with one eye at the top-center of the head

Ang Amphistium ay isang fossil ng isda na 50 milyong taong gulang na natukoy bilang isang maagang kamag-anak ng flatfish at bilang isang transisyonal na fossil .[6] Sa Amphistium, ang transisyon mula sa tipikal na simetrikong ulo ng bertebrado ay hindi kumpleto na may isang matang nakalagay malapit sa tuktok na gitna ng ulo.[7] Ang pagbabagong ito ayon sa mga paleontologo ay "pagbabagong nangyari ng dahan dahan sa isang paraan na umaayon sa ebolusyon sa pamamagitan ng natural na seleksiyon, hindi isang biglaan na nakaraang pinaniwalaan.[6]

The Devonian fossil plant

Ang isang prekursor noong gitnang Devonian sa mga halamang may buto ay natukoy sa Belgium na nauna sa pinakamaagang halamang may buto nang mga 20 milyong taon. Ang Runcaria ay isang maliit na radyal na simetrikal na integumentadong megasporangium napapalibutan ng cupule. Ang megasporangium ay may isang hindi nabuksang ekstensiyong distal na nakausli sa ibabaw ng maraming lobong integumento. Ito ay nagbibigay linaw sa pagkakasunod sunod ng pagkakamit ng katangiang humahantong sa halamang may buto. Ito ay may lahat ng katangian ng mga halamang may buto maliban sa isang solidong takip ng buto at isang sistemang gumagabay sa pollen tungo sa buto.[8]

Mga maling pagkaunawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang katagang missing link(nawawalang ugnayan) ay nakaraang malawakang ginamit sa mga aklat para sa mga pangkalahatang mambabasa upang tukuyin ang isang pinaniwalaan sa nakaraang puwang sa fossil record ng ebolusyon ng mga hominid kabilang ng ebolusyon ng tao. Dahil sa espesyalisado at mga bihirang sirkunstansiyang kailangan para maging fossil ang isang organismo, ang tanging maliit na persentahe ng mga anyo ng buhay ang maasahang matutuklasan sa mga fossil at ang bawat pagkakatuklas ng isang bagong fossil ay kumakatawan sa isang litrato ng proseso ng ebolusyon.

Ang katagang missing link ay unang ginamit sa kontekstong siyentipiko ni Charles Lyell sa kanyang ikatlong edisyon(1851) ng aklat na Elements of Geology tungkol sa mga nawawalang bahagi ng geologic column. Ito ay pinsikat sa kasalukuyang kahulugan nito sa pahina xi ng kanyang Geological Evidences of the Antiquity of Man noong 1863. Sa panahong ito, malawakang pinaniwalaang ang wakas ng huling panahong tag-yelo ay nagmamarka ng unang paglitaw ng mga tao. Gayunpaman, si Lyell ay humango sa mga bagong natuklasan sa kanyang Antiquity of Man na naglalagay sa paglitaw ng mga tao sa mas maaga pa sa malalim na nakaraang heolohikal. Isinulat ni Lyell na nananatiling isang malalim na misteryo kung paanong ang malaking puwang sa pagitan ng tao at mga hayop ay mauugnay. Ang ideya ng missing link sa pagitan ng mga tao at mga mas mababang mga hayop ay nanatiling nakalagay sa isipan ng publiko. Ang paghahanap sa fossil na nagpapakita ng mga katangiang transisyonal sa pagitan ng mga ape(bakulaw) at mga tao ay hindi naging mabunga hanggang sa matuklasan ng heologong Dutch na si Eugène Dubois ang isang skullcap, isang molar at isang femur ng Taong Java sa mga bangko ng Ilog sa Java, Indonesia noong 1891. Ang natuklasang ito ay kombinasyon ng isang mababang tulad ng bakulaw ng skull roof na may utak na tinatayang mga 1000 c sa pagitan ng utak ng isang chimpanzee at isang tao. Ang isang molar ay mas malaki sa ngipin ng tao at ang femur ay mahaba at tuwid na may anggulo ng tuhod na nagpapakitang ito ay nakatindig maglakad. Sa panahong ito, ito ay tinaguriang ang "missing link" na nakatulong upang gamitin ang terminong ito para sa mga fossil ng Homo. Gayunpaman, ito ay ginamit rin sa mga species tulad ng Archaeopteryx.

Ang katagang missing link ay isang nakakapagligaw na katawagan dahil ang mga natuklasang fossil sa pagitan ng mga ape at tao ay hindi na nawawala at ang pagkakatuklas ng mga bagong fossil ay patuloy na pumupuno sa dating nakaraang pinaniniwalaang mga puwang nito.[9] Ang missing link ay karaniwang ginagamit ng ilan ngayon upang tukuyin ang anumang mga bagong natuklasang mga transiyonal na fossil. Gayunpaman, ang katagang missing link ay hindi ginagamit ng mga siyentipiko sa kasalukuyan dahil ito ay tumutukoy pananaw ng kalikasan bago ang pagkakabuo ng ebolusyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Herron, Scott Freeman, Jon C. (2004). Evolutionary analysis (ika-3rd (na) edisyon). Upper Saddle River, NJ: Pearson Education. p. 816. ISBN 978-0-13-101859-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. Xing Xu, Hailu You, Kai Du and Fenglu Han (28 Hulyo 2011). "An Archaeopteryx-like theropod from China and the origin of Avialae". Nature. 475 (7357): 465–470. doi:10.1038/nature10288. PMID 21796204. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. 3.0 3.1 Lovejoy, C. Owen (1988). "Evolution of Human walking" (PDF). Scientific American. 259 (5): 82–89. doi:10.1038/scientificamerican1188-118. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. John Noble Wilford, The New York Times, Scientists Call Fish Fossil the Missing Link, 5 Abril 2006.
  5. Shubin, Neil (2008). Your Inner Fish. Pantheon. ISBN 978-0-375-42447-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Minard, Anne (9 Hulyo 2008). "Odd Fish Find Contradicts Intelligent-Design Argument". National Geographic. Nakuha noong 2008-07-17.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Matt Friedman (10 Hulyo 2008). "The evolutionary origin of flatfish asymmetry". Nature. 454 (7201): 209–212. Bibcode:2008Natur.454..209F. doi:10.1038/nature07108. PMID 18615083. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Gerrienne, P., Meyer-Berthaud, B., Fairon-Demaret, M., Streel, M., and Steemans, P. (2011). "Runcaria, a Middle Devonian Seed Plant Precursor". Science Magazine. American Association for the Advancement of Science. 306 (5697): 856–858. Bibcode:2004Sci...306..856G. doi:10.1126/science.1102491. PMID 15514154. Nakuha noong 22 Marso 2011. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  9. http://news.discovery.com/human/evolution/missing-link-human-ancestor-sediba.htm[patay na link]