Pumunta sa nilalaman

Rantso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tanaw ng Rantso ng Grant-Kohrs malapit sa Deer Lodge, Montana

Ang isang rantso (mula sa Kastila: rancho/Kastilang Mehikano) ay isang lupain, kabilang ang iba't ibang estraktura, na pangunahing nilalaan para sa pagrarantso, ang pagsasanay ng pagpapalaki ng mga hayop na pinapastol tulad ng baka at tupa. Isa itong subtipo ng bukid. Nailalapat ang katawagang ito pinakamadalas sa mga operasyon ng pagpapalaki ng hayop sa Mehiko, Kanlurang Estados Unidos, at Kanlurang Canada, bagaman may mga rantso din sa ibang lugar.[1] Tinatawag na mga rantsero, ganadero o hasendado ang mga taong may-ari o nagpapatakbo ng isang rantso. Isang paraan din ang pagrarantso na ginagamit upang palakihin ang hindi karaniwang hayop tulad ng kabayo, abestrus, alse, emu, bisonteng Amerikano, at alpaka.[2]

Pangkalahatang nagtataglay ang mga rantso ng malaking lugar, subalit maaring halos lahat ng laki. Sa kanlurang Estados Unidos, ang maraming rantso ay isang kombinasyon ng mga lupaing pribado ang pagmamay-ari na dinadagdagan ng upa sa pagpapastol sa ilalim ng kontrol ng pederal na Kagawaran ng Pamamahala ng Lupa o ang Serbisyong Gubat ng Estados Unidos. Kung kinabibilangan ng mga lupaing masasaka o may irigasyon, maaring may limitadong dami ang rantso ng pagsasaka, pagtatanim ng mga paninim para pakainin sa mga hayop, tulad ng dayami at mga buti na pakain.[2]

Kasaysayan sa Hilagang Amerika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang dumating ang mga Kongkistador sa mga Amerika noong ika-16 na dantaon, sinundan ng mga dayuhan, dinala nila ang kanilang mga baka at ang kaparaanan nila sa pagpapalaki nito. Mas organiko ang tradisyong bakero ng Hilagang Mehiko, na umunlad upang umangkop sa mga katangian ng rehiyon mula sa mga mapagkukunang Kastila sa pamamagitan ng interaksyong pangkalinangan sa pagitan ng mga piling Kastila at katutubo at mestiso.[3]

Umunlad ang pagrarantso ng baka sa Kastilang Florida noong ika-17 dantaon.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Spiegal, S., Huntsinger, L., Starrs, P.F., Hruska, T., Schellenberg, M.P., McIntosh, M.M., 2019. Rangeland livestock production in North America, in: Squires, V.R., Bryden, W.L. (Eds.), Livestock: Production, Management Strategies, and Challenges. NOVA Science Publishers, New York, New York, USA. (sa Ingles)
  2. 2.0 2.1 Holechek, J.L., Geli, H.M., Cibils, A.F. and Sawalhah, M.N., 2020. Climate Change, Rangelands, and Sustainability of Ranching in the Western United States. Sustainability, 12(12), p.4942.
  3. Haeber, Jonathan. "Vaqueros: The First Cowboys of the Open Range". National Geographic News, Agosto 15, 2003. Kinuha online noong Oktubre 15, 2007.
  4. Arnade, Charles W. (1961). "Cattle Raising in Spanish Florida, 1513-1763". Agricultural History. 35 (3): 116–124. ISSN 0002-1482. JSTOR 3740622.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)